Love & Lies: Chapter 12(2/4) part 1
(THAP'S POV)
Isang gabing madilim, malakas ang ulan at hangin. Di ako magkamayaw kung saan ako tutungo, hindi ko alam kung hanggang saan ang dulo ng tinatahak kong daan.
"Mama?.... Fred?... Charles?.... may nakakarinig ba sakin? Helooow.... " sigaw ko habang naglalakad at basang basa sa ulan. Subalit ni isang anino ng kahit na sino wala akong matanaw bukod sa mga puno at ilaw ng poste na aking nadadaanan.
Sa di kalayuan habang ako'y naglalakad ay may isang lalake akong natanaw subalit nakatayo lamang ito at hindi gumagalaw. Kaya naman agad ko itong nilapitan. Nang papalapit ako dito ay unti unti ko itong nakikilala. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.
"Papa?... Papa" tawag ko sa kanya habang papalapit ako dito. Si Papa... hinding hindi ako kailanman nagkamali sa itsura ni Papa. Subalit habang papalapit ako sa kanya ay sya naman nitong paglayo sakin.
"Papa... Papa san ka pupunta.. ako to si Thap.. Papa Please wag mo na kaming iwan ..bumalik ka dito Papa" patuloy padin sa paglakad si Papa.
"Papa... hintayin moko please.. kailangan ka namin nila Mama... Papa". Hindi ba ko nadidinig ni Papa. Patuloy lang sya sa paglakad ni hindi man lamang nya ko lingunin.
Nang malayo na sakin si Papa ay may isang babae ang biglang sumulpot mula sa aking likuran. Lumapit ito kay Papa subalit nanlaki ang aking mga mata ng biglang hinugot ng babae ang baril mula sa kanyang likuran at agad itinutok sa ulo ni Papa. Sinubukan kong tumakbo ng mabilis para puntahan si Papa subalit huli na ang lahat.. kasabay ng pagputok ng baril ay ang pagbagsak ni Papa sa daan."HINDIIIIII.... "
.
"PAPAAAAA........"
.
"KUYAA.. KUYAAA.. gising. Kuya gising nananaginip ka." Bulalas sakin ni Charles at agad akong napabalikwas sa aking pagkakatulog.. pawis na pawis at habol ng hininga ang nangyayari sakin. Ramdam ko ang pagpatak ng aking mga luha habang inaalala ang aking masamang panaginip.." Kuya uminom ka muna... anu ba nangyayari sayo kuya? Gabi gabi mo ng napapanaginipan si Papa." Sambit sakin ni Charles habang hinahagod ang aking likuran. Ininom ko muna ang binigay nyang isang basong tubig at huminga ng malalim.
"Pasensya kana bunso ah.. hindi ko din alam kung bakit napapanaginipan ko si Papa at ang masakit pa paulit ulit na ganun ang napapanaginipan ko kung paano sya pinatay. Hindi ko alam kung ano ibig sabihin non."saad ko kay Charles.
Nilapag muna nya ang baso sa lamesa at bumalik na ulit ito sa tabi ko."Matagal ng wala si Papa? Pero kuya hanggang ngayon hindi padin natin nakukuha ang hustisya para sa kanya. Kaya alam mo kuya pagtungtong ko ng college gusto kong maging lawyer. Ako mismo ang hahawak ng kaso sa pagkamatay ni Papa." Sambit ni Charles. Napahanga ako sa sinabi ni Charles pero matagal tagal pa yon highschool palang sya. Pero gagawa padin ako ng paraan para muling mabuksan ang kaso sa pagkamatay ni Papa.
"Wag kang mag alala bunso, kahit hindi kapa nag law lawyer, gagawa ako ng paraan para mabigyan na ng hustisya ang pagkamatay ni Papa." Sagot ko sa kanya at muli nyang kinuha ang baso sakin at dinala na ulit sa kusina. Nang makabalik si Charles sa kwarto ay tumabi na ulit ito sa akin.
"Okey na ba pakiramdam mo kuya?" Tanong sakin ni Charles.
"Okey na ko bunso...Salamat ..Sige na matulog kana ulit, okey na ko."sambit ko kay Charles.
"Sigurado ka kuya? Sige matutulog na ko ah. Gisingin mo lang ako pag may kailangan ka okey?." Sambit sakin ni Charles.
Umayos nadin ng higa ang kapatid ko at tinuloy na ulit nya ang kanyang pagtulog. Humiga nadin ako at dinantay ko ang aking kamay sa kanyang ulo at hinahaplos haplos ko pa ang kanyang buhok para tuluyan nadin syang makatulog. Okey naman nako medyo nasa isip ko padin ang panaginip ko nayon kaya sumasakit ang ulo ko.
YOU ARE READING
MY LONG LOST BESTFRIEND : Love & Lies
Teen Fiction"WALANG PERMANENTE SA MUNDO" yan ang paniniwalang ponanghahawakan ni Thap/Phatt ng minsan syang iwanan ng kanyang Childhood Bestfriend na si Vlad/Red na nangakong hindi sila maghihiwalay nito. This is not a typical Story between the two person na n...