LOVE & LIES EPISODE 2(2/4): Pagdalaw

247 9 0
                                    

(THAP POV.)

*March 14, 2022 @Hospital

"Tulooong... please waaag.. maawa ka sakin.. waaaaaaag."

Isang napakasamang panaginip ang gumising sa aking mahabang pagkakatulog, pagdilat ko ng aking mga mata at inilibot ko ang aking paningin, narealize ko na nasa ospital pala ko. Ang huling naaalala ko ay nagkita kami ni Tim sa plaza, at yung papauwi na ako.. may biglang lumapit saking isang lalake at bigla akong sinaksak sa sikmura. Medyo kumikirot pa ang aking sugat..... Teka! Pano ko napunta dito??
.
.
"MA??..... FRED... "
.
.
wala akong kasama dito sa kwarto, wala din sila Mama, sino nagdala sakin dito?
.
.
Pababa sana ko ng aking higaan ng biglang may pumasok na isang Nurse malamang hospital to ee. Nakuha kopang magbiro sa isip ko.
.
.

"SIR, BUTI PO GISING NA KAYO, AKO PO PALA SI NATE PETERSON LEE, AKO PO YUNG INASSIGN SA INYO TO CHECK YOIR CONDITION ." pakilala nito sa akin.

"HELLO, AKO NAMAN SI THAP, AND....
NATE.. RIGHT?? PWEDENG MAGTANONG?.... AHHM SINO YUNG NAGDALA SAKIN DITO SA HOSPITAL.?"

Subalit tiningnan lang ako ng nurse at ngumiti, Aba tinatanong ng maayos ngingitian lang ako. Ganun ba ko Kacute HAHAH.

"SIR PASENSYA NAPO KASI KAKADUTY KO LANG PO SOO.. HINDI KO PO ALAM EE. BUT ILL TRY TO ASK DOC WILSON."
.
.
Tumango nalang ako tanda ng pagsang ayon sa kanya.
.
.
"SIR, CHECK LANG PO NATIN YUNG BLOOD PRESSURE NINYO THEN VITAL SIGN". Sambit ng Nurse.
.
.
.

Pagkatapos icheck ang lahat ng dapat icheck ay tuluyan ng umalis ang nurse.
Hayss well ang importante ligtas na ko sa kamatayan. Kung sino ka man na nagligtas sakin salamat, ang Diyos na ang bahala sayo.
Pero baka nag aalala na sakin sila Mama dahil hindi nga pala alam ng kahit sino ang nangyari sakin. Bakit wala saking tumatawag o nagmemessage... . Ahh wait.. where's my cellphone. Pati ba naman cellphone ko kinuha pa.. anu bang kamalasan nangyayari sakin hayss.

*****************************************
(SOMEONE'S POV)

"G*GO KABA? HAH? DI KABA NAG IISIP? ANG SABI KO TAKUTIN MO LANG SINDAKIN MO, HINDI KO SINABING SAKSAKIN MO O PATAYIN MO. PANO KUNG MAY NAKAKILALA SAYO HAH? ALAM MO KAHIT KAILAN KA TALAGA HINDI KA MARUNONG MAG ISIP NAPAKA B*B* MO."

"ALAM MO PURO KA REKLAMO, BAKIT DI IKAW ANG GUMAWA HAH. SAWANG SAWA NA KO SA KAKAUTOS MO KUNG TUTUUSIN MAS WALA KANG KWENTA. KUNG DI MO KAMI KASAMA DI KA NAMAM TALAGA UUBRA KAY Thap, KAYA AYUSIN MO YANG PANANALITA MO TANDAAN MO YAN."

"LAKAS NG LOOB MO SABIHIN SAKIN YAN HAH...TINATAKOT MO BA KO? TANDAAN MO ISANG SALITA KO LANG ,SA SELDA KA PUPULUTIN. KAYA UMAYOS KA"

======================================

(VLAD'S POV)

*Alarm Ringtone* 6:00AM

*Alarm Ringtone* 6:30AM

*Alarm Ringtone* 7:00AM

Hmmmm.... sobrang sakit ng ulo koo... sh*t...

Ayaw ko pa sanang bumangon dahil sobrang sakit ng ulo ko. Uminom kasi kami kagabi at mukhang napadami ako. Pero kailangan kong bumangon para makapagluto at dadalin ko sa hospital. Kinuha ko yung phone ko at sinubukan kong tawaga si Doc Wilson para humingi ng Update.

VIA PHONECALL

"HELLO, GOOD MORNING DOC WILSON, HMMM KAKAMUSTAHIN KO LANG SANA YUNG PASYENTE NA DINALA KO KAGABI? KAMUSTA NA SYA?"

" GOOD MORNING, MAY INASSIGN AKONG NURSE NA MAGBABANTAY SA KANYA SI NATE! REMEMBER ? KABABATA MO SYA AND DITO NA SYA NAKA ASSIGN NGAYON. ( yeah i know Nate , Anak sya ng kumpare ni Dad). WELL AYON SA REPORT NYA KANINA SAKIN, NAGING MAAYOS NAMAN ANG KALAGAYAN NYA AT GOOD NEWS NAGISING NADIN DAW. SO WALA KA NG DAPAT IPAG ALALA PA AND DONT WORRY TULOY TULOY PADIN ANG PAG MONITOR NAMIN SA KANYA." Paliwanag sakin ni Doc,.

