LOVE & LIES EPISODE 1(2/4): Throwback

547 8 0
                                    

THROWBACK (Part 1)
January 23,2022

(THAP POV.)

"TIM.. samahan mo naman ako sa National Bookstore may bibilin lang ako."

Anyaya ko kay TIM, nalimutan ko kasing bumili ng Project sa para sa ACTIVITY namin Next week dahil ako yung nakatoka na gumawa ng project namin. Ako lang naman ang malawak anf kaisipan pagdating sa mga ganitong bagay.

"Sige.. pero tawagan ko lang si Lex baka hintayin ako non magtampo pa sakin"

ibang klase talaga tong mga kaibigan ko nato. Kung hindi lang talaga sila magbestfriend mapagkakamalan ko tong mag jowa.
Pagtapos tawagan ni Tim si Lex agad kaming tumungo sa NB para bumili ng mga gamit para sa Project. Pagdating namin sa NB agad namin pinuntahan ang stall kung saan nandoon ang kailangan ko para sa project namin. Habang namimili ako ng mga pwedeng gamitin ay may isang babae ang namumulot ng nagkalat na gamit, kaya agad ko itong nilapitan at tinulungan ,
mejo nailang pa ito at hindi ako tiningnan at mabilis na tumayo ng napulot na ang lahat ng nagkalat na gamit nya at ganun din ako, inabot ko sa kanya ang mga napulot kong gamit. Infairness maganda sya halos parang kaedad ko lang , mejo mahaba ang kanyang buhok, di katabaan di din naman kapayatan, pero makinis at maputi sya. Pero ng ngumiti sya sakin grabee. Ang ganda ng ngiti nya parang anghel na bumababa sa langit

"Ahh.. salamat ah hmm. Ako nga pala si Ivonne.."

nilahad nya ang kanyang kamay upang makipagkamay sakin. Medyo nahihiya pakong kamayan sya dahil napaka kinis ng kamay nya. So kinamayan ko nadin sya nakakahiya din naman baka sabihin ang arte arte ko Hahaha.

"Hi ..ahh ako nga pala si Thap and si Tim kaibigan ko.. ahmm btw anu ba nangyari ok ka lang ba?" Tanong ko

"Hello, I'm Ivone, salamat ahh, pasensya nadin sa abala" pagpapakilala nya sakin,

hindi padin kami bumibitaw sa pakikipagkamay. Siguro nabigla din sya kaya agad na bumitaw. Medyo nahiya nadin ako ee.

"Ahmm sorry talaga, di lang talaga ako maingat kaya nagkalat mga gamit dito. Dito kasi ko nag wowork as a part time job pero mukhang sa tingin sa uniform mo i think same School lang tayo. Mukhang pamilyar kadin".

Paliwanag ni Ivone sakin

" Ah Ganun ba? Sorry di kita masyadong nakikita sa campus ee. Pero Hmmm pedi ba mag tanong?"

Tinanong ko kay ivone kung san mahahanap ang kailangan naming materials sa project namin, hindi naman sya nag atubili at sinamahan kami nito.
Di nagtagal may isang lalaki na lumapit samin, mejo matangkad sakin ng konti, kayumanggi ang balat nya, kulot ang buhok, mejo kalakihan ang katawan mukhang nag gygym pero di naman papatalo katawan ko batak din naman to'. Haha sa tingin ko palang sa itsura nya mukhang masama na ugali nito.

" Babe, ano problema dito? Ginugulo kaba ng mga ito?" Tumingin pa ito ng masama sa akin

"Pare.. trip mo ba tong girlfriend ko?" Maangas na sabi sakin nitong lalaki nato.

Balak pa kong sugudin ng lalake pero pinigilan lang sya ni Ivone.

"Please Vans stop, wala silang ginagawang masama sakin. Tinulungan lang nila ko at tinulungan ko din sila bilang pasasalamat nadin, at saka ano ginagawa mo dito?." Sagot ni Ivone sa Vans ang name.

"Paano ko di pupunta dito, hindi ka nag rereply sa mga message ko, ni tawag ko hindi mo din sinasagot, tapos madadatnan ko may iba kang kausap anu mo sya haah?"
Singhal ng lalake kay Ivone. Mukhang iba na timpla ng mokong nato ah.

"Pwede ba Vans wag dito, diko sila kilala ok? Tinulungan lang nila ko, Sa tingin mo ba makukuha kopang mag Cellphone sa dami ng ginagawa ko, kaya kung pupunta ka dito para pag awayan lang to pedi ba umalis kana. Sawang sawa nako sa mga ginagawa mo nakakahiya kana." Bulalas ni Ivone kay Vans,

medyo nagulat kami ni Tim sa kaganapan kaya nagbalak na kami umalis at iniwan na namin yung dalawa pero bago kami umalis dinuro kami ni Vans

"Lumayo layo ka sa girlfriend ko ah, di pa tayo tapos. Kilala kita, magkikita pa tayo." Pwes di kita kilala, kala mo naman kinaangas mo yan, Unatin ko payang kulot mong buhok. Pero di ko sinabi yan. Sa isip ko lang.
* END OF THROWBACK*

==

Chapter 1(2/4) Part 2

*March 13, 2022 4:30pm

Nang matapos ang aming klase nag yaya munang kumain si Tim at Lex. Treat naman daw nila kaya sumama nako. Mejo nabusog ako sa mga kinain naming streetfoods malapit sa school namin. Magkahiwalay ang route namin laya hindi kami mag kakasabay umuwi.
Pagkauwi ko ng bahay naabutan ko si Charles na nakaupo sa terrace mukhang busy nanaman kaka ML, tumabi ako sa kanya at tahimik na umupo, dahil tutok sa cellphone hindi nya pansin ang pagdating ko.

