LOVE & LIES: CHAPTER 12(3/4)

140 5 0
                                    

Love & Lies Chapter 12(3/4)
(Thap's POV)

"Ma' alis napo ako.." paalam ko kay Mama. Abala siya sa pagluluto ngayon ng umagahan, hindi ko na mahihintay ang ihahanda nyang Breakfast dahil maaga ang appointment ko.
Pupunta nga pala ko sa Shop nila Tim at Lex, ngayon na kasi ang Opening ng kanilang business kaya mag aayos pa kami doon.

" Sige anak, hindi mo na ba talaga mahihintay itong niluluto ko? Para makakain kana muna bago ka umalis." Saad ni Mama sakin.

"Hindi napo Ma' doon nalang po siguro kami mag breakfast ,maaga pa naman po at hindi padin ako nagugutom. Sige na po Ma' alis na po ako. Pasabi nalang po kila Fred."sambit ko kay Mama at nag beso ako sa kanya.

Lumabas na din ako agad ng bahay at nagtungo na sa aming kanto para mag abang ng sasakyan. 7am ang usapan namin nila Tim so may 30mins pako para bumyahe.

Sa aking paglalakad ay biglang nag ring ang phone ko, nang tingnan ko ito ay tumatawag si Tim kaya naman agad ko itong sinagot.

*PhoneCall
"Hello..Tim... pasakay palang ako ng jeep, mga 15mins nandyan nako..."

"Thap....(sumisinghot dahil sa pagiyak).."

"Tim?... umiiyak kaba? Anu nangyari? Bakit ka umiiyak?"

"Si Lex.. may nangyari kay Lex ..." biglang napahagulgol sa pag iyak si Tim.

"Teka Tim... hindi kita maintindihan.. kumalma ka lang.. Hintayin moko dyan, nasa shop kanaba? Papunta nako dyan." Agad kong pinutol ang usapan namin at sa halip na mag abang ng Jeep ay tumawag nalang ako ng tricycle para mas mabilis at agad akong nagtungo sa Shop. Hindi ko maintindihan ang ibig sabihin ni Tim subalit bigla akong kinabahan ng sabihin nyang may nangyari kay Lex.

Ilang sandali lang ay nakarating na ako sa shop. Inabot ko kaagad sa Driver ang bayad hindi ko na kinuha ang sukli at mabilis na tumakbo patungo sa loob ng shop. Naabutan ko si Tim na nakaupo sa sahig at nakadukdok sa kanyang dalawang tuhod mabilis akong nagtungo sa kanya. Nang makita nya ko ay agad nya kong niyakap ng mahigpit at sya naman nitong pag iyak.

"What happened? May nangyari ba? Shhh.."
Hinimas ko muna ang likod ni Tim upang mapakalma sya.

"Tumawag sakin yung pinsan ni Lex, ang sabi nya sakin naaksidente daw sila Lex kasama nya si Ate Miles at si Tito Ben. Kahapon daw nagpunta sila sa Valenzuela para mamili ng ibang gagamitin dito sa shop and after that pauwi na sana sila kanina at didiretso na dito sa shop pero palabas palang sila ng Valenzuela may bumangga sa kanilang 10Wheeler Truck. Malubha ang kalagayan ni Tito Ben at Ate Miles but si Lex..." hindi natapos ni Tim ang kanyang sasabihin bagkus napahagulgol nalang sya.

"What... What happened to Lex.. Ano nangyari?" tanong ko kay Tim.

"Hindi nakasurvive si Lex.... wala na ang Mahal ko... wala na sya..." mas naging emosyonal sa oras nato si Tim. Medyo nanlalabo na din ang mga mata ko dahil sa namumuong luha rito subalit pinipigilan kong umiyak.

"Shhhhh... im sorry.. im sorry for your lost, but this time you need to be strong Okey.. siguro isantabi na muna natin ang pag Open ng Shop nio. Kailangan mong puntahan si Lex okey and dont worry sasamahan kita... Hindi kita iiwan... fix your self .. nandito lang ako hah.." sambit ko kay Tim.

Nakakalungkot ang biglaang pagkawala ni Lex. Kahapon lang magkakasama pa kami masayang magkakausap. Matagal din kaming nagkaroon ng maayos na samahan kasama si Lex. Naging mabuti syang kaibigan sakin gayundin kay Tim at halos kapatid na ang turing ko sa kanya. Masakit man para sakin lalong lalo na kay Tim ang pagkawala nya. Kailangan padin naming maging matatag at malakas. Kailangan namin na ipagpatuloy ang sinimulan nilang dalawa.

Sa tagpong ito ay kalmado na si Tim subalit bakas padin sa kanyang mukha ang pagkawalay, pagkalungkot. Tahimik lang sya na nakaupo sa sofa, malayo ang kanyang tanaw na tila may hinihintay sa kawalan. Kumuha muna ko ng tubig at lumapit ako sa kanya at iniabot ito.

