*Ang nakaraan:
Nang gabing iyon, akala ni Thap ay umuwi na si Vlad subalit ng nasa kusina na sya ay nagulat sya ng makita nya si Vlad na nasa sala. Niyaya nya ito na kumain at kinompronta si Vlad kung bakit nadadalas ang pagpunta nya sa kanilang bahay subalit ang sagot lamang ni Vlad ay hindi nya alam......
Nang tumayo si Thap ay akala ni Vlad ay galit sa kanya ito. Subalit sinabihan lang sya na kunin ang gamit nito at sumunod sya sa kwarto.
**********************************(THAP'S POV.)
Hindi ko alam kung ano ba ang pumasok sa isipan ko at pinasunod ko si Vlad sa kwarto ko. Wala naman nakong nagawa dahil nasabi ko na un.
Nakakainis lang kasi di man sinagot ang tanong ko kung bakit ang dalas nyang pumunta dito. Pero.... ganun paman mabait naman ako saka Bisita namin sya tapos sa sala natutulog, hindi nadin naman sya makakauwi dahil malakas padin ang ulan at 12:00am palang kung huminto man ang ulan masyado ng gabi para umuwi pa to. Pag may nangyaring masama kunsensya ko pa.
.
.
.
.
Maya maya ay kumatok na si Vlad at pinapasok ko na ito."Di kaba galit sakin?" Tanong sakin ni Vlad. Talagang nakatayo lang sya sa pintuan? Ayaw pa yatang pumasok nito.
"Di kaba papasok?, o hintayin mo pang magbago isip ko." Seryoso kong sambit sa kanya.
.
.
Para naman syang bata na biglang pumasok sa kwarto. Napailing nalang ako.. haysss.
.
.
.
"Sa tingin mo, kung galit ako papapasukin ba kita dito sa kwarto ko?. Kung galit ako, kanina kapa sana nasa labas at basang basa.. kasama ng motor mo." Sambit ko sa kanya habang inaayos ang aking higaan.Hindi nadin naman sya sumagot.. pero syempre hindi sya sa kama matutulog .... kinuha ko lang ung comforter sa ilalim ng kama ko dahil sa sahig sya matutulog.
.
.
.
.
Nang maayos kona ang higaan ko ay inabot ko na sa kanya ang comforter na kanyang hihigaan. Inayos at nilatag na din nya ito, kinuha nadin nya ang unan at kumot at nahiga nadin ito.
.
.
.
1:00am
Hindi padin ako makatulog, halos hindi din ako mapakali kaya pabiling biling ako. Nililingon lingon ko si Vlad kung tulog naba ito o gising pa. Hindi talaga ko sanay na may ibang nakikitulog dito sa kwarto ko. Kung si Charles o Fred ayus lang dahil kapatid ko naman sila.
.
.
.
"Hindi kadin ba makatulog?". nagulat ako ng biglang nagsalita si Vlad. Akala ko tulog na sya dahil ang tahimik nya. Subalit nakatalikod padin ito.
.
.
"Kung iniisip mo padin yung hindi ko pagsagot sa tanong mo kanina. Kung bakit napapadalas ako dito sa inyo...
Hindi ko talaga alam...... pero.....ang totoo,. gusto kitang makilala.". Nagulat ako sa tinuran nya.
.
.
.
Makilala?? Bakit?... hindi padin ako kumikibo.. hinihintay ko kung may sunod pa syang sasabihin. Pero hindi na sya nagsalita pa. Kaya ng bibiling ako para tingnan sya..
.
.
.
nagulat ako ng nakaharap na pala ito sakin.
Sh*t.......Halos magkadikit na ang mukha naming dalawa. Hindi ako magalaw, at ramdam ko yung hininga nya mula sa kanyang ilong. Napalunok nalang ako.
.
.
Hindi din sya gumagalaw, nakatitig lamang ito sakin. Sh*t bakit ganun ung mata nya.
.
.
May naaalala ko sa mga mata nya. Pero hindi... ang tagal na ng panahon na iyon. Imposible.....
.
.
.
Hanggang sa nararamdaman kong papalapit ng papalapit ang mukha nya sa mukha ko... hahalikan nya ko.??? Bakit?????
.
.
.
Nanumbalik lang ako sa kamalayan ng biglang kumidlat ng malakas. Ganun din sya lumayo na din ang mukha nya sa mukha ko. Nakaramdam ako ng hiya sa nangyari kaya tumalikod nalang ako at nagtaklob ng kumot.Subalit bakit??? Bakit hindi ako nagulat, hindi ako natakot?. Ng kumulog at kumidlat.....Parang feeling ko safe na safe ako ngayon...Kasama sya.
.
.
.
"Im sorry hindi ko sinasadya, pasensya na." Yan nalang ang nasabi nya pero hindi ko alam kung ano ginagawa nya.
.
.
.
"Matulog kana....
Yan lang ang nasabi ko sa kanya.
.
.
.
Naramdaman ko na nahiga nadin sya, pinikit ko nalang ang aking mata at hinintay na makatulog..........*****************************************
YOU ARE READING
MY LONG LOST BESTFRIEND : Love & Lies
Teen Fiction"WALANG PERMANENTE SA MUNDO" yan ang paniniwalang ponanghahawakan ni Thap/Phatt ng minsan syang iwanan ng kanyang Childhood Bestfriend na si Vlad/Red na nangakong hindi sila maghihiwalay nito. This is not a typical Story between the two person na n...