(THAP'S POV.)
....Mabilis akong kumaripas ng takbo ng makabitaw sa binti ko si Vans. Natanaw ko ang isang sasakyan na dumating at agad na nagtungo doon. Hingal na hingal akong tumatakbo. Napatingin ako sa aking likuran at nakita ko si Vans na tumatayo at kinuha ang kanyang baril. Mabilis itong nakatakbo para habulin ako. Kaya binilisan ko din ang aking pagtakbo.
Sa di kalayuan mayroong isang lalake na sumasalubong sakin. Nang matapat ito sa ilaw ng poste ay naaninag ko ang kanyang mukha. Hindi ako nagkakamali , si Vlad yon. Sa wakas natagpuan nila ko, ligtas nako.."Thaaap." Tawag nya sakin.
Hingal na hingal na ko. Hindi ko alam kung kaya kopang tumakbo. Pero hindi ako pweding huminto. Baka maabutan ako ni Vans."Thaaaap, takbooo...."
Nagulat ako ng biglang sumigaw si Vlad, napatingin ako sa likod ko at kita ko si Vans na mabilis na tumatakbo at nakatutok sakin ang baril na dala nya. Kaya naman mabilis akong tumakbo patungo kay Vlad.
Sinalubong na agad ako ni Vlad at mabilis akong niyakap subalit isang malakas na putok ang umalingawngaw sa paligid. Kaya napahinto ako ganun din si Vlad. Halos natahimik ang paligid pagkatapos ng malakas na putok ng baril. Wala pading gumagalaw sa aming dalawa.
Narinig ko nalang ang pag sigaw ni Bryan.
.
.
"Vlaaad" sigaw ni Bryan.Kaya ng oras na yon agad akong napatingin kay Vlad. Kita ko ang dugo na umaagos sa kanyang ilong. Kaya natakot ako, kumalas agad ako sa pagkakayakap sa kanya at tiningnan ang kabuaan nya.
Wala pang isang minuto biglang napaluhod si Vlad at nakatingin lang ito sa akin. Hindi ko namalayan na biglang tumulo ang aking luha. Kaya naman agad kong kinuha si Vlad inalalayan ko ito. Agad din namang tumakbo si Bryan papunta samin.
Nang mahawakan ko sa likod si Vlad ay may nahawakan ako na parang malagkit na likido. Kaya agad kong tiningnan ang kamay ko.. Dugo..
Tinamaan si Vlad sa likod .."Vlaaadd.. hindi.. hindi... Bryan tulungan mo ko si Vlad..." sambit ko kay Bryan.
Tumingin ako sa likod ko at tanaw ko padin si Vans na nakatayo na parang nabigla sa nangyari. Hindi din nagtagal ay tumakbo nadin ito palayo. H*yop ka Vans pagbabayaran mo tong ginawa mo..===
(Third Person's POV.)*via phonecall
"Hello ano na . , nagawa mo naba yung pinapagawa ko sayo? Anu balita?"
"Bad news, hindi si Thap yung nabaril ko. Bw*sit kasi bigla syang humarang ayon sya yung tinamaan."
"Ano? .. napakasimple lang ng pinapagawa ko sayo di mo pa nagawa chance mo nadin yan para makaganti sa kanya pero sinayang mo.. sino ba yung tinamaan?"
"Yung.... ex mo.., pero kasi.. humarang sya eh. Di naman dapat sya yung tatamaan."
"WHAAAT??? ARE YOU CRAZY, Sa dami dami ng tatamaan mo si Red pa talaga hah? Napaka b*bo mo.. ang t*nga t*nga mo... pano nalang pag nalaman nila na magkasabwat tayo hah? Pano kung malaman ito ni Tita. Edi parehas tayong patay.. hindi ka nag iisip bahala ka na nga jan. Ayusin mo yan sinasabi ko sayo hah. Ayusin mo yan."
*end of call
Hay nakakainis, kahit kailan talaga palpak padin gumawa yung g*gong yun. Kung di ko lang sya kapatid matagal ko nadin tinakwil yon. Nakakastress
"Ano yung narinig kong tinamaan ang anak ko?"
Nagulat ako ng may biglang nagsalita at pumasok sa pintuan ng kwarto.
.
.
.
"Tita?" Laking gulat ko ng si Tita pala ang pumasok nayon.
Natahimik ako sa pagkakataong ito, hindi ko alam kung pano sasabihin kay Tita , kung magsisinungaling bako sa kanya. Dahil Im sure hindi sya matutuwa kapag nalaman nya ang nangyari.
.
.
.
"Ano yung narinig kong tinamaan ang anak ko? Ginawa mo naba yung pinapagawa ko sayo?" Muling tanong ni Tita
.
.
.
"Ahhhmm.. Tita kasi po . Aahh. Binaril po kasi ni Vans si Thap....." sagot ko
YOU ARE READING
MY LONG LOST BESTFRIEND : Love & Lies
Teen Fiction"WALANG PERMANENTE SA MUNDO" yan ang paniniwalang ponanghahawakan ni Thap/Phatt ng minsan syang iwanan ng kanyang Childhood Bestfriend na si Vlad/Red na nangakong hindi sila maghihiwalay nito. This is not a typical Story between the two person na n...