LOVE & LIES EPISODE 3(3/4):

218 3 0
                                    

*MARCH 15, 2022 * 11:15AM

(VLAD POV)

Hindi ko mapigilan na mangiti sa mga litratong nakikita ko ngayon. Di talaga maikakaila na napakagwapo ko talaga, bata palang kasi ako talagang matenee idol na ang datingan ko. Lalo na ngayong nasa HighSchool nako talagang maituturing ako na isang Campus Hearthrob ng aming School. Well. Totoo un Hahah ako ang Campus Hearthrob ng taon na ito  dahil tapos na ng Highschool yung nakaraang Campus Hearthrob at sa akin sinalin ang trono.
Nakakailang buklat na ko sa pahina ng Album ng may biglang nalaglag na isang litrato. Kaya pinulot ko... nang makita ko ang litratong ito ... nanumbalik lahat ng alaala sa akin.. tiningnan ko pa yung likod ng litrato at nakita ko ang nakasulat

"PHATT & RED"
---
(THROWBACK YEAR 2006)

(SOMEONE'S POV)

"ATEE.. PLEASE, I NEED TO GO THERE PLEASE, KAHIT SAGLIT LANG PLEASE,"
nagpupumilit nito sa kanyang ate,

" NO RED, HUWAG KA NGANG MAKULIT, OKEY. AKO ANG MAPAPAGALITAN NI MOMMY AT DADDY EE. KAPAG MAY NANGYARI SAYONG MASAMA. KAYA PLEASE HUWAG KANG MAKULIT." sambit ng kanyang ate.

Balak nyang pumunta sa tabing ilog dahil ito ang unang beses na makakapunta sya doon. Subalit ayaw syang payagan ng kanyang ate. Kaya naman ng malingat ito ay mabilis na tumakbo ang bata patungo sa Ilog. Ang batang ito ay si Redenton Mendez oo.. si Vlad at si Redenton or Red  ay iisa.

6yrs old palang si Red kaya hindi maikakaila ang kakulitan nito.
Nang makarating si Red sa tabing ilog ay manghang mangha ito sa kanyang nakikita, maganda ang tanawin dito at preskong presko. Dahil sa kakulitan ni Red hindi na sya napigilan ng kanyang ate, biglang tumuntong si Red sa isang malaking bato.

"RED, BUMABA KA NGA DYAN BAKA MADULAS KA". Galit na sigaw ng kanyang ate.

Dahil nawala sa balanse si Red dumulas ang kanyang paa at nahulog sya sa tubig. Di ganon kalakas ang agos ng tubig pero dahil bata pa si Red ay kaya na sya nitong dalin ng agos. Sa takot ni Red ay hindi nya alam ang kanyang gagawin at ganun din ang kanyang ate kaya naman sumigaw ng sumigaw ang kanyang ate at humihingi ng tulong. Patuloy na inaanod si Red ng tubig na halos lubog litaw ang nangyayari sa kanya.
"ATEEEE' TULOOONGGG. ATEEE, TULUNGAN MO KO". iyak at sigaw ng bata.

Maya maya ay may isang batang lalake ang tumalon sa tubig, halos kasing edad lang ni Red ang bata, mabilis na lumangoy ang batang lalake patungo kay Red at hanggang sa nakuha ang kamay nito at hinila papunta sa batuhan sa gilid ng ilog. Humahangos ang ate ni Red at walang tigil sa pag iyak.

"HINDI BA SINABI KO SAYO BAWAL KANG PUMUNTA DITO, AYAN ANU NANGYARI, MUNTIK KA NG MALUNOD ANG TIGAS TALAGA NG ULO MO, KITA MO NAGKASUGAT KAPA SA BRASO AKIN NA NGA, NAKAKAINIS KA RED AYAN AYAW TUMIGIL SA PAGDUDUGO." Sermon sa kanya ng kanyang Ate habang umiiyak ito. 

"SORRY NA ATEEE.. SORRY..." pakisuyo nito sa ate nya. At walang humpay ito sa pag ubo.

"ANO BA KASI GINAGAWA NYO DITO? HINDI NYO BA ALAM NA DELIKADO DITO SA ILOG? KITA MO MUNTIK KANA MALUNOD , DI KASI NAG IINGAT."
Biglang nagsalita ang batang sumagip kay Red Habang pinipiga ang kanyang damit.

