LOVE & LIES EPISODE 4(1/4):

197 4 0
                                    


*April 4, 2022

(THAP POV)

Ilang linggo na ang nakalipas ng mangyari ang insidente, nakapasok nadin akong muli ng school at ilang buwan nalang ggraduate na kami ng 4th year High School.

Subalit sariwa padin sa akin ang nangyari at hinding hindi ko nakakalimutan ang mga taong gumawa sakin nito.

Sa mga nakaraang araw pinaimbistigahan namin nila mama ang nangyari at ginawa naming ebidensya ang CCTV Footage. Sa tulong ng mga kaibigan ko nahuli nadin ang sumaksak sa akin subalit hindi kasama si Vans dahil hindi na namin sya mahanap.
Habang kumakain kami nila Tim at Lex sa Canteen ng School may ilang estudyante na lumalapit samin at nagbibigay ng foods. Isang beses pa nga may nagbibigay ng bulaklak at prutas pero diko naman alam kung kanino nanggagaling, may nakalagay na sulat pero di naman sya nagpapakilala. Nang matapos kami sa aming pagkain may lumapit na isang lalake na may dalang bulaklak, pero bigla nalang itong umalis pagka bigay sakin kaya hindi ko na sya natanong kung kanino nanggaling to.

"EHEM, MUKHANG MAY SECRET ADMIRER KANA AH, KUNG DI KAPA NAOSPITAL WALANG NAGBIBIGAY SAYO NYAN". Pabirong sabi ni Tim sakin at nagtawanan nalang kami.

"MAY NAKALAGAY NA SULAT OH, BASAHIN MO NAMAN SAMIN." Pahabol pa ni Lex ng makita ang papel na nakalagay sa bulaklak.
Nakuha pa kong kantyawan ng mga to'

Kinuha ko ang papel na nakalagay sa bulaklak at binasa ko ito. Well as usual mabubulaklak na salita lang naman yung nakasulat kaya di ko nalang din binasa ng buo.

********************

Pagtapos namin kumain ay bumalik na kami ng Room at nilagay ko nalang ang bulaklak sa lamesa ng aking teacher para kunyari may nagbigay sakanya non at eto namang teacher namin kinikilig hahaha.

"THAP, MAY GAGAWIN KABA MAMAYA? ARAT KILA JANE , BIRTHDAY DAW NG PAPA NYA NAG IINVITE KASI. SAMA KA?".
tanong sakin ni Tim.

"AHHH.... PASENSYA NA NEXT TIME NALANG, ALAM MO NAMAN MADAMI AKONG KAILANGAN NA AYUSIN, DIBA NGA NEED KO HUMABOL ILANG WEEKS AKONG WALA DIBA? PASABI NALANG KAY JANE HAPPY BIRTHDAY SA PAPA NYA". paliwanag ko sa kanya.

"SIGE SIGE... PERO DI MO BA TALAGA NEED NG TULONG? AYUS LANG SAMIN NI LEX. DIBA LEX?". sabi ni Tim at tumango naman si Lex.

"AYOS LANG TALAGA, KAYANG KAYA KO NATO NU KABA. HAHAHA. SAKA IENJOY NIO NALANG UNG BIRTHDAY PAKABUSOG KAYO AHAHAH.".pabiro ko sa dalawa.

Pag tapos ng pag uusap namin nagfocus na kami sa klase.

********************

Nang matapos ang klase namin dumiretso na ko pauwi ng bahay at hindi nadin ako sumama kila Tim at Lex niyayaya kasi nila ko sa isang friend namin birthday daw ng Papa nya kaya may Dinner na magaganap.

Habang naglalakad ako malapit sa amin, may napansin ako na nakaparadang motor sa harap namin, isang black Honda XVr2022 "napakagandang motor nito ah mukhang mamahalin" yan ang sabi ko sa sarili ko.

Pero sino may ari non?
Kaya nagmadali ako para tingnan kung sino yung bisita ni MAMA mukhang may manliligaw na si MAMA ng di namin Nalalaman.
Pagpasok ko ng bahay nakita ko ang isang pamilyar na lalake na nakupo sa aming sofa habang umiinom ng Kape.. yeah alam kong alam nio na kung Sino yun. Tama kayo.. yung lalaking tumulong sakin noon. Si VLAD,.

"ANAK, BUTI ANDITO KANA, SYA NGA PALA MAY BISITA KA. O SYA VLAD IHO, MAIWAN KO MUNA KAYO AH AT MAGLULUTO LANG AKO NG HAPUNAN, DITO KA NA DIN KUMAIN IHO. WAG KA NG MAHIYA... ANAK ASIKASUHIN MO MUNA ANG BISITA MO AH. SA KUSINA LANG AKO." paalam ni mama samin.

Bakit alam nya kung saan ako nakatira?nako im sure sinabi nanaman ni mama ang address namin dahil nung time na nasa hospital ako. Nagkausap silang dalawa..

Nagpaalam muna ko kay Vlad na magpapalit muna ko ng Damit dahil kakagaling ko lang ng School at para komportable din naman ako. Pagkapalit ko ng damit ay lumabas agad ako ng kwarto at patungo nako sa sala at nakita ko si mama na abala sa pagluluto.

