*Ang Nakaraan:
(Bumalik sa alaala ni Thap ang mga masasalimuot na pangyayari sa kanyang buhay noong bata pa sya, simula ng iwan sya ng kanyang matalik na kaibigan lalo na ng mamatay ang kanyang Ama. Kaya ganun na lamang ang inis ni Thap ng banggitin ni Vlad ang patungkol dito.)*APRIL 4, 2022 *7:00PM
(THAP POV)
Hindi ko namalayan na nakatulog pala ko habang iniisip ang mga nakaraan na pilit ko ng kinakalimutan, maya maya ay naalimpungatan ako ng may kumatok sa aking kwarto. Si Mama... binuksan nya ang pinto ng aking kwarto at lumapit ito sakin, umupo ito sa tabi ko.
"UMALIS NA YUNG BISITA MO,HUMIHINGI NANG PAUMANHIN SA NAGAWA NYA. BABALIK NALANG DAW SYA SA MGA SUSUNOD NA ARAW PARA SAYO MISMO HUMINGI NG PASENSYA. PERO. ANAK.. ALAM KO AT NAUUNAWAAN KO YUNG NARARAMDAMAN MO, SARIWA PA SATIN ANG NANGYARI SA PAPA MO DAHIL HINDI PA NATIN NABIBIGYAN NG HUSTISYA ANG PAGKAMATAY NYA. PERO YUNG INASAL MO KANINA ANAK, MALING MALI YON"
napatingin ako kay mama habang hawak nya ang kamay ko.."WALANG GINAWA SAYO YUNG TAO, PERO ANO GINAWA MO? YUNG INIT NG ULO MO SA KANYA MO BINUNTON, ALAM KO ANAK NA HINDI NAMAN INTENSYON NI VLAD NA UNGKATIN ANG NAKARAAN NATING BUHAY. ALAM KO MABAIT NA BATA SI VLAD AT HINDI NYA INTENSYON NA SAKTAN KA. NAGPADALA KA LANG SA GALIT MO DAHIL SA NANGYARI SA PAPA MO."
Si mama naman sinermonan pako, pero totoo naman lahat ng sinabi ni mama, nagpadala ako sa galit ko at alam ko naman sa sarili ko na mali yung ginawa ko. Gusto ko man humingi ng paumanhin kay Vlad subalit umalis na sya. Hindi ko alam kung babalik pa ba sya dto dahil sa nangyari...
Tumayo nadin si Mama at sumunod nadin ako para kumain, dumating nadin yung dalawa kong kapatid at sabay sabay kaming nag hapunan. Wala naman ginawa ang dalawa kong kapatid kundi magkwento tungkol sa pinuntahan nila , puro kautuan nanaman ang kinekwento ng dalawa kaya eto naman si Mama walang ginawa kundi tumawa ng tumawa ea kung tutuusin wala naman talagang nakakatawa. Napaka Supportive tlaga ni mama saming magkakapatid kaya love na love namin si Mama.
*****************************************Kinabukasan
*APRIL 5, 2022(THAP POV)
8:25am na ng magising ako, anong oras nadin kasi kami nakatulog nila fred at charles dahil nagpatulong pa sila sa kanilang project, nasermonan ko pa sila dahil sa halip na gawin kasi ang kanilang project mas inuna pa nila ung panonood sa plaza.
.
.
.
Paglabas ko ng kwarto busy si Mama maglinis ng Bahay, katulong nya ang kapatid kong Bunso at si Fred naman nasa labas nakaupo sa harap ng bahay hawak ang kanyang bagong gitara na bili ni Mama inadvance na daw ni Mama ang Gift para sa kanya kaya tuwang tuwa naman itong si Fred. Music Lover kasi sya at mahilig magsulat ng kanta.
.
.
.Wala kasi kaming pasok ngayon hanggang bukas dahil may Summit ang aming mga School Teacher kaya makakapag pahinga kami ganun din ang aming utak dahil sa sunod sunod na exam at pag aayos ng mga requirements dahil next month Ggraduate na ko..
Maaga akong naligo ngayon dahil sobrang init, paglabas ko ng kwarto natanaw ko si Fred na kinakalikot padin ang kanyang Gitara. Kanina pa sya sa labas kaya sinamahan ko na din.. tapos nadin naman maglinis ng bahay, si Mama nagpunta muna sa tita ko at busy naman sa Paglalaro ng ML si Charles.
Naupo ako sa tabi ni Fred. Matagal tagal nadin na hindi kami nakakapag kwentuhan.
"MUKHANG BUSY KA DYAN SA GINAGAWA MO AH, MASAYA KABA SA REGALO NI MAMA SAYO?."
bungad na tanong ko sa kapatid ko habang binubutingting ang kanyang gitara."OO NAMAN KUYA, SALAMAT NGA PALA KASI SABI SAKIN NI MAMA NAGSHARE KADIN SA KANYA PARA MABILI TO' SALAMAT TALAGA KUYA." nagulat pa ko ng yakapin ako ng kapatid ko. Ganito kami magkakapatid, kahit saang bagay magkakasundo kaming tatlo.
And oo nagbigay din ako kay mama na pang share para mabili tong gitara para kay Fred luma na kasi ung gitara nya kaya hindi na nagagamit minsan nakikihiram lang sya sa kaibigan nya.Nung nakaraan kasi nyang birthday hindi ko sya nabigyan ng regalo. Kaya bumawi ako ngayon."ANU KABA WALA YUN, HILIG MO NAMAN YAN EH SAKA DESERVE MO DIN YAN DAHIL HINDI MO NAMAN PINAPABAYAAN ANG PAG AARAL MO, KAYONG DALAWA NI CHARLES, KAYA PAGBUTIHAN NIO PA LALO PARA NAMAN PAGDATING NG PANAHON SI MAMA NAMAN ANG MATULUNGAN NATIN."
mejo nagddrama nanaman kami ni Fred, pero sa totoo lang ganito talaga kami magusap kapag kami lang dalawa minsan nga nagkakaiyakan pa kami sa sobrang ka OAyan naming Dalawa Hahaha.Makalipas lang ang ilang minuto, habang tumutugtog si Fred at ako naman ay Kumakanta, isang pamilyar na Motor ang pumarada sa harapan ng bahay namin.
.
.
.
Yeah tama nanaman kayo
.
.
.
Si Vlad...... anu nnaman kaya gagawin nito dito ang aga aga..
Hayssss.....***************************************
Pasensya na po kayo mejo nawala po ako sa mood mag isip kaya po natagalan pero sana magustuhan ninyo..salamat
YOU ARE READING
MY LONG LOST BESTFRIEND : Love & Lies
Novela Juvenil"WALANG PERMANENTE SA MUNDO" yan ang paniniwalang ponanghahawakan ni Thap/Phatt ng minsan syang iwanan ng kanyang Childhood Bestfriend na si Vlad/Red na nangakong hindi sila maghihiwalay nito. This is not a typical Story between the two person na n...