Love & Lies Episode 8(3/4)

151 4 0
                                    

(SOMEONE'S POV)

Sa paglipas ng mga araw, linggo  madalas ng nagkikita ang dalawa sa Karenderya kung saan minsan na silang nagkatagpo kasama ang kani-kaniyang mga kaibigan. Halos magkakalapit nadin ang mga ito lalo na si Vlad at Thap.
.
.
.
Minsan napagpasyahan nila na mag hangout na magkakabarkada, celebration nadin yon kumbaga dahil 1 week before graduation na nila Thap.
.
.
.
(Thap's House)
"Ma, nakita mo ba ung tshirt ko na binili ko nung isang araw? Wala kasi sa damitan ko ee." Tanong ni Thap sa kanyang Mama na abala sa pagluluto.

"Tingnan mo sa labas baka nasa laundry pa pero nakatupi na yon hindi ko pa naaayos sa mga damitan nio at ang dami ko pang ginagawa. Sya nga pala bukas dadating sila Aunty Myla mo kasama si Mike dito muna magbabakasyon" sambit ng kanyang Mama. Nagtungo si Thap sa kanilang Terrace para kunin ang damit na hinahanap nya.

"Ah ganun po ba Ma. Sige po walang problema, aayusin ko nalang po bukas ung kwarto ko" sagot ni Thap.
.
.
"Sya nga pala Ma, niyaya po ako ni Vlad na mag hangout  kasama naman sila Tim Ma. Celebration nadin daw para sa graduation namin"pagpapaalam ni Thap sa kanyang Mama.

"Si Vlad? Sya nga pala nak, ang tagal na nyang hindi nadadalaw dito ah. Kamusta na nga pala sya." tanong ng Mama ni Thap. Ilang buwan nadin kasing hindi napupunta sa bahay nila si Vlad.

"Ayos lang naman Ma, masyado din kasing Busy yun kaya siguro hindi na makuhang pumunta dito." Sagot ni Thap sa kanyang Mama.

"Ah ganun ba? Miss ko na yung bata na yon, kahit bago ko pa lang sya nakilala non ang gaan gaan na ng loob ko sa kanya." Sambit nga mama ni Thap
.
.
Maya maya biglang may humintong motor sa harap ng kanilang bahay. Kaya naman agad na pinuntahan ito ni Thap. Nagulat pa ito ng makita kung sino ang sakay ng motor.

"Vlad?, ano ginagawa mo dito? I mean diba 8pm pa yung set natin 5 pm palang ah. Ano meron?" Sunod sunod na tanong ni Thap.
Bumaba na ng motor si Vlad at kinuha ang dalang paper bag na may lamang Matcha Milk Drink at Tonkatsu.
.
.
"Galing kasi ko kila Bryan. May dinala lang ako,  so naisipan ko na dumaan dito. Anjan ba si Tita? Sya nga pala oh... para sayo." Tanong ni Vlad at inabot nya ang dala nyang paper bag kay Thap. Nag aalangan pa itong kunin pero kinuha naman nya din ito.
.
.
.
"Nag abala kapa talaga,. Sya halika pasok ka muna itabi mo nalang yung motor mo don sa gilid baka umulan nanaman." utos ni Thap. Sinilong naman ni Vlad ang kanyang motor sa maliit na garahe nila Thap at pagkatapos ay pumasok nadin ito sa loob ng bahay.
.
.
"Ma' may bisita ka." Sambit ni Thap, natawa nalang si Vlad sa tinuran nya.
.
.
"Oh Vlad ikaw pala,  alam mo ba pinag uusapan kalang namin kanina kung bakit hindi kana nadadalaw dito sa bahay. Tinatanong kita sa anak ko ang sabi naman Busy ka lang daw. Buti napadaan ka dito?"
sambit at tanong ng Mama ni Thap.
.
.
"Hello po tita, magandang hapon po (lumapit si Vlad sa Mama ni Thap at agad na nagmano ito. Natuwa naman ang Mama ni Thap sa binigay na pag galang sa kanya nito.)
.Pasensya napo kayo ngayon lang po ako ulit nakadalaw po, ea tama po si Thap mejo busy lang po talaga. Kayo po kamusta na po?"tanong naman ni Vlad sa Mama ni Thap

"Eto, maayos naman anak .. o sya maupo ka muna jan ah... Thap ipaghanda mo ng meryenda si Vlad, samahan mo muna sya  and Vlad dito kana mag hapunan ok, may pupuntahan kayo mamaya diba? Ingatan mo ung anak ko ah." Sambit ng Mama ni Thap.
Maya maya nilapag na ni Thap ang meryenda sa lamesa at sinabayan na nyang kumain si Vlad.
Tahimik lang ang dalawa at panay tingin sa isat isa. Nagngingitian, subalit ni isa walang nagsasalita.
Nabasag lamang ang katahimikan ng dumating si Fred, nagulat ang dalawa ng makita nila ang kasama nito. Hindi maipinta ni Thap ang kanyang mukha at ganun din ang naging reaksyon ni Vlad ng makita nya ang kasama ni Fred at magkahawak pa sila ng kamay.

......to be continued
---
Sino kaya ang kasama ni Fred na dumating sa kanilang bahay at ganon nalang ang pagkabigla ng dalawa ng makita nila ito.



MY LONG LOST BESTFRIEND : Love & LiesWhere stories live. Discover now