Sabay na napatingin ang dalawang magkapatid dito. Lumapit ang bata sa dalawang magkapatid na ngayon ay nakatayo na at inaayos ang mga sarili.Pinunit nito ang kanyang damit at ibinalot nito sa sugat ni Red. 

"ETO KASING KAPATID KO ANG TIGAS NG ULO, SINABI KO NA WAG PUPUNTA DITO DAHIL DELIKADO. SEE? ONCE NA MALAMAN NILA MOMMY LALO NA SI DADDY TO, AKO ANG MALALAGOT."
galit na paliwanag ng batang babae.

"HINDI NAMAN MALALAMAN NI DADDY KUNG DI KA MAGSUSUMBONG EE.. HMM SYA NGA PALA SALAMAT SA PAGLIGTAS SAKIN." lumapit si Red sa lalaking tumulong sa kanya.

"IM RED , SYA ANG ATE KO SI ATE SAMMY, AND IKAW? ANO NAME MO?" Sambit nito sa lalaki at inilahad nya ang kanyang mga kamay tanda ng gustong makipag kamay sa bata.

"AKO SI PHATT." sambit ng lalaki sa magkapatid. At tinanggap nito ang pakikipag kamay at binigyan nito ng isang matamis na ngiti si Red.

********************

Habang lumilipas ang araw ,napapadalas na ang pagpunta ni Red sa ilog para makipag laro kay Phatt, pagka uwi nila galing paaralan ay dito na sila dumidiretso upang maglaro. Ito na talaga ang kanilang tambayan hanggang sa naging matalik na magkaibigan ang dalawa at minsan sumasama si Red sa bahay nila Phatt dahil malapit lamang ito sa Ilog.

Naging malapit ang dalawang bata sa isa't isa na halos hindi na mapag hiwalay. Lahat ng kautuan nagawa na ng dalawa , minsan patakas pa silang nagpupunta sa bayan para manood ng mga nagsskate board sa plaza, pero madalas naliligo lang silang dalawa sa ilog. Talagang alam na ng bawat isa ang hilig nila. At maituturing na matalik na magkaibigan na talaga ang dalawa.

Isang araw, nang magkita ang dalawa sa ilog kinausap ni Red si Phatt tungkol sa nalalapit nitong ika-11 taon.

"PHATT, BIRTHDAY KO NA BUKAS.. GUSTO KO PUMUNTA KA.. MAGAGALIT AKO SAYO KAPAG HINDI KA NAGPUNTA KAHIT WALA KANG REGALO SAKIN BASTA ANDOON KA MASAYA NAKO."  Sambit ni Red kay Phatt.

Lumapit si Phatt kay Red at inakbayan ito.

"OO NAMAN,WAG KANG MAG ALALA HINDI AKO MAWAWALA SA BIRTHDAY MO.PANGAKO YAN."  nagulat si Red ng bigla syang halikan sa pisngi ni Phatt,
nakatingin lang si Red kay Phatt na ngayon ay nakatanaw sa malayo ,
agad nalang din itong napatanaw sa malayo at ngumiti na parang nagustuhan nya ang ginawa ni Phatt.

"YAN NA YUNG GIFT KO SAYO AH, WALA KASI AKONG PAMBILI NG REGALO KAYA YUN NALANG." sambit ni Phatt at napangiti ito.

"ALAM MO? NGAYON KO LANG NARAMDAMAN YUNG GANITO KASAYA. SA WAKAS MAYROON NA AKONG KAIBIGAN NA MAKAKASAMA KO SA BIRTHDAY KO, SALAMAT AH." sambit ni Red kay Phatt.

"IKAW TALAGA, NAGDDRAMA KA NANAMAN, BASTA LAGI MONG TATANDAAN NANDITO LANG AKO PARA SAYO. BESTFRIEND TAYO DIBA."
nagkatitigan pa ang dalawa at nagpalitan ng matamis na ngiti.

Hindi din nagtagal napagpasyahan na ng dalawa na umuwi sa kanikanilang bahay. Hindi mawala sa isipan ni Red ang ginawa ni Phatt. Bigla bigla nalang syang napapangiti sa tuwing naalala nya ang tagpong iyon.

********************************
Sorry po now lang nakapag update. Heheh sana po ok lang kayo jan.

MY LONG LOST BESTFRIEND : Love & LiesWhere stories live. Discover now