Love & Lies :Episode 8(4/4)

166 3 0
                                    

(THAP'S POV) : Sa bahay nila Thap

"Oh sya mag meryenda ka na muna, pasensya kana yan lang yung nasa ref namin kung gusto mo kainin nalang natin yung dala mo para matikman mo din yung binili mo." sambit ko kay Vlad at ibinaba ko nadin ang dala kong meryenda para sa kanya.
.
.
.
"Hindi na ok nato, salamat"
Wala padin ang dalawa kong kapatid pero maaga pa naman maya maya pa ang uwi non.
.
.
Tahimik lang kaming dalawa ni Vlad, ngitian at ngitian at ngitian lang ang ginagawa namin para na nga kaming timang dahil hindi kami nagkikibuan.
.
.
Ilang sandali lang ay may nagbukas ng aming gate at sigurado ako yung dalawa na yon dahil anung oras na din naman uwian na nila.

"Panigurado ako, yung dalawa na yan, matutuwa nanaman yun pag nakita ka." sambit ko kay Vlad.
.
.
Maya maya ay pumasok na nga sa pintuan si Fred.
.
.
"Kuya Vlad? Buti napadalaw ka dito."tanong ni Fred kay Vlad.
.
.
"Asan nga pala si Charles? Di mo ba kasabay?" Tanong ko naman sa kapatid ko
.
.
.
"Hindi po kuya ee. Akala ko nauna na sya dito. Kasama ni Dean ee...
Ahmf sya nga pala kuya may kasama ko eh. Halika pasok ka." Sambit sakin ni Fred at pinapasok yung kasama nya.
.
.
.
Hindi naman ako nashock sa kasama ni Fred. Nashock ako ng makita ko kung paano hawakan ni Fred ang kamay ng kasama nya. Kaya napatingin ako kay Vlad at kita ko sa mukha nya ang pagkabigla.. bakit?? Kilala nya ba yung lalaking kasama ni Fred.
.
.
.
"Kuya si Allyson nga pala... batchmate ko" pagpapakilala ni Fred sa kasama nya.
.
.
"Ally?/Kuya Vlad?" Sabay pang nagsalita ang dalawa. Sabi ko na mukhang magkakilala tong dalawang to ee tingin palang ni Vlad. Agad naman na nagbitaw ng kamay ang dalawa.
.
.
"Magkakilala kayo?" Tanong ko kay Vlad.
.
.
.
"Yeah, Bryan's younger brother... si Allyson..." sagot sakin ni Vlad. Ahh. So kapatid pala sya ni Bryan yung kaibigan ni Vlad. What a co-insidence.
.
.
"Ahh okey, so sige maupo ka muna...
Fred samahan mo muna ko sa kusina.
And Vlad.. jan ka muna okey." Sambit ko sa mga ito. Kakausapin ko lang naman ng maayos tong kapatid ko. Masyadon nya kong binibigla sa nakikita ko ee.
.
.
"Sige.. sige actually mukhang mag uusap din kami nito. Diba ally?". Mukhang seryoso si Vlad ng sabihin nya yon. Wag mo naman seryosohin buddy hahaha.

Tumayo na ako at nagtungo sa kusina, sumunod nadin sakin si Fred, si Mama naman wala na sa kusina mukhang may pinuntahan na naman sa likod bahay namin. Naiwan naman ang dalawa sa sala pero mukhang sa labas pa gusto mag usap dahil nakita kong tumayo si Vlad papunta sa Terrace namin.
------
(VLAD'S POV)

Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Magkasama si Ally at si Fred. Im pretty sure nakita din ni Thap kung paano hawakan ni Fred ang kamay ni Allyson habang papasok sa pintuan ng kanilang bahay.
Tinanong ako ni Thap kung magkakilala kami dahil ganun nalang ang naging expression ko ng makita ko si Ally.

"Ally?/Kuya Vlad?" Sabay pa kaming nagsalitang dalawa. Biglang nagbitaw ang kanilang mga kamay na kanina lang ay magkahawak pa ang mga ito.
.
.
"Magkakilala kayo?" Tanong sakin ni Thap.
.
.
.
"Yeah, Bryan's younger brother... si Allyson..." sagot ko. Tumayo si Thap at mukhang may gustong gawin.
.
.
"Ahh okey, so sige maupo ka muna...
Fred samahan mo muna ko sa kusina.
And Vlad.. jan ka muna okey." Sambit ni Thap.
.
.
"Sige.. sige actually mukhang mag uusap din kami nito. Diba ally?". Sagot ko naman dito.
Agad naman nagtungo si Thap sa kusina at sumunod nadin si Fred.

Naiwan kami ni Ally sa Sala , pero mas okey kung sa Terrace  na kami maguusap para naman may privacy din ung dalawa sa kusina dahil nadidinig namin ang pag uusap nila.

"Halika sumunod ka sakin." Sumunod naman si Ally sa Terrace nila Thap. Tahimik na umupo si Ally na parang batang nakagawa ng malaking kasalanan sa itsura ng kanyang mukha. Medyo natatawa pako pero di ko naman pinapakita sa kanya.

MY LONG LOST BESTFRIEND : Love & LiesWhere stories live. Discover now