"Nasan ang kuya Fred mo? Wala kabang assignment? ML nnaman yang inaatupag mo!" Bingi yata tong batang ito walang naririnig, pero natawa nalang ako ng makita ko na nakaearphone pala sya, medyo nagulat pasya ng tanggalin ko ung earphone sa tenga nya

"KUYAA.? Sorry may sinasabi ka ba? Hehehe sorry ah niyaya kasi ko maglaro ng kaklase ko kaya tutok ako dito. Pasensya na kuya."

Hayss kung di ko lang mahal tong mga kapatid ko baka araw araw magkakaaway kami wala na kasing ginawa kundi mag laro ng Online games pero mabait yang kapatid ko saka gwapo din naman mana sakin e, syempre pinangako ko sa sarili ko na ako ang mag aalaga sa kanila dahil wala na nga si Papa.

"Nasan kako si kuya fred mo?Di mo ba kasabay umuwi? atsaka ML agad yang inaatupag mo? Wala kabang Assignment?" Tanong ko kay Charles.

" Kasama ni Mama namalengke sila kuya ahhmm.. ung assignment ko ginawa ko na sa School kanina heheh.
Teka...Ikaw kuya? Ok ka lang ba? Parang matamlay ka, saka anu nanaman yang nasa mukha mo? Nako lagot ka nanaman kay mama kapag nakita nya yan."

Hah? Nagtaka ko sa sinabi ng kapatid ko kaya agad akong tumakbo papasok ng bahay at agad na tumingin sa salamin. Sh*t nagkaroon ako ng pasa sa pisngi, bwisit naman alagang alaga ko tong napaka gwapong mukha nato tapos ganito lang mangyayari. May araw din sakin yong Vans na yun.
Pagpasok ko ng kwarto ko agad akong nagbihis at pumunta sa kusina para kumuha ng ice cube ilalagay ko lang sa pasa ko baka makita ni mama patay nanaman ako, maya maya biglang tumunog yung cellphone ko, ng tingnan ko ito si Tim lang pala "ano nanaman kaya problema ng mokong nato, twing tatawag nalang alam na alam ko na. " sabi ko sa sarili ko. Agad ko naman na itong sinagot.

(via phone)

"HELLO BRO? WATS UP? ANO GANAP?DONT TELL ME PROBLEMA NANAMAN YAN NOH. " tanong ko

"AVAILABLE KABA NGAYON? NEED KO LANG NG KAUSAP? TARA SA PLAZA TREAT KO!" Sabi ko na nga ba, haysss.

Diko din naman to matatanggihan ,halos magkapatid nadin kaming dalawa ni Tim. Simula 1st year hanggang ngayon magkaklase padin kami, 3rd year lang namin naging classmate si Lex kaya mas nauna kong naging kaibigan si Tim.
Mabait at Mabuting anak si Tim dahil nag iisang anak lang sya ni Tito Troy at Tita Wendy. Nakilala ko sya habang magbabasketball ako sa gymn sa plaza. Dahil hilig din ni Tim ang Basketball halos palagian kaming naglalaro kaya nakapalagayan ko nadin sya ng loob. Magandang lalaki din naman itong si Tim kaya madalas kapag naglalaro kami ng basketball di maiiwasan na madaming humahanga sa kanya. Minsan may nagbibigay pa sa kanya ng tubig at mga snacks at shinashare naman nya ito sa iba naming ka Team pero never pa syang nagka girlfriend kahit malakas din karisma ng mokong nato.

"SIGE SIGE AHHMM WHAT TIME BA? SUSUNDUIN KO PA KASI SILA MAMA SA PALENGKE ?". paliwanag ko kay Tim.

Nagmessage kasi si Charles sakin na magpapasundo daw sila ni Mama. Kaya siguro pag uwi ko nalang saka ako pupunta sa plaza.

Nang masundo ko na sila Mama ay nagpalit na muna ako ng damit. 8pm pa naman ang usapan namin ni Tim so mahaba pa ang oras ko para gumayak. Simpleng damit lang naman ang isusuot ko siguro pedi na ung Black fitted na Denim Pants then ternohan ko nalang ng Light Gray na Polo Shirt na Denim at saka Vans na shoes.. although galit ako kay Vans pero I Love Vans na Shoes.. favorite brand ko kasi to.. kaya Vans at Denim Baka naman UHU...pagalawin nyo na ang Baso.. HAHAHA btw
Di na ko masyadong nag ayos ng malala sasamahan ko lang naman si Tim sa Plaza hindi naman sa Mall baka dumugin pa ko ng mga tao don pag nag ayos pako ng todo diba.. HAHAHA

****************************************

MY LONG LOST BESTFRIEND : Love & LiesWhere stories live. Discover now