*March 15, 2022 *8:40am
(THAP POV):Kinabukasan lumabas na din ako ng Hospital, naging maayos nadin ang kalagayan ko at sa tulong ni Vlad , wala kaming malaking ginastos sa hospital dahil sya na din ang nag asikaso ng lahat. Pero Nagtataka padin ako kung sino tong tao na to. Bakit nya ko tinutulang, kung tutuusin pwede naman nya kong pabayaan dahil di naman nya ko kilala at ganun din ako, pero.. ganun paman nagpapasalamat ako sa kanya sa pagtulong nya sakin.
Pag uwi namin ng bahay sinalubong agad ako ni Fred, yayakapin nya sana ko kasi pinigilan lang ni Charles dahil nga sariwa pa ung sugat ko sa sikmura.
"TEKA TEKA TEKA... KUYA FRED HINDI PA PWEDING YAKAPIN SI KUYA, KITA MONG SARIWA PA YUNG SUGAT EE.. AYY APO".Nagka asaran pa tong dalawa nato. Pero syempre biruan lang nila yon.
Nandito din pala yung dalawa kong kaibigan na mag ka-ibigan si Tim at Lex kanina pa daw silang umaga dito tumulong sa paglilinis ng kwarto ko. Sinabi kasi ni Fred na ngayon ako lalabas kaya maaga daw sila pumunta dito. Kaya hindi ko maitapon tong dalawa nato ee kahit saan talaga maasahan.
Sya nga pala hindi na namin kasama si Vlad na umuwi sa bahay namin, dahil may sumundo na sa kanya. Pero nag paalam sya kay MAMA kung pwede syang dumalaw dalaw sa bahay para kamustahin ako, hindi naman nagdalawang isip si MAMA kaya pumayag ito. Ewan ko ba? Masyado syang mabait samin, ngayon ko lang sya nakita. Pero sobra naman ang pag kaconcern nya sakin. Haysss. Never mind na nga.. ang importante nakauwi nako ng ligtas..
Pagpasok ko ng bahay malaki ang pinagbago nito. Mukha talagang nilinis nila ng todo ahh. Hanggang sa Kwarto ko malinis na malinis mukhang bago lahat, pagdating sa Kurtina, sa kobre kama, sa punda, kumot lahat bago. Napaka special ko naman sa lagay nato.. hahahah"BRO, PINAG ALALA MO KAMI NG MALALA. ANU BA TALAGA NANGYARI SAYO?. I MEAN SINO GUMAWA SAYO NETO?" bungad sakin ni Tim.
Actually palaisipan talaga sakin to. Napakalaki naman ng atraso ko sa gumawa sakin nato sakin.
"BUTI NALANG MAY CCTV NA NAKAKABIT SA LUGAR KUNG SAAN KA NASAKSAK. BUTI NALANG NAISAVE KO YUNG VIDEO DAHIL ISANG ORAS MULA NG NAUPLOAD UN BIGLA NILANG BINURA AND 2 VIDEO YUN"
ani ni Lex.Kung sino man ang nag upload ng CCTV Footage na yun salamat sa kanya. Pero sino ba talaga ang may gawa sakin nito. May suspetya na ko pero hanggat wala akong ebidensya wala akong karapatang magturo.
Pinakiusap ko kay Lex na kung pwede mapanood ang Video. Nung una ayaw pa nila sakin ipakita dahil baka daw na trauma ako. Well hindi sakin tatalab un. Kaya wala na silang nagawa kinuha ni Lex ang phone nya sa kanyang bag at pinanood sakin ang video na kuha sa CCTV.
Buti nalang malinaw ang kuha ng CCTV at nakikita ko ang nangyayari. Ayon sa footage na pinapanood ko, may dalawang lalaki na magkausap di kalayuan sa nilalakaran ko. Yung isang Lalaki nakasuot ng sumbrero na kulay itim, puti ang kanyang suot subalit nakatalikod sya sa Camera pero ang isa nyang kasama ay nakasuot ng Jacket na Army Green..... teka.. parang familiar sakin ung mukha ng lalaking nakajacket. At yung suot nyang jacket. Naalala ko nung nasa NB kami ni Tim suot nya yung Jacket na yan...... si VANS... sya lang naman ang taong may tanim na galit sakin. At sya lang din ang may kakayahang gumawa sakin nito. Sinasabi ko na nga ba ee. Kahit may idea na ko kung sino ang may pakana ng lahat ng ito. Pinanood kopadin yung pangalawang Video. Hindi si Vans ang sumaksak sakin kundi yung nakaputing lalake. Pero kahit na, kasamahan nya padin yun at hinding hindi ko makakalimutan ang ginawa nila sakin. Magbabayad sila sa ginawa nila sakin.
