Love & Lies: Chapter 11(3/4)
(THAP'S POV.)Nang matapos kaming mag usap ni Bryan via Call ay agad naman akong nagpunta sa isang food stuff at bumili ng pwedeng iluto para dalhin kay Vlad. Ang alam daw ni Vlad ay sa isang Delivery Food Stall sya tumawag kaya para hindi mahalata ni Vlad na lutong bahay lang ang dadalin sa kanya nagpatulong ako kay Mama na magluto at initusan ko nadin si Fred at Charles na bumili ng Tuffer ware at paperbag.
"Pwede na siguro ito nak, tikman mo." Binigay sakin ni mama ang sandok na may sabaw at agad ko naman itong tinikman. Infairness kay Mama mapasimpleng lutong bahay at pang extravagant na mga putahe kayang kaya nya.
"Hmmmmm. Ma, ang sarap nito infairness." Bola ko pa kay Mama syempre tuwang tuwa naman si Mama sa mga papuri ko sa kanya.
"Sigurado akong magugustuhan ni Vlad to anak. Favorite nya to diba at saka ipaglalaga ko din sya ng herbal drinks para gumaling sya agad. " sabi pa ni Mama.
"Ma, walang herbal herbal sa mga Food Delivery. Edi nahalata nya yan. Mama talaga. Sa susunod nalang kapag pumunta nako sa kanya. Okey... mag papanggap muna kong delivery boy for todays vidyow.. " sambit ko kay mama.
Tamang tama ng maluto ang mga pagkaing dadalin ko kay Vlad ay sya namang dating ng dalawa at mukhang nag babangayan pa tong dalawang to."Kasalanan mo yon. Hindi mo kasi tinitingnan dinadaanan mo. Tapos ako sisisihin mo." Sambit ni Fred kay Charles.
"Oy..oy..oy.. anu nanaman ba yang pinag aawayan nyo hah? Dinig na dinig yung boses nio sa labas." Saway ko sa dalawa.
"Pano to kuya si Charles, binangga yung mga halaman ni Aling Thelma tapos ako sisisihin ea sya driver. Ayon napagalitan kami." Paliwanag ni Fred.
"Ea pano kalikot ni Kuya. Tapos kwento ng kwento hindi ako makapag focus sa pagddrive. Hindi ko naman napansin na nag aayos pala ng mga halaman si Aling Thelma ayon nabunggo ko." Paliwanag naman ni Charles.
"Ohh ohh. Sya. Akin na yang pinabili ko." Pagkaabot sakin ni Fred ng Tupper ware at Paper Bag ay agad naman itong umalis papunta sa kanilang kwarto sumunod naman itong si Charles at mukhang doon ba mag aaway tong dalawa na to.
" oyy. Tigilan nio yan ah.. pag si Mama pa naka harap sa inyo tingnan lang natin galing nyo. Fred malaki kana ah. Wag mo ng patulan yang kapatid mo."
Saway ko sa dalawa.
Hayss pag nagkaharap na yung dalawa nayon daig pa aso't pusa eka nga nila. Pero ganun lang talaga yung dalawa nayon minsan lang naman sila ganyan. Madalas ay magkasundo talaga sila.Well, inilagay ko na nga yung niluto ni Mama na mga Pagkain sa Tupper ware at inayos ko na ito sa Paperbag.
Naisipan kong lagyan ng Sulat pero hindi ako magpapakilala. Wala lang gusto ko lang
Kaya naman ng maayos ko na lahat ay agad naman akong nagbihis na mala Delivery Food Rider. Pagkatapos non ay kinuha ko na yung susi ng Motor at nagtungo na nga ako sa Condo ni Vlad. Kung tatanungin nio kung pano ko nalaman kung saan ang Condo nia.
Syempre secret HAHAHAHAH. EME.*Condominium
Nang makarating ako sa condominium ni Vlad ay agad kong pinark sa di kalayuan ang aking motor. Oo nga pala bumili pala kami ng motor. Nakuha na kasi ni Mama ang Pention nya kaya naisipan namin na ibili ng motor para di na kami mahirapan kakapasahe kapag namamalengke.
So yon na nga andito na ko sa Lobby ng Condominium ni Vlad . Lumapit na agad ako sa Attendant na nasa Lobby actually kilala na nila ko dahil pinakilala ako ni Vlad sa kanila noon. Basta matagal na yon.
"Hello Good morning may dadalin lang ako kay Vlad na mga pagkain nya." Paalam ko sa Attendant na babae.
"Kayo po pala sir Thap. Sige po pwede na po kayo umakyat." Tugon naman ng Attendant sakin. Pinaliwanag ko din sa kanila na magpapanggap akong Food delivery at wag nilang sasabihin na ako yon. Madali naman silang kausap kaya naman napapayag ko din sila.
