Love & Lies: Episode 9(2/4)

153 4 0
                                    

(BRYAN'S POV)

Sa pagkakataong ito, kita ko kung paano halikan ni Nicole si Vlad at sa harap pa mismo namin. Alam ko na wala na sila at matagal na panahon nayon. Subalit iba ang nakikita ko. Mukhang sarap na sarap at gustong gusto pa ni Vlad ang ginagawa nila ni Nicole.
Tumingin ako kay Thap na ngayon ay hindi maipinta ang kanyang expression ng mukha. Pero alam at ramdam ko na kanina pa sya selos na selos sa dalawa. Alam ko na may gusto si Thap kay Vlad. Kaya ganito nalang siguro ang reaksyon nya sa nakikita nya ngayon.

" Are you ok? Thap?" Subalit hindi man nya ko pinansin, nakatingin padin sya sa dalawa. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip ng dalawang ito. Kaibigan ko si Vlad pero hindi ko lubos maisip na gagawin nya to sa harap namin at sa harap ng Bestfriend nya. Hindi ko alam kung gusto nya talaga to o dahil dala lang ng kalasingan.
Hindi naman na din alam ng mga kasama namin ang nangyayari dahil mga nakadukdok nadin ang mga ito dahil sa kalasingan.
.
.
" C...Cr lang ako... ahh  Bry. Ahhmm. Pasensya na.. maiwan ko muna kayo"paalam sakin ni Thap na agad tumayo at dumiretso sa RestRoom
Naisipan kong sundan si Thap dahil sa pakiwari ko may hindi maganda na mangyayari. Oo naaawa ako sa kanya. Gusto ko syang damayan. Hindi ko alam kung bakit pero alam kong kailangan nya ngayon ng makakausap.
Kaya tumayo na ko at sinundan ko na si Thap sa Restroom.

---
(VLAD'S POV)

Nawala ako sa pag iisip ng halikan ako ni Nicole oo matagal na kaming wala pero ng halikan nya ko bigla kong namiss ang halik nya nayon. Hindi ko alam kung bakit hindi ko nakuhang tumanggi sa halik nya bagkus sinuklian ko pa iyon, lasing ba ko o sadyang namimiss ko lang sya. Naguguluhan ako.

Nang bumitaw sa pag halik si Nicole ay bigla akong natauhan. Nakita ko lang na tumayo si Thap at sinundan ito ni Bryan.
Saan pupunta ang mga yon. Yung mga kasama naman namin mga bagsak na. Gusto kong sundan ang dalawa pero nakapalupot padin si Nicole sakin.
.
.
.
" Dito ka lang, hayaan mo na muna sila. Hindi mo ba ko namimiss babe?" Sambit ni Nicole sakin. Saka lamang ako natauhan ng maisip ko si Thap.. Gossh... nakita ni Thap kung pano ko halikan ni Nicole at sinuklian ko pa yung halik nya na yon. Anu batong ginawa ko? Baka anu pa isipin ni Thap, kailangan ko syang kausapin, kailangan ko syang puntahan. Kung kailan maayos na kaming dalawa ganito pa ang nangyari.

"Nicole.... im sorry... nabigla ako. But i have to go.. " sambit ko kay Nicole.
.
.
" No, san ka pupunta, hindi mo ba ko namiss? Kung susundan mo yung lalaking loser na t*t*nga t*nga nayon... wag na.... sinundan na sya ni Bryan. Okey." Medyo nagpintig ang tenga ko sa sinabi nayon ni Nicole.
.
.
.
"Ano? Ano sabi mo?" Tanong ko kay Nicole.
.
.
.
"I said wag ka ng sumunod don sa loser na lalaking yon. Alam mo ba kanina binunggo nya ko, palibhasa t*t*nga t*nga, sya pa may ganang mag attitude."

Sa sobrang galit ko dahil sinabihan nya ng T*nga si Thap at dala ng kalasingan. Hindi ko napigilan na hawakan ng mahigpit sa braso si Nicole na sya namang ikina ungol nito sa sakit.

"Ouch.. Red... nasasaktan ako anu ba?? Bitawan mo ko..". Pagmamakaawa ni Nicole.
.
.
"Wag na wag mong sasabihan ng T*nga si Thap. Hindi mo sya kilala kaya wala kang karapatan na sabihan sya ng ganon. Nagkakaintindihan ba tayo. Kung ano man ang nangyari kanina, kalimutan mo na yon. Dahil wala nakong pakealam sayo. Matagal na tayong tapos Nicole."

Binitawan ko na agad sya pero kita ko sa mukha nya ang sakit at takot dahil sa ginawa ko. Oo babae sya pero wag na wag nyang babastusin ang Mahal ko. Kaya agad akong umalis para puntahan si Thap. Iniwan ko na si Nicole na mangiyak ngiyak dahil sa ginawa ko.

----

(THAP'S POV)

"Hindi dapat ako nasasaktan ng ganito, hindi dapat ganito ang magiging reaksyon ko. Bakit?? Bakit ganito??Bakit lagi mo nalang akong sinasaktan?". Sambit ko sa sarili ko habang nakitingin sa salamin.

MY LONG LOST BESTFRIEND : Love & LiesWhere stories live. Discover now