LOVE & LIES EPISODE 1(3/4): Bingit ng Kamatayan

340 10 0
                                    

Chapter 1 (3/4) Part 1

March 13, 2022 8:15 pm

(THAP POV.)

Nagtungo na ko sa Plaza upang kitain si Tim dahil dito na namin napagdesisyonan na magmeet dahil di naman kalayuan ito samin. Pagdating ko sa Plaza ay agad ko naman syang natanaw at nakaupo sa isang bench at may hawak na Vape( E-Cigarette). yeah uso na yung vape ngayon dahil ayaw namin ng sigarilyo, vape ang ginagamit namin. Pero hindi iyon alam ni Mama haha.

"HEY BRO KANINA KAPA? SORRY MEJO NAHIRAPAN AKONG SUMAKAY EE SAKA TRAFFIC DON SA TAPAT NG WALTER MAY NAAKSIDENTE YATA."

paliwanag ko kay Tim

"OK LANG BRO, KALA KO NGA DI KANA PUPUNTA EH. TALAGANG UUWI NADIN SANA KO'."

nagdrama patong loko na to'
Umupo nako sa tabi nya at tumingin sa malayo. Di ko alam pero mukhang malaki nga talaga ang problema ng mokong nato. Medyo madami pading mga tao sa plaza ng ganitong oras tanaw namin ang mga batang naglalaro kahit gabi na, may mga nakaupo sa damuhan na pawang mga nagdadate, nang biglang nagsalita si Tim.

"BRO.. NAGKAGALIT KAMI NI LEX."

napatingin ako sa kanya ng bigla syang nagsalita.

" HINDI KO KASI SYA SINIPOT KAGABI SABI KO KASI DIDIRETSO KO SA KANILA PAGKAGALING KO SA TITA KO. PERO DI AKO NAKAPUNTA KASI NAGKAROON NG EMERGENCY KAYA DI AKO NAKAPAG MESSAGE SA KANYA. AYON MUKHANG NAGTAMPO KAYA HINDI AKO KINAKAUSAP HANGGANG NGAYON. DAPAT NGA SYA YUNG KASAMA KO HINDI IKAW KASO HINDI SYA NAGREREPLY SAKIN. KAYA IKAW NALANG TINAWAGAN KO."

malungkot na saad ni Tim sakin, medyo nacucurious ako sa sinasabi nya, pero nitong mga nakaraang araw kasi napapansin ko na parang may something sa dalawa pero diko nalang pinapansin un dahil kaibigan ko naman silang dalawa.

Isang malalim na buntong hininga ang binitawan ni Tim at tumanaw ito sa malayo.

"BRO MAY TANONG AKO !."
Saad ko kay Tim, alam ko na hindi ko dapat ito tanungin pero gusto ko lang talaga malaman ang totoo, kasi kung ano man ang isagot nya sakin tanggap ko yon dahil mga kaibigan ko sila. Pero gusto ko din kasi na aware ako sa ganap nilang dalawa.

"ANO YON BRO?." Sagot nia sakin at napatingin ito sakin na may pagtataka.

"AHHMM, ANO MERON SA INYO NI LEX?.. MAYROON BA AKONG HINDI ALAM NA DAPAT KONG MALAMAN?".

Ramdam ko sa kanya ang pressure ng tanungin ko iyon, napalunok nalang sya at parang hindi alam kung ano ang isasagot.

"SORRY BRO.. (yan ang unang nasambit sakin ni Tim, alam ko na mejo maiiyak na sya pero pinipigilan lang nya)

.. HINDI KO DIN KASI ALAM KUNG PAANO KO SASABIHIN SAYO, WALA AKONG PAGKAKATAON NA KAUSAPIN KA, SORRY KUNG TINAGO NAMIN SAYO.. SORRY TALAGA BRO..".

tuluyan ng napaluha si Tim.. Hinawakan ko ang balikat nya, at hinimas ko ang kanyang likod para kahit papano kumalma sya. Natigilan sya nung ginawa ko un.

"ALAM KO, (ngumiti ako sa kanya na parang walang nangyari)

"MATAGAL NA.. HMMM KAHIT DI NIYO SABIHIN, ALAM KO AT NARARAMDAMAN KO YON."

(actually oo matagal ko ng alam at nararamdaman ko na na parang may tinatago silang dalawa sakin hinihintay ko lang na sa kanila mismo manggaling at sabihin sakin pero dahil kaibigan ko nga sila at doon sila masaya, hinayaan ko nalang.)

" KAYA KUNG ANUMAN YUNG NAGING PROBLEMA NINYONG DALAWA PAG USAPAN NIO YAN. MALIIT NA BAGAY LANG YAN KESA SA MGA PAGDADAANAN NIYO PA. BASTA ANDITO LANG AKO NAKASUPORTA SA INYONG DALAWA HAH. KAYA TAMA NA YANG DRAMA NA YAN."

isang malaking ngiti ang binigay ko kay Tim at ganun din sya. Ramdam ko na parang isang malaking tinik ang nabunot sa kanyang dibdib ng sabihin ko sa kanya ang totoo. Pero mali lang nila nilihim nila sakin pero ok lang un ang importante kampante na ko sa kanilang dalawa.