***************************************
(VLAD POV)
*9:00am
Nang makauwi sila Thap, nagdecide nadin ako na hindi na sumama sa kanila para makapag pahinga na sya ng maayos at ako din kasi hindi din kasi ko masyadong nakatulog kagabi dahil sa kadaldalan ng kapatid nya. Halos buong buhay nila naikwento na nya pero, mabait na bata at anak si Charles.
Then Pagkatapos kong ayusin ang mga dapat ayusin sa Hospital ay tumawag nadin ako kay Bryan para magpasundo. Tinatamad kasi ko mag commute at mag abang dahil nadin madami akong dalang gamit.
Kaya pagdating ni Bryan sa Hospital ay agad ako nitong sinalubong sa Lobby para kunin ang ibang gamit, actually kasama din si Allyson kaso hindi na daw bumaba ng sasakyan dahil mainit."KAMUSTA NA SYA.? MUKHANG PUYAT NA PUYAT AH. MAGDAMAG KABA NAGBANTAY? MUKHANG SINESERYOSO MO NA YAN BRO". bungad sakin ni Bryan habang palabas kami ng lobby ng hospital.
"AHMMP, AYUS LANG, OKEY NA SYA, AYUN NAKAUWI NA SA BAHAY NILA KASAMA YUNG MAMA NYA AT KAPATID NYA.". Sambit ko naman sa kanya.
Mejo nanlaki pa mga mata nya ng marinig ang sinabi ko.. OA yarrn. HAHAH"TALAGA? ANDOON YUNG MAMA AT KAPATID NYA? SOOO ANO NAKILALA KABA?? PERO SA LAGAY MO MUKHANG HINDI EE.". Pabirong sabi ni Bryan sakin na may mapang asar na tawa.
"HINDI PA KO SIGURADO BRO.. THAP KASI ANG PANGALAN NYA AND ACTUALLY SA TAGAL NG PANAHON NA NAHIWALAY AKO SA TAONG YUN. ALMOST 14 YRS. BAKA HINDI NA TALAGA KAMI MAGKITA AT MAGKAKILANLAN PA. NAPAKA IMPOSIBLE, PATI NGA MAMA NYA HINDI KO NADIN MAALALA ANG ITSURA. KUNG SYA BA TALAGA YON PERO MAY SOMETHING NA GUSTO KONG MALAMAN ABOUT KAY THAP."
Paliwanag ko kay Bryan tumango nalang si Bryan.Nang mailagay namin lahat ng gamit sa kotse ay agad na din kaming umuwi.
Pagkadating ko sa Condo ay dumiretso na agad ako sa Shower Room dahil init na init nako at di nako komportable sa suot ko. Pagkatapos ko maligo ay nagpa order nalang ako ng Foods dahil gutom nadin naman kasi ako at tanghali na din halos. Di ako kumain kagabi at kaninang umaga so ano pa ieexpect nio diba.
Pagkatapos kong kumain ay naisipan kong mag ayos ng akong Condo dahil isang linggo nadin ng huli akong mag linis. Sinimulan ko sa kusina, sa sala, huli ang kwarto ko. Sa pag aayos ko ng kwarto ay may nakita akong isang Photo Album. Actually lumang Photo Album nato na ang nilalaman nito ay mga Lumang Picture ko din nung bata pa ako. Habang binubuklat ko ang bawat Page ng Album hindi ko maiwasang mangiti at maalala ang mga kaganapan sa bawat litrato na nakalagay dito.
*************************************
OmG malapit na ba nilang makilala ang isa't isa ?? Abangan nio.guys.. HAHAHPlease dont forget to Comment, vote and Share..
YOU ARE READING
MY LONG LOST BESTFRIEND : Love & Lies
Teen Fiction"WALANG PERMANENTE SA MUNDO" yan ang paniniwalang ponanghahawakan ni Thap/Phatt ng minsan syang iwanan ng kanyang Childhood Bestfriend na si Vlad/Red na nangakong hindi sila maghihiwalay nito. This is not a typical Story between the two person na n...