Love & Lies: Chapter 11(4/4)
1 week Later(VLAD'S POV.)
"Ate, bilisan mo naman baka hindi tayo umabot. Sabi ko kasi sayo agahan mo ee."sambit ko kay ate habang patungo kami sa school ni Thap.
"Eto na nga, binibilisan na sorry na okey. Dont worry aabot tayo" sambit naman sakin ni Ate habang mabilis na nagmamaneho. Ito na kasi ang araw na pinakahihintay ni Thap, ang kanilang graduation. Nagkausap na kami pero via phonecall lang, un muna ang gusto nia kaya naman nirerespeto ko ang desisyon nya. Ang importante ngayon ay ang special day nya.
Makalipas ang 15mins nakarating nadin kami sa school nila Thap at tamang tama lang din ang dating namin dahil halos kakasimula palang ng Ceremony.
"Tawagan mo kaya hindi yung lingon ka ng lingon dyan. O sya maiwan na kita dito pupuntahan kopa si Kuya Tristan mo. Sige na bye, pasabi nalang kay Thap congratulations ah." Saad ni Ate at umalis nadin agad sya, mukhang may lakad nanaman sila ni kuya Tristan.
Sinubukan kong tawagan si Thap subalit hindi ko sya macontact kaya naglakad lakad nalang ako baka sakaling makita ko sila ng may biglang bumangga sakin.
"Ay sorr....Fred?." Saad ko sa kanya
"Kuya Vlad? Hinahanap mo si kuya?" Tanong sakin ni fred. Buti nalang nakita ko sya hindi nako mahihirapan na hanapin si Thap.
"Oo fred, nasan si kuya mo?"tanong ko sa kanya.
"Naka upo na sila kuya sa harapan. Halika kuya sumunod ka sakin." anyaya sakin ni Fred at agad naman akong sumunod sa kanya papunta kung saan sila nakaupo.
Actually hiwalay ang upuan ng mga Graduates at Visitors kaya naman hanggang tanaw ko muna si Thap dahil nasa bandang unahan sila. Pagdating namin ni Fred sa kanilang upuan ay nandoon din si Charles at si Tita.
"Ma, eto na yung tubig oh, sya nga pala nakita ko si kuya Vlad sa labas kaya sinama ko na sya dito. Kuya halika." Saad ni Fred ng iabot kay Tita yung binili nyang tubig.
"Oh anak Vlad kamusta kana? Halika dito kana umupo sa tabi ko. Sya nga pala, alam ba ni Thap na pupunta ka?" Tanong sakin ni Tita at sa tabi nya ako umupo para mas tanaw namin si Thap.
"Salamat po...ahmm Okey na okey napo ako tita (agad naman akong nagmano kay Tita bilang pag galang)
Hindi po alam ni Thap Tita, pero binanggit nya po sakin na ngayon nga daw po ung graduation nila kaya gusto ko po sana isurprise sya." Sagot ko."Ah ganun ba? Sige umupo kana magsisimula na din ung ceremony."
At umupo na nga talaga ko.Maya maya ay nagsimula na ang Graduation Ceremony, at dumating na nga sa punto na tatawagin na lahat ng mga may Highest Honor syempre isa na don si Thap. Im so Proud dahil sa dami ng nangyari isa sya sa mga nakakuha ng Highest Honor sa kanilang Year.
"And Last with the Highest Honor in Academic School Year 2022, Phatt B. Salvador. Please give around of applause" at tinawag na nga ang pangalan ni Thap.
Nagpalakpakan ang lahat ng nasa venue at Umakyat na nga sya ganun din si Tita dahil sya ang magsasabit ng Medalya and... sh*t namiss ko nga talaga sya mas gumwapo sya lalo sa new look nya. Mas lumabas ang kagwapuhan nya lalo na kapag ngumingiti sya."Kuya Vlad.. baka naman matunaw na si kuya sa sobrang titig mo sa kanya." Sambit agad ni Fred at nakuha pa nyang tumawa pero totoo naman hindi ako magsasawang titigan sya.
Nang matapos na ang Ceremony ay lumabas muna ko sandali dahil may bibilin lang ako. Hindi naman ako nagtagal at bumalik nadin ako agad. Malayo palang ako ay tanaw ko na ang mala anghel na mukha ni Thap. Masayang masaya sya kasama ang pamilya nya. Nakakatuwa silang pagmasdan hindi man sila buo pero kita ko sa mga mata nila na masaya sila.
YOU ARE READING
MY LONG LOST BESTFRIEND : Love & Lies
Teen Fiction"WALANG PERMANENTE SA MUNDO" yan ang paniniwalang ponanghahawakan ni Thap/Phatt ng minsan syang iwanan ng kanyang Childhood Bestfriend na si Vlad/Red na nangakong hindi sila maghihiwalay nito. This is not a typical Story between the two person na n...