Love & Lies: Chapter 12(1/4) Part 1
(THAP'S POV)Natapos ang celebration ko, masaya naman ang lahat. Umuwi nadin ang mga pinsan at mga tita ko and back to normal na ulit. Naiwan lang samin si Aio dahil napagpasyahan ni Auntie (Mama ni Aio) na dito nalang sya pag aralin sa susunod na pasukan.
Malapit na pinsan ko si Aio at halos kapatid nadin ang turing ko sa kanya. Pero di ko maintindihan minsan kung ano ba talaga sya. Kwento kasi ni Tita sakin minsan puro babae daw ang nakakasama ni Aio pero wala naman issue sakin yun. Bali si Aio at Fred ang magkasama sa kwarto dahil mas close si Fred kay Aio keysa kay Charles, kaya si Charles naman ang katabi ko sa kwarto ko.Well, dahil busy sila Mama at mga kapatid ko sa pagliligpit ng mga pinagkainan ng mga bisita ay lumabas na muna kami ni Vlad para magpahangin.
"Ahh. Thap.. " ani ni Vlad
"Uhm, bakit?" tugon ko
"Ahmm ano.. kasi. Ahh. Gusto ko lang sana mag sorry sayo, alam ko na..... " sambit ni Vlad. Subalit hindi ko na sya pinatapos sa kanyang sasabihin.
"kung tungkol yan sa nangyari sa hospital, kalimutan na natin yon. Ako nga dapat humingi ng sorry sayo, at tama naman si Mommy mo. Kung hindi dahil sakin hindi ka malalagay sa kapahamakan."
Bigla akong napatingin sa kanya. Kita ko sa mga mata nya ang pagiging seryoso. Hindi ko alam, parang ibang Vlad ang kaharap ko ngayon kasi buhat kanina parang ang gaan gaan ng kalooban nya, ang saya saya nya at parang walang dinadalang problema. Pero bakit ngayon may nilalaman ang bawat titig nya sakin.
"Pero hindi ko gusto yung ginawa sayo ni Mommy, ang pagkakamali ko lang kasi hinayaan lang kita na umalis. Ni hindi man lang kita naipagtanggol." Sambit ni Vlad
"Lahat naman tayo nabigla sa nangyari, kalimutan nalang natin un okey." Paliwanag ko sa kanya. Nagulat ako ng biglang hawakan ni Vlad ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. Subalit nakatingin lang ito sa malayo at kita ko sa mukha nya ang saya sa pagkakataong ito. Ang gwapo talaga neto ee. Kailan ba kasi aamin to sakin HAHAHA. Para naman masagot ko na sya agad, aukong mag first move noh baka sabihin masyado akong agresibo. Hinahayaan ko nalang sya na maunang magparamdam sakin ng totoo nyang nararamdaman. Nananatili ang pwesto naming yon. Magkahawak ang aming kamay at nakatanaw sa malayo.
"Kuya Thap sabi ni Fred......." nagulat pa kami ng biglang sumulpot si Aio sa pintuan. At agad naman akong bumitaw sa pagkakahawak sakin ni Vlad.
"Ahhhhh, wala pala mamaya nalang kuya. Sorry sa abala, ituloy nio lang yan. Byyyyeee" saad ni Aio na agad naman itong nagmadaling pumasok sa loob ng bahay.
Nagtawanan nalang kaming dalawa ni Vlad.
====7:30pm na ng napagpasyahan ni Vlad na umuwi, nagpaalam nadin ito kila Mama sa mga kapatid ko.
"Sigurado kaba na ihahatid mo ko sa sakayan? Kaya ko naman ee. Saka alam kong pagod ka para makapag pahinga kanadin." Saad ni Vlad.
"Okey lang, gusto ko lang din maglakad lakad ba. " Sambit ko sa kanya. Ngumiti nalang ito at tumango.
Lumabas na kami ng bahay at naglakad nalang kami papunta sa kanto. Nung una tahimik lang kami habang naglalakad pero binasag ko nalang un baka mapanisan pa kami ng laway.
"Ahhm Vlad,. pasensya ka na sa pinsan ko lalo na kay Aio ganun lang talaga yun matatanong talaga yung mga yun kaya pasensya na talaga." Dugtong ko. habang naglalakad kami papunta sa sakayan ng jeep. Hindi nadin ako sumama kila Tim dahil medyo pagod nadin naman ako at kailangan na magpahinga.
YOU ARE READING
MY LONG LOST BESTFRIEND : Love & Lies
Teen Fiction"WALANG PERMANENTE SA MUNDO" yan ang paniniwalang ponanghahawakan ni Thap/Phatt ng minsan syang iwanan ng kanyang Childhood Bestfriend na si Vlad/Red na nangakong hindi sila maghihiwalay nito. This is not a typical Story between the two person na n...