"THANKS DOC, ILL GO NALANG PO AKO DYAN LATER, OKEY THANK YOU DOC."

*end of Phonecall
.
.
.
Nang matapos kaming maka pagusap ni Doc ay agad naman na akong bumangon at nag ayos ng aking sarili.
Buti nalang naisipan ko kahapon na mag groceries so may stock ako and yess.. marunong akong mamalengke hahah, dahil independent person ako kailangan kong matutunan lahat ng bagay ng ako lang mag isa. Sabi ko nga kahit may kaya ang pamilya namin never akong naging maluho. Then ill prepared some foods and soup para dalhin sa hospital.
.
.
.
At kung tatanungin nio ko kung bakit ganun nalang ang pag aalala at pag aasikaso ko sa kanya, well i dont know basta i feel something about that person. Gusto ko syang makilala.
.
.
.
Nang matapos akong magluto ng ADOBO at Mushroom Soup  ay naligo nadin ako at nagbihis dahil tutungo na ako sa hospital.
.
.
.
Ginayak ko na lahat ng dadalin pati mga damit na pamalit nya, coz i know na walang dumadalaw sa kanya dahil walang may alam kung ano ang nangyari sa kanya. Hindi nya kasi matatawagan ang mga magulang nya at kahit kaibigan nya kung meron man dahil nasa akin ang Cellphone nya. Dont worry di ko sya inoopen dahil low battery and di sya compatible ng charger ko.

Nang maayos kona lahat ng dadalhin mabilis akong nagtungo sa lobby dahil naghihintay na si Bryan sa ibaba dahil ihahatid nya ko sa Hospital.
.
.
.
At yun na nga nagpunta na kami sa hospital sakay ang kanyang kotse na talagang alagang alaga nya. Masyadong maselan ang kaibigan kong ito pagdating sa gamit. Buti nalang kaibigan nya ko kaya kapag ako ang nanghihiram wala nang sabi sabi pa HAHAHA.
Nang matanaw ko sya sa lobby ay agad ko naman itong tinawag, lumapit na din ito at tinulungan ako sa mga dala ko.
.
.
.
.
"LAHAT TALAGA NG YAN DADALHIN MO DON? MUKHANG BALAK MO NA DON TUMIRA BRO HAHAHA" Pabirong saad ni Bryan habang kinukuha yung ibang gamit na dala dala ko.

"TULUNGAN MO NALANG AKO OK,? PAGKAIN LANG NAMAN YAN SAKA IBANG DAMIT DAHIL SIGURADO AKO WALA PANG DUMADALAW DON, MUKHANG HINDI PA ALAM NG FAMILY NYA NA MAY NANGYARING MASAMA SA KANYA." Sambit ko habang binibigay sa kanya ang ibang gamit na dala ko.
.
.
.
Nang mailagay na namin sa kotse ang lahat ng dadalin sa hospital ay agad naman kaming umalis ni Bryan.
.
.
.
"Hindi na nga pala kita masasamahan sa loob ng hospital bro at may importante akong lakad ngayon, pero kung magkaroon ng problema tawagan mo lang ako ah."paalam sakin ni Bryan. Niyaya ko kasi syang sumama sakin sa loob ng hospital ng makita man lang nya ung lalaki kaso may lakad daw sya diko nadin napilit.
.
.
.
"No problem bro, salamat ulit. Diko alam kung pano ko makakabawi sayo. Sa lahat ng tulong mo sakin."sagot ko naman dito. At nagpasalamat nadin ako sa kanya. Malaking tulong si Bryan sakin at tinatanaw ko lagi na utang na loob lahat ng tulong sakin ni Bryan.
.
.
.
"Anu kaba! Wala yon bro, at isa pa halos magkapatid na tayo noh. Ehh, bat kasi ayaw mo pang tanggapin ung offer ng ate mo sayo na kunin ung kotse nya. Para naman di kana nahihirapan na mag commutte everyday."medyo natahimik ako sa sinabi nya. Actually pinag iisipan ko nadin yon. May inooffer kasi sakin si Ate Sam na kotse nya. Ayaw kong kunin pero pinipilit nya ko and kung gusto ko daw hulugan ko nalang kung ayaw ko ng bigay. Sabagay pwede naman.
.
.
.
.
"Pinagiisipan ko pa bro, sa ngayon magtyaga ka munang mag hatid sundo sakin HAHAHA."pabiro ko sa kanya. At nagtawanan nalang kaming dalawa.
.
.

****************
Next chapter
I hope na maganda ang nagiging takbo ng story ko.. please give me a feedback nalang po. Thanks

---
Please dont forget to Comment, Vote, and Share.

MY LONG LOST BESTFRIEND : Love & LiesWhere stories live. Discover now