LOVE & LIES EPISODE 7(4/4)

161 5 0
                                    

(THAP'S POV)

Nang makauwi ako sa bahay, agad akong naglinis ng katawan at nagbihis, tulog na din sila Mama at dalawa kong kapatid kaya walang nag Marites sakin. Habang nagpupunas ako ng aking buhok biglang nag ring ang aking phone. Si Tim,... nagmessage nga pala sya sakin kanina pupuntahan daw nila ko ni Lex pero sabi ko bukas nalang sa school, kailangan ko nadin magpahinga dahil nakakapagod ang gabing ito. Pero sabi ko kanina tumawag nalang sya mamaya.

*ringtone......

"Hello Thap.... magkasama kami ni Lex now, nagwoworried talaga kami  sayo."
.
.
"Im ok, medyo pagod lang."
.
.
.
"Sigurado ka?okey sige na para makapag pahinga kana din,...  bukas nalang... okey bye!"

*end of call

Pagkatapos kong gawin ang night skin care routine ko at pinatuyo ko nadin ang aking buhok bago matulog dahil bilin na bilin samin ni Mama na bawal matulog kapag basa pa ang buhok baka daw lumabo ang mata namin.
-----

*Kinabukasan.

Tok.. tok.. tok....
Tok.. tok.. tok....

"Kuya.. gising kanaba? Mauuna na kami pumasok ni Charles, wala si Mama sinamahan si Tita sa Palengke. Nagluto naman na sya bago umalis kaya kumain ka muna bago pumasok."sabi ni Fred.
Actually gising na ko, tinatamad lang akong bumangon. Ewan ko ba parang ayaw ko muna pumasok ngayon, ang sakit kasi ng ulo ko. Pero hindi naman kasi pwede at may madami pa kong kailangang habulin na mga requirements... Graduating ee. So iwas muna sa pagkatamad.
Kaya bumangon na ko agad. Pagbukas ko ng pinto ng aking kwarto ay nakaalis nadin yung dalawa. Maaga pa daw kasi schedule ng pasok nila at may exam pa sila.
Kinuha ko na agad ang aking Towel at dumiretso na ko sa CR, mabilis akong nakapaligo at nakapag bihis nadin ako ng aking Uniform.
Tumungo nadin ako sa kusina upang kumain, nakahanda nadin yung baon ko sa school.
Pagkatapos kong kumain at hugasan ang mga pinagkainan ay pumasok na ako sa school.

======================================
*School

Papasok ako ng School ng masalubong ko sila Tim at Lex kaya sabay sabay na kaming naglakad papunta sa aming Room.
Pagpasok sa Room namin ay kakaunti palang ang mga nasa loob, yung iba abala sa  pagpapaganda, yung iba naman nagjajamming, at yung iba naman busy sa pagrereview.
"Masyado pa yata tayong maaga, tara muna kaya sa Canteen." Anyaya ko sa dalawa. Maaga pa naman kasi saka kalimitan 1st subject wala naman teacher.

"Hindi, maupo ka dito. Magkwento ka. " saad sakin ni Lex. Akala ko nakalimutan na nila yon. Kaya pala kanina nagmamadali sila ea ang aga aga pa naman.
.
.
.
"Anu yung nangyari kagabi, bakit may moment kayo nong pinsan ni Dan." Dugtong pa ni Lex habang inaayos yung upuan nya papalapit sakin.
.
.
.
"Wala yon nu ba kayo, ok na ko.. okey" paliwanag ko sa dalawa.
.
.
"Nako yang mukha nayan? Tapos ung paiyak iyak mo kagabi imposibleng wala lang yun. Uyyy. Kaibigan mo kami, kilala ka namin." Lokong sabi ni Tim. Tumalikod silang dalawa sakin. Aba, tampo yarrn.. talagang tinalikuran ako ah.

"Okey.. okey... Si Red yung.... kinekwento ko sa inyo non.. yung bestfriend ko na nangiwan sakin.".
.
.
.
"Bestfriend lang ba talaga?" Tanong sakin ni Tim.

"Kakasabi ko lang diba? Bestfriend ko... BESTFRIEND KOOOO... okey.. "
.
.
"Pero parang hindi naman ganun ung nakita namin kagabi? Dinaig nio pa ung nasa Movie ng Kathniel pagdating sa Rain Scene. Kung bestfriend mo lang talaga sya hindi kayo aabot sa ganun noh. Kung bestfriend mo lang , bakit ka umiyak non. At galit na galit kapa kaya.  Nakooo... Thap ahh. Kami lang to.. wag ka ng mahiya samin. " anu ba tong pinag sasabi ng dalawang to. Kaya ayaw kong magkwento alam kong kakantyawan lang ako.

