(THAP POV)
Nang matapos kumain ng dalawa kong kapatid, pumasok nadin sila sa kanilang kwarto, syempre nagpasalamat sila sa pagkain na dala ni Vlad.
.
.
.
"NAKAKATUWA YUNG DALAWA MONG KAPATID NOH, TALAGANG CLOSE NA CLOSE KAYONG TATLO. AKO KASI MADALANG KONG MAKASAMA ANG ATE KO KAYA AKO LANG MAG ISA NAMUMUHAY, NASA IBANG BANSA KASI PARENTS KO SO AKO LANG TALAGA." sabi ni Vlad pagkatapos nitong humigop ng kape.Infairness sa lalaking to nang matitigan ko sya habang humihigop ng kape, di din maikakaila na may itsura sya, maputi, matangos ang ilong, mejo singkit ang mata, may dimple,. Pero syempre di ako papatalo gwapo din naman ako ah. Eh Eh Eh. Bakit ba yun yung iniisip ko anu ba to.. hayss.
"OKEY KA LANG?? MAY DUMI BA KO SA MUKHA??" sh*t nakatitig pala ko sa kanya, nakakahiya baka ano isipin nya..
.
.
.
"AHH WALA WALA MAY INIISIP LANG AKO. SAYO BA KO NAKATINGIN?" pakiwari ko lang yon para di halatang sa kanya talaga ko nakatingin.Natawa nalang sya sa sinabi ko at humigop ulit sya ng kape.
.
.
.
"AHH SORRY NGA PALA SA MGA NASABI KO SAYO KAHAPON, AMINADO AKO NA HINDI MAGANDA YUNG PINAKITA KO SAYO. AYOKO LANG KASI NA PINAG UUSAPAN ANG TUNGKOL SA PAPA KO." seryoso kong sambit sa kanya, tumingin lang sya sakin at ngumiti, kita mo tong mokong nato, ang drama ko tapos matatawa lang hayss."OKEY LANG YON, DIKO DIN NAMAN KASI ALAM NA GANUN PALA YUNG NANGYARI, NAIKWENTO KASI SAKIN NG MAMA MO KAYA NGAYON NAIINTINDIHAN KONA" ibang klase din naman talaga si mama pati yung kinwento pa sa lalaking to.
.
.
.
Pero ok na, nagyari na yon kaya naforgive ko na sya. Maayos din naman palang kausap tong mokong nato, madali nya kong napapatawa sa mga hirit nya, hanggang sa unti unti na kong nagkakaroon ng interest sa mga sinasabi nya.
.
.
.
Medyo matagal din kaming nagkakwentuhan ni Vlad, na kwento din nya yung buhay nya bilang isang Independent Person. Natuto syang mamuhay mag isa. Hanggang sa hindi ko namamalayan na parang gumagaan na ang loob ko sa kanya sa tuwing nakakausap ko sya.
.
.
.
Maya maya ay dumating na si Mama, hindi naman sya nagulat dahil sa labas palang dinig na nya ang boses namin ni Vlad na nagtatawanan,."HELLO PO TITA". bati ni Vlad kay Mama at nagMano pa ito tanda ng PagGalang.. nakakatuwa naman tong taong to. "AH SORRY PO HINDI NAPO AKO NAKAPAG PAALAM SA INYO NA PUPUNTA PO AKO DITO,." Nice move ah.
"NAKO IHO WALANG PROBLEMA ALWAYS WELCOME KA DITO SAMIN, SAKA TITA RITA NALANG ITAWAG MO SAKIN, O SYA MAIWAN KO MUNA KAYONG DALAWA DYAN, AT ANAK. HHMMM YUNG PINAG USAPAN NATIN. " Wow ma' tita agad kabilis mo ah.. pero wala naman akong magagawa, palagay nadin kasi ang loob ni Mama dito kay Vlad.
.
.
.
"SYA NGA PALA VLAD IHO, TUTAL NANDITO KA NALANG DIN BAKA GUSTO MO SAMAHAN MO NA KAMI MAG DINNER MAMAYA MADAMI DIN NAMAN AKONG PINAMILI KANINA DADAGDAGAN KO NALANG." Paanyaya ni mama kay Vlad"AYOS LANG PO TITA, SALAMAT PO". Si mama talaga, ganyan yan pag may bisita dito sa bahay pero masaya naman ako kapag ganyan si mama nakikita ko syang masaya.
.
.
Kahit alam ko na gabi gabi syang umiiyak siguro kakaisip padin sa nangyari kay Papa. Minsan kasi isang gabi ng papunta ko sa kusina para maghanap ng makakain, naabutan ko si Mama na nakadukdok sa lamesa at umiiyak. Gusto ko man syang lapitan kaso pag nakita nya ko na bumaba idedeny nya lang na umiiyak sya.. pero ayokong nakikitang ganon palagi si Mama kaya pag nakatapos ako ng pag aaral gagawin ko lahat para makatulong sa kanya, kaming mga magkakapatid.
.
.Maya maya biglang bumababa si Fred dala ