(THROWBACK PART 3)
Kinagabihan, ng makarating sila Red sa kanilang bagong bahay ay may isang matandang babae ang sumalubong sa kanila. Tinawag sya nitong Apo so ibig sabihin lola nila ito.
"MY GRANDSON, HAPPY HAPPY BIRTHDAY!!!. NICE TO SEE YOU MY GRAND SON..".
nilapitan agad sya ng kanyang lola at hinalikan ito sa Noo. Sa tagpong ito halata sa mukha ni Red ang lungkot.
"APO, ARE YOU OKEY? MAY PROBLEMA BA? HAROLD, BAKIT MATAMLAY ANG APO KO HAH?." tanong ng kanyang lola sa kanyang Daddy na ngayon ay naghahakot ng kanilang mga gamit.
"MA' UMAKYAT NA MUNA KAYO SA TAAS, OKEY NA BA ANG LAHAT??(lumapit ang daddy ni Red sa Kanya) ANAK, RED, BIRTHDAY MO NGAYON, DIBA DAPAT MASAYA KA? DONT WORRY MAY SURPRISE KAMI NI MOMMY MO KAYA PUMASOK KANA SA LOOB OKEY." Sambit ng kanyang Daddy, hindi na lang nagsalita pa si Red at pumasok nalang ito loob ng kanilang bagong bahay. Halos mas malaki ito kesa sa una nilang bahay.
"LOLA, AKYAT PO MUNA KO SA KWARTO. MEDYO MASAMA LANG PO PAKIRAMDAM KO EE. PASENSYA NA PO KAYO." Paliwanag ni Red sa kanyang lola. Kaya hindi nato nag atubiling samahan si Red sa Kanyang kwarto.
Lumipas ang isang oras ay bumaba nadin si Red mula sa kanyang kwarto dahil pinatatawag na sya mg kanyang Daddy at Mommy para mag celebrate ng kanyang Birthday.****************
"HAPPY BIRTHDAAAAYYY TO YOU.... HAPPY BIRTHDAAAYY TO YOU....."patuloy sa pag kanta ang mga bisita ni Red para sa kanya. Pero hindi padin mawala ang lungkot sa kanyang mata, kahit nakangiti ito namumutawi padin sa kanya ang lungkot. Isang gabing puno ng tawanan at kasiyahan ang bumalot sa bagong bahay nila Red subalit sya ay hindi makitaan ng kahit anong kasiyahan.
Natapos ang Birthday nya na parang wala lang sa kanya hindi tulad ng mga nakaraang birthday nya na talagang masayang masaya sya. Malaki ang naging epekto sa kanya ng pagkakalayo nila ni Phatt. Pagpasok ni Red sa kanyang kwarto nilibot na muna nya ang kabuuan nito. May kalakihan ang kwarto nya at modern design pa ito. Nagustuhan din naman nya ang pagkakaayos ng mga gamit nito. Nang makarating si Red sa isang Drawer ay binuksan nya ito, may nakalagay na isang Photo Album dito kaya naman kinuha nya ito. At umupo sya sa kanyang kama. May kinuha si Red sa kanyang bagpack at ito ay mga litrato nilang dalawa ni Phatt na patakas nyang pinapa Print pagkagaling sa School at itinatago nya ito para hindi makita ng kanyang magulang.. Oo tama. Nagkaroon na ng malalim na pagtingin si Red kay Phatt.
"MAGKIKITA PADIN TAYO PHATT, HAHANAPIN KITA."
Yan ang nasambit ni Red sa kanyang sarili hanggang sa makatulog na ito.
= END OF THROWBACK =
*******************
Last part napo yan ng Throwback kaya po maigsi lang po yung story pasensya na po hahahah enjoy nalang po
. Salamat
YOU ARE READING
MY LONG LOST BESTFRIEND : Love & Lies
Teen Fiction"WALANG PERMANENTE SA MUNDO" yan ang paniniwalang ponanghahawakan ni Thap/Phatt ng minsan syang iwanan ng kanyang Childhood Bestfriend na si Vlad/Red na nangakong hindi sila maghihiwalay nito. This is not a typical Story between the two person na n...