(THAP'S POV.)
Alam ko... kasalanan ko kung bakit nasa ganoong kalagayan si Vlad. Pero ang hindi ko lang maintindihan, bakit ganon na lamang ang galit sakin ng magulang nya. Hindi ko maunawaan na kung bakit umabot sa ganong sitwasyon.
"Thap.. wait... " hindi ko namalayan na sinundan pala ko ni Bryan. Kaya huminto ako at humarap sa kanya. "Are you okey?" Tanong nya sa akin. Subalit tiningnan ko lang sya ng walang emosyon. Hindi ko alam kung iiyak ba ko o ano. Kung ako lang, hindi talaga ako okey, masakit para sakin na ganun ang trato sakin ng magulang ni Vlad.
"Its okey kung hindi mo sagutin. But i just want to make sure na okey ka lang talaga. Hindi kaba babalik don?" Sambit sakin ni Bryan. Hindi ko alam kung kaya ko bang pigilan ang emosyon ko pero ayokong ipakita sa kanya na mahina akong tao.
"Hindi ko alam, sa nangyari nayon hindi ko alam kung kailangan pa. Siguro naman nakita mo yung nangyari kanina diba. Ayaw sakin ng magulang ni Vlad ,sa tingin mo dapat pa kong pumunta don." Paliwanag ko kay Bryan, napayuko nalang ito at huminga ng malalim.
Alam ko at nakikita ko ang pag kaconcern nya sakin pero kaibigan nya si Vlad kaya mas iniisip padin nya ang kalagayan ng kaibigan nya. Pero bakit hinayaan lang ako ni Vlad na umalis. Hayss oo nga pala ...para saan pa..
"Im sorry, naiintindihan kita pasensya kana.. so.. whats your plan? uuwi kana? Hmm if its ok to you, coffee muna tayo bago ka umuwi." Anyaya sakin ni Bryan. Di nako tumanggi sa kanya tutal ayaw ko pa naman umuwi kaya sumama nalang muna ko sa kanya sya din maghahatid sakin.
Nagtungo na muna kami sa isang coffee shop, sa ibaba lang ito ng Hospital.
"Here's your coffee" sambit ni Bryan sabay lapag ng kape sa mesa kung saan kami nakaupo.
"Thank you.." tugon ko sa kanya at sabay higop sa kape. Hindi padin mawala sa isip ko yung mga nangyari kanina. Kaya hindi ko namalayan na tulala nanaman ako.
"Hey... wag mo ng masyadong isipin yung nangyari kanina okey. Nakakapangit yung pagiging stress, sige ka." pabirong sambit ni Bryan. Napangiti naman ako ng di oras sa sinabi nyang yon.
Infairness sa lalaking to, first impression ko sa kanya akala ko hindi sya makakausap ng maayos dahil napakatahimik lang nya. Tipong once na biniro mo ee. May mangyayaring masama sayo pero sa pagkakataong ito mali ako. Habang tumatagal mas nakikilala ko sya. Ilang beses na nya kong sinasamahan kapag nagkakaroon ng problema.
....pero...
Bakit?... Diba dapat mas may concern sya kay Vlad kesa sakin dahil kaibigan nya yon. Dapat nandoon sya ngayon kasama ni Vlad pero bakit mas pinili nyang samahan ako. Hayss ewan... nag iimagine nanaman ako.. pero what if.. di kaya......"Uyyy, bakit ba ang lalim ng iniisip mo, hayss kakasabi ko lang diba... wag mong masyadong isipin yung mga parents ni Vlad. Hindi kapa naman nila lubos na kilala baka malay mo once na makilala ka nila matanggap ka diba. Dont be sad.. okey. Gwapo ka pa naman kaso..."
anooo.? Tama ba yung nadinig ko kay Bryan. Naggwapuhan sya sakin?
"Hah? Anu sabi mo?" Kunyari ko lang na hindi nadinig, gusto ko lang din na ulitin nya ng malinaw at klaro.
"Wala.. sabi ko inumin mo na yang kape mo. Di na yan masarap pag malamig."
Sambit nito. Ewan ko sayo Bryan.
Pero infairness sa lalaking to. Di din papatalo kay Vlad pagdating sa Looks and Charisma.."Ewan ko sayo... pero Bryan.. salamat ah. Mas pinili mong samahan ako. Di mo din naman kailangang gawin to eh. Kung tutuusin mas kailangan ka ng kaibigan mo." Sambit ko sa kanyan. Nginitian lang ako nito.
"Wala yon, kaibigan nadin naman kita ah. Saka andoon naman yung parents nya kaya ikaw na muna ung sinamahan ko." Paliwanag nito sakin.
Mahaba haba pa ang aming napag kwentuhan. Hindi ko na din masyadong naiisip yung mga nangyari kanina. May kakulitan at kapilyuhan din palang tinatago itong si Bryan kaya kahit papano naenjoy ko yung company nya.
YOU ARE READING
MY LONG LOST BESTFRIEND : Love & Lies
Teen Fiction"WALANG PERMANENTE SA MUNDO" yan ang paniniwalang ponanghahawakan ni Thap/Phatt ng minsan syang iwanan ng kanyang Childhood Bestfriend na si Vlad/Red na nangakong hindi sila maghihiwalay nito. This is not a typical Story between the two person na n...