Nag Thank you ako at Nagwelcome naman sya.Umakyat na nga ako kung nasan ang Room ni Vlad. Nang nasa tapat na ako ng Room nya medyo kinakabahan pa ko. Baka kasi mabuking nya ko at masira pa ang plano ko.
Unang katok. Wala pang nagreresponse
Pangalawang katok. Wala padin di kaya tulog un. Subalit kakatok palang ako sa pintuan ng bigla itong bumukas. Mukhang nakatulog nga ito halata sa mukha nya na kakagising lang.
Pero g*gi.... ang gwapo nya padin kahit bagong gising. Infairness ang hot nya sa suot nyang Gray na sando at mejo may kaluwangang pajama na stripes. Gusto ko man syang yakapin pero hindi pwede. Kaya wala na kong magawa."Ito na ba yung pinadeliver ng kaibigan ko na foods?." Tanong nya sakin. Patay sasagutin ko ba sya. Pano kung makilala nya yung boses ko. Tatango nalang ako.
"Ahmff okey ka lang?" Tango nalang ulit.
"Sigurado ka?" Tango nanaman ako..
Isa pang tanong magsasalita na talaga ko.
Subalit kinuha na nya yung paper bag na dala ko siguro nainis nadin to dahil hindi ko sya sinasagot sa mga tanong nya."Okey naman nato diba.. sige salamat" sambit nya sakin.
"Walang anuman." Nagulat pako ng bigla kong nasabi yon. Buti nalang sinara nya agad ang pinto.
Kaya nakahinga na ko ng maluwag.
Pero parang balak pa yata nyang bumalik kaya agad na kong umalis at mabilis na lumakad. Hindi nga ako nagkamali dahil dinig ko ang pagbukas ng kanyang pintuan."Kuya teka lang wait.... Kuya..."
Subalit hindi ko na sya nilingon bagkus patuloy padin ako sa paglakad hanggang makarating ako sa elevator. Buti nalang hindi nya ko sinundan.
Nang makapasok ako sa elevator ay tinanggal ko na agad ang Facemask at balanggot. Init na init nadin kasi ko, ano ba kasi tong Trip ko.
Pero masaya naman ako at okey na si Vlad, hindi ko man sya nakausap ng matagal sapat na yon atleast nakita ko sya. Gusto ko muna kasi na hindi lumapit masyado sa kanya. Masakit padin kasi sakin yung nangyari kahapon. Pero hindi ako galit sa kanya, ayuko lang talaga ng gulo. Papasaan ba't magkakasama din kami ng matagal. Hindi man ngayon sana sa mga susunod na panahon.Nang makarating na ko sa lobby ay nag pasalamat ako sa mga Attendant pero sabi ko sa kanila bago ako umalis dahil panigurado ako hahanapin ako non Once na mabasa nya ung sulat na nakalagay don at hindi nga ako nagkamali dahil nadidinig ang yapak ng tumatakbong tao. Pababa ng hagdan kaya naman agad akong nagtago sa ilalim ng lamesa kung saan nakapwesto ang Attendant. Kinalabit ko pa sya at nag sensyas ako na wag syang maingay. Tumango naman ito.
Dinig ko ang paglapit ni Vlad sa Attendant.
"Sir, nasaan na yung delivery boy na naghatid sakin ng pagkain. Nakaalis naba?"tanong nito.
"Ahhhh.. ahhm o..po sir. Kakaalis lang po. Bakit sir may problema po ba?" Tanong ng Attendant kay Vlad. Hinawakan ko ang pantalon nya senyales na tumahimik nalang sya.
"Wala... never mind. Sige salamat.".dinig ko ang yakap ni Vlad habang papaakyat sa hagdan. May elevator naman bakit sa hagdan pa sya dumaan. Ibang klaseng trip din talang tong si Vlad.
Nang masigurado ko na tuluyan nang nakaakyat si Vlad ay lumabas nadin ako sa pinagtataguan ko. Nagpasalamat ulit ako sa Attendant at nagpasya nadin akong umalis.
May dadaanan pa kasi ko kila Tim kaya nagmamadali nadin ako.....to be continued.
=====Nagustuhan nio ba ang Chapter na ito. Please Like Share and Comment down Below for more updates at syempre baka gusto nio ding mag suggest ng pwede nating isunod sa chapter na ito. Salamat.
YOU ARE READING
MY LONG LOST BESTFRIEND : Love & Lies
Teen Fiction"WALANG PERMANENTE SA MUNDO" yan ang paniniwalang ponanghahawakan ni Thap/Phatt ng minsan syang iwanan ng kanyang Childhood Bestfriend na si Vlad/Red na nangakong hindi sila maghihiwalay nito. This is not a typical Story between the two person na n...