"Uminom ka muna, gusto mong kumain? ipagluluto kita alam kong hindi ka pa nag aalmusal. Wag mong pabayaan ang sarili hindi matutuwa si Lex nyan kapag nakikita kang ganyan." Sambit ko kay Tim subalit tila wala syang nadinig sa mga sinabi ko kaya napabuntong hininga nalang ako. Maya maya ay may motor na pumarada sa harap ng shop. Actually tinawagan ko si Vlad at agad ko syang pinapunta dito hindi naman sya nag atubili na nagtungo dito dahil binanggit ko sa kanya ang nangyari.
Pumasok na din naman sa loob ng shop si Vlad at nagtungo sa kinaroroonan namin.
Lumapit sya sakin at agad nya kong niyakap. Kumalas nadin ito agad at lumapit kay Tim.

"Tim, im sorry... dont worry im willing to help, basta tatagan mo lang okey." Subalit tulad sakin kanina wala pading reaksyon si Tim hindi ko nga alam kung alam nyang may kasama sya dito pero naiintindihan naman namin ang sitwasyon ngayon ni Tim.

"Hayaan na muna natin sya Vlad. Samahan mo muna ko sa kusina hindi pa kasi sya kumakain magluluto lang ako." Anyaya ko kay Vlad at nagtungo na agad kami sa Kusina.

"Nakakalungkot na pangyayari, kawawa naman si Tim yung masaya sanang Opening ng kanilang Shop napalitan ng masalimuot na pangyayari. Kaya ikaw mag iingat ka palagi ah. Alam mo namang hindi ko kaya na mawala ka sakin ulit... hmmm... tandaan mo yan. Babe"ani ni Vlad.

"Ugggh.. Yuck.. Kadiri ung Babe mo. Wag mo kong matawag tawag na babe jan. Corny na nga mga Jokes mo pati ba naman Banat mo." Sambit ko sa kanya.

"Ahh. talaga... corny .. halika dito..."

"Hmmm.. . Isa .. Vlad tumigil ka.. makita tayo ni Tim.. umayos ka.." pagbabawal ko kay Vlad.
Subalit parang wala itong nadidinig at pilit padin itong yumayakap sa likod ko habang naghihiwa ako ng mga sangkap para sa lulutuin ko para makakain na si Tim at mamaya magtutungo na kami sa bahay nila Lex para makiramay.

"Bumitaw kana Vlad.. hmm isa.. di ako matatapos dito nagugutom na si Tim pupunta pa tayo mamaya sa Burol ni Lex."
Saway ko kay Vlad.

"Hmmm. Ka sweet naman ng Mahal ko, pero nakakapagselos naman.. hayss. Si Tim nalulutuan mo. Pero ako never mo pa ko nilutuan gusto ko matikman yang putahe mo." ani ni Vlad. Masyado namang pabebe tong taong to.

"Wag kang mag-alala ibang putahe ang ipapatikim ko sayo. Okey.... kaya bumitaw kana para matapos ko na tong ginagawa ko hmm." Sambit ko naman sa kanya. Syempre pag mga ganitong usapan ganado nanaman si Vlad kaya agad naman itong bumitaw sakin at kita ko sa mukha nya ang tuwa sa kanyang narinig. Hahaha
Naisahan ko nanaman ang Mahal ko.

" Mukhang masarap ang putaheng yon Mahal... di nako makapag hintay na matikman yon."saad naman ni Vlad na parang sabik na sabik. Umasa kalang mahal hahaha.
.
.
.
Nang makatapos akong makapagluto ay agad akong naghain sa lamesa para makakain na si Tim, kasunod ko nadin si Vlad dala dala ang pagkain at inilapag ito sa lamesa.
Agad kong pinuntahan si Tim na hanggang ngayon tulala padin.

"Tim, halika na kumain na tayo.. kailangan mong kumain para magkalakas ka.. nagluto ako ng paborito mo kaya halika na." Anyaya ko sa kanya at sa pagkakataong ito tumingin na ito sakin at hinawakan ang kamay ko.

"Salamat Thap,.. pasensya kana pati kay Vlad nadidinig ko naman yung mga sinasabi nio kanina pero wala lang talaga kong ganang makipag usap. Naiisip ko padin kasi si Lex, pero tama ka hindi dito natatapos ang lahat. Nawala man sakin si Lex subalit eto... etong shop na to na pinaghirapan naming ipatayo.. ito ang magsisilbing alaala ko sa kanya, kaya ipagpapatuloy ko to at alam kong kasama ko padin sya dito." Saad ni Tim.

"Tama ka dyan, at hindi ka naman nag iisa, nandito ako kami ni Vlad sasamahan ka namin at itong Shop nyo. Hindi natin to pababayaan... para kay Lex. " sambit ko dito.

Kahit papano ay napangiti ko si Tim sa mga nasabi ko kaya naman tumayo na kami ni Tim at nagtungo na sa lamesa upang kumain. Abala si Vlad sa pagaayos ng lamesa at pagkain.

"Buti naman at pinansin mo na kami Tim. Akala namin naging bato kana don ni hindi ka gumagalaw, hindi mo kami pinapansin. De biro lang oh sya, maupo kana at kumain para magkaroon ka ng lakas. Luto ng mahal ko yan para sayo.. yung sakin kasi ibang putahe daw yung ippatikim sakin ni Thap. Diba mahal... " pabirong sambit ni Vlad. Sir*ul* talaga to asa ka naman HAHAHA.

"Pasensya na Vlad, salamat"
Sambit ni Tim at umupo na ito para kumain gayundin kami ni Vlad.

******









MY LONG LOST BESTFRIEND : Love & LiesWhere stories live. Discover now