"MA' NASAN NGA PALA SI FRED AT CHARLES SABI SAKIN NI AXEL NAKAUWI NA DAW BAKIT WALA PA." Tanong ko kay mama.

Kadalasan kasi nauuna silang umuwi sakin pero nung dumating ako hindi ko sila napansin.

"NAKO NAGPAALAM SAKIN PUPUNTA DAW SILA SA PLAZA AT MANONOOD NG BANDA, KASAMA NAMAN SILA ASHLEY SAKA TITO MANOLO MO KAYA PINAYAGAN KONA. WALA NAMAN PASOK BUKAS KAYA HAYAAN MONA NG MAKALABAS MAN LANG KAHIT MINSAN" paliwanag sa akin ni Mama kaya tumango nalang ako at dumiretso nako kung nasaan si Vlad.

Pagdating ko sa sala nakita ko si Vlad na nakatayo habang tinitingnan ang mga litrato na nakasabit sa pader ng aming bahay. "Ayus din to ee daig pa ang nasa Exhibit kung makatitig sa mga litrato namin parang gustong bilin." Sabi ko aa sarili ko.

Nakuha ko naman ang atensyon nya ng nagkunwari akong nasamid at nagulat pa ito ng makita ako na nakatabi sa kanya.

Nang makuha ko na ang atensyon nya , bumalik na sya upuan at humigop ng kape. Black coffee lang ang meron kami hindi kasi kami mahilig sa creamer. Bakit ko nasabi yon? Wala lang hahaha pambahaba ng story..

"AHM! BAKIT KA NGA PALA NADAAN DITO? MAY KAILANGAN KABA?"

" AHHMP GALING KASI KO SA KAIBIGAN KO SO... NAISIPAN KO NA DUMAAN NA DITO TUTAL MAGKALAPIT LANG, SINABI KASI NG MAMA MO YUNG ADDRESS NIO SO.. DUMAAN NAKO. AHMM KAMUSTA KANA PALA?" sabi ko na nga ba ee si Mama nagsabi ng Address namin.

Si mama talaga oo. Kaya minsan bigla bigla nalang may mga pumapasok dito sa bahay ee..

"OK LANG AKO AHH. MEJO FULLY RECOVER NA YUNG SUGAT, NAKUKUHA NAMAN SA GAMOT AT OINTMENT, HMMM SALAMAT SA PAGDALAW PERO IM GOOD NAMAN NA AND THANK YOU NGA PALA SA PAG ASIKASO SAKIN NON." Sagot ko sa kanya.

Medyo naiilang pa kong kausap sya kasi di naman kami magkakilala so ano paba ieexpect nio sakin. Hindi ako pala entertain sa mga hindi ko kakilala. Although kilala ko naman to dahil sya ung tumulong sakin sa Hospital.

May ibang mga bagay pa naman kaming napag usapan ng biglang nagtanong si Vlad.

"AHH THAP? SORRY AH HMM MAY ITATANONG LANG SANA AKO, KASI NAPANSIN KO SA MGA PICTURE NYO ,MGA BAGONG KUHA LANG BA YON? WALA KAYONG PICTURE NUNG MGA BATA KAYO? AND BAKIT WALA KAYONG PIC KASAMA ANG PAPA MO, ASAN NA SYA?." Ano ba purpose ng pagpunta nya dito? Para punahin yung picture namin? Anu ba pakialam netong lalaking to?

"BAKIT?". Tanong ko sa kanya.

"WALA NAMAN? AHH SO BAKIT NGA? SI MAMA MO LANG KASI YUNG DUMALAW SAYO SA HOSPITAL? NASAN YUNG PAPA MO?" saad nito sakin.. mejo nawawala na ko sa mood ng mga oras nato.

"BAKIT BA INTERESADONG INTERESADO KA? DI MO NA KAILANGANG MALAMAN OK....ALAM MO SALAMAT SA PAGTULONG MO SAKIN, AT MALAKI ANG UTANG NA LOOB KO SAYO PERO KUNG NAGPUNTA KA DITO PARA PUNAHIN ANG MGA BAGAY DITO SA BAHAY NAMIN PWES MAKAKAALIS KANA. " nagulat sya sa tinuran ko pati si mama napalabas sa kusina dahil sa lakas ng boses ko.

Tumayo nako at dumiretso sa aking kwarto, iniwan ko syang mag isa sa Sala andoon naman si mama bahala na sya don sa lalaki nayon. Nagulat kayo kung bakit biglang uminit ang ulo ko pero ang totoo maliit lamang na bagay un.. pero sakin Hindi.. matagal na namin kinalimutan ang mga nangyari noon. Pero sa tuwing nababanggit ang kahit anong bagay tulad ng mga litrato namin noong maliliit pa kami at ang tungkol sa Papa ko . Biglang bumabalik ang mga masasalimuot na alaala namin. Hindi ko pa kasi matanggap ang pagkawala ni Papa at ang nagyari sa kanya. Kaya ganun na lamang ang nagiging reaksyon ko kapag napag uusapan un..

****************************************

MY LONG LOST BESTFRIEND : Love & LiesWhere stories live. Discover now