"GOOD MORNING CLASS........."

yaaaaass.! Thank you Maam, you save my day Hahah. Dumating na yung teacher namin kaya naman umayos na ko ng upo. Hahaha yung dalawa nasa likod ko tiningnan ko pa sila ng mapang asar na look. Pero im sure kukulitin ako ng dalawang to sa breaktime.

=====
*Breaktime
.
And hindi nga ako nagkamali dahil papunta palang kami sa kainan malapit sa school namin wala na silang ibang bukambibig kundi ung tungkol kay Vlad.

"Uyy Thap, anu na? Ikaw ahh umiiwas ka, parang hindi mo kami kaibigan. Anu ba meron sa inyo nung Vlad na yon. Hindi kami naniniwala na Bestfriend lang kayo."
Pangungulit na tanong sakin ni Tim, hindi tlaga to titigil hanggat hindi nakakasagap ng tsismis. Hayss.

"Magkwento kana kasi, treat namin lunch mo. Ano deal?". Hmm may pasuhol pa ah..
.
.
"Oh sya sige na.. sige na.. pero yung lunch ko ah.. adobo tapos yung Matcha milk drink." At bumili talaga para lang sa tsismis ah.
.
.
Pagkabili ni Lex ng aming foods umupo na agad ito. Naka harap silang dalawa sakin. Para naman nakahotseat ako sa lagay nato.
.
So nagkwento na nga ako sa kanilang dalawa. Simula ng magkakilala kami hanggang sa umalis sya. Natawa pako sa pagmumukha ng dalawa nato kala mong ang bait bait ng mga mukha. Hahaha.

"Sooo, kaya pala ganun nalang yung naging reaksyon mo ng marinig mo yung Name nya kay Dan. Pero akalain mo yon, gumawa talaga ng paraan ang tadhana para magkatagpo kayo, but in a bad way.." saad ni Lex. Haha oo nga tama sya, nagkatagpo kami in a badway dahil nasaksak nga ako.

"Pero kamusta naman yung nararamdaman mo ngayon? I mean ngayon na nagkita na kayo ni Red? Vlad ?  Kahit sino man sya. " ani ni Tim. Tiningnan mo muna silang dalawa. Tinatantya ko pa kung sasagutin ko ba tanong nya.
.
.
"Diko pa alam Tim, pero yung totoo, nung nalaman ko na lahat, masaya naman ako na makita sya, hindi lang ako makapaniwala and ang dami naman nang nagbago sakin. And i know na sa kanya din."paliwanag ko.
Tama sa tagal na  ng panahon panigurado ang dami nading nagbago. Malalaki na kami para sa mga bagay na hindi na angkop samin. Yung tipong ginagawa namin non nung mga bata pa kami. Never na namin magagawa ngayon.
.
.
.
"Pero namimiss mo diba?, kahit hindi mo sabihin samin hanggang ngayon namimiss mo. Kilala ka namin, kaibigan mo kami, mas matagal mo kaming  nakasama kaya bawat hibla ng buhok mo hanggang sa kaduluduluhan ng balat mo alam namin."
.
.
"Yung Totoo?? Oo naman miss na miss ko sya.
Pero  sa ngayon masyado pang maaga para bumalik ang lahat sa dati. May mga sarili na kaming buhay. Hindi na katulad noon."
.
.
"Anu yung sabi mo ulit ung una?? Pakiulit??? " jusko magkaharap na kami hindinpa narinig, ipaulit pa talaga sakin Tim. Tutal kami lang naman ang nandito. Ulitin ko nalang bingi bingihan pala tong mga kasama ko.

"Ang sabi ko oo... miss na miss ko sya.. ano masaya kana..? Ulit ko sa kanya..
.
.
.
.
.
.
.
"Talaga ? Miss moko?...."

=====================================

Jusmiyo pano ko ba to ipagpapatuloy mejo nagiging busy nako. Hayyss. Basta dont forget to COMMENTS VOTES and SHARES para makapag patuloy papo tayo. Salamat

MY LONG LOST BESTFRIEND : Love & LiesWhere stories live. Discover now