Love & Lies: Episode 10 (4/4)

135 3 0
                                    

(THAP'S POV.)

Sa tagal ng panahon ay muli kaming nagkita ni Ate Sammy, maganda din ang pinagsamahan namin noong mga bata pa kami. Kaya naman masaya kaming nagkwentuhan ng aming mga buhay buhay. Naikwento ko na din sa kanya kung pano kami nagkatagpong muli ni Vlad.
Ilang oras din kaming nagkwentuhan, si Bryan naman ay umuwi muna dahil may pupuntahan daw si Allyson at kailangan sya nito. Tapos nading kumain si Vlad at uminom ng gamot.

"Ate, naCCR ako.. pakialalayan nalang ng dextrose please." Utos ni Vlad sa ate nya.

"What? Bakit ako.. babae ako oyy  kahit kapatid pa kita di kita sasamahan sa Cr. Eto si Thap.. Thap. Ikaw na sumama kay Vlad sa Cr. Lalabas lang ako saglit at may bibilin lang ako ah. Ano gusto mong snacks Thap?" saad sakin ni Ate Sam

"Kahit ano nalang ate Salamat" saad ko

"Sige o sya ikaw na muna bahala sa kapatid ko ah" at  agad na lumabas ito ng kwarto..

Really?... ako talaga.. sabagay hahawakan ko lang naman ung dextrose nya diba. Yun lang.. oo tama yun lang..  Kahit sa labas nalang ako ng Cr pwede. Hayss. No choice nako kasi ako lang lalaki dito and my point naman si Ate Sammy.

"Oyy. Tulala ka dyan. Pwede bang pakibilisan kasi najijingle na talaga ko." Sambit ni Vlad. Bigla akong natauhan sa puntong ito at agad kong kinuha ang dextrose na nakasabit sa bakal.

"Sige na, tumayo kana jan. Dahan dahan lang ah. Hindi pa sariwa yung sugat mo."
Sambit ko dito.

"Salamat ah.." tugon nito. Nginitian ko nalang sya at tumango.

Kaya namang tumayo ni Vlad pero kailangan padin nya ng alalay para makalakad ito. Medyo hirap pa sya sa ngayon kaya kailangang mag adjust ng kasama nya sa kwarto.
Nang makarating na kami sa Cr ay pumasok na si Vlad dito subalit nakatayo lang ito.

"Ano ginagawa mo dyan?" Tanong nito habang nakatingin sakin at kumunot pa noo.

"Bakit? Umihi kana dyan. Dito lang ako sa labas.. alangan namang pumasok pako jan. No way...." sabi ko dito..

"Pumasok kana.. halika na.. mapuputol ung host ng Dextrose ko oh. Wag ka ng maarte." Aba inutusan pako neto. Inalalayan ko na nga ang demanding pa ah..

"Halika na. Wag ka ng maarte. Tayo lang namang dalawa dito.. ee" bigla akong hinila ni Vlad at biglang nagdikit ang katawan namin, ngayon ay magkaharap na kami at wala ni isa ang gumagalaw samin. Tinitigan ko ang kanyang mga mata. Sh*t parang inaakit nya ko sa titig nya.. maya maya ay bumalik na ko sa kamalayan at humiwalay na agad ako. Inayos ko ang sarili ko dahil baka kung ano pa isipin nito.

"Umihi ka na jan, bilisan mo lang. Baka dumating na si Ate mo. Abutan pa tayo dito.. at wag mo kong ngitian dyan di  nakakatuwa." Saad ko dito. Diko alam kung inaasar bako nito o ano. Hindi ko alam pero naiilang ako na may kasamang lalake sa CR.. tapos katabi ko pa.

"Kunyari kapa. Nabaril lang ako pero wala akong amnesia. Natatandaan ko yung sinabi mo sakin nung gabing yon Hahaha." Saad nito. Iniwas ko nalang ang tingin ko sa kanya dahil sa sinabi nya. Iniisip ko kung ano ung sinabi ko sa kanya nung gabing iyon.... nang maalala ko palihim nalang akong nangiti para hindi nya makita dahil alam kong kakantyawan lang ako nito.

"Oyy, tahimik ka.. im done. Ayaw mo pa bang lumabas, gusto mo dito nalang muna tayo." Nagulat pako sa tinuran nya at agad itong lumapit sakin at dumikit pa ito sakin. Napaatras naman ako subalit wala na palang space dahil maliit lang ang CR dito. 

"Ooohh, anong ginagawa mo. Teka.. teka.. Vlad.. umayos ka.. at saka dikapa naghuhugas ng kamay mo hinawak hawak mo jan sa... sa ano mo.. lumayo ka nga. Iiiii..  "utos ko sa kanya.

MY LONG LOST BESTFRIEND : Love & LiesWhere stories live. Discover now