"DAHIL DYAN, BAKA NAMAN ILIBRE MO PA KO DI NAMAN NAKAKAHIYA HMM HAHAHAH".

Niyaya ko ng mag meryenda si Tim syempre sya ang taya hahaha sya nag aya sakin ee nagpunta kami sa pwesto ni Manong Andi ito kasi ang madalas namin bilhan ng mga StreetFoods dahil bukod sa madaming choices ee masarap talaga ang sauce ni Mang Andi. Ito yung sauce na walang katulad sa ibang nagtitinda ng mga streetfoods kaya naman kilalang kilala ang cart ni Mang Andi sa park na ito.

to be continued

Chapter 1 (3/4) Part 2

*09:45 pm

Mejo lumalalim nadin ang gabi kaya napagpasyahan na namin ni Tim na umuwi na.
...Pero kanina pako hindi mapakali kasi parang may matang nagmamatyag samin kanina pa.. kaya hindi din ako mapakali.

"OK KALANG BA THAP? KANINA KAPA LINGON NG LINGON KUNG SAAN SAAN MAY PROBLEMA BA?"

Nagtatakang tanong sakin ni Tim. Nakahalata nadin pala sa mga kinikilos ko.

"WALA WALA HMM SO PANO TARA NA AHHM.. HATID NA MUNA KITA SA SAKAYAN TAPOS GO NADIN AKO."

anyaya ko kay Tim

"HINDI NA BRO, OKEY LANG MEDYO MALALIM NA DIN ANG GABI , AT PARA MAKAUWI KA NADIN AGAD, SALAMAT DIN SA PAGSAMA SAKIN, INGAT KA NALANG AH KITA NALANG TAYO SA SCHOOL."

at yun nga nag abang na ng sasakyan si Tim at umalis nadin ako.
Halos wala nading mga tao dito sa plaza dahil gabing gabi nadin, may iilan nalang ding sasakyan ang dumadaan. Kaya ng nasiguro kong nakasakay na si Tim ay naglakad nadin ako pauwi.

=
(SOMEONE POV.)

"DUDE' SI THAP YON DIBA?,"

turo sakin ng kasama ko at nilingon ko nga ang lalaking naglalakad.

"ANG LAKAS TALAGA NG LOOB NITONG MOKONG NATO NA MAGLAKAD MAG ISA SA GABI AT DITO KAPA TALAGA DUMAAN, HAHAHAHA. PWES TINGNAN NATIN KUNG MAKAUWI KAPA NG BUHAY.
IKAW NA BAHALA SA KANYA MIKE, TAKUTIN MO LANG, TINGNAN KO LANG KUNG DI KA MADALA."

Ng dahil sayo nagbreak kami ni Ivone kaya humanda kang kumag ka, di kita tatantanan.

=
(THAP POV.)

*10:20 pm

Habang binabaybay ko ang Bakanteng lote na malapit sa School namin dahil ito lang ung maayos na daan pauwi sa bahay namin, maganda naman ang daan dito dahil bukod sa maliwanag naman ang ilaw ee malinis pa ang paligid kaya mukhang safe na safe naman dumaan dito kapag gabi , pero parang nararamdaman kong may sumusunod sakin, huminto muna ko saglit para pakiramdaman kung may sumusunod ba talaga sakin ,

"SINO YAN? KUNG SINO KA MAN LUMABAS KA JAN."

sambit ko subalit walang sumasagot kaya nagpatuloy ako sa paglakad yung totoo pawis na pawis nako na halos lakad takbo na ung ginagawa ko ng biglang may humarang saking lalake at bigla akong niyakap.. nagulat ako dahil sobrang higpit ng yakap nya sakin subalit may iba akong naramdaman sa oras na ito. Hindi ko mapaliwanag na parang unti unti akong nanghihina at biglang kumalas sa pagkakayakap ang lalaki at bigla itong tumakbo papalayo sakin. Hindi na maganda ang nararamdaman ko sa pagkakataong ito. Parang may mali, medyo hindi nadin ako masyadong makahinga at medyo naglalabo nadin ang paningin ko hanggang sa napaluhod nalang ako bigla at napatingin sa aking sikmura, tiningnan ko ang aking palad at laking gulat ko.. laking gulat ko na puno ito ng Dugo.. hanggang sa...****

************
Please give me a feedback po para ganahan pa ako lalo gumawa ng stories at ipagpatuloy po ito. Salamat...

MY LONG LOST BESTFRIEND : Love & LiesWhere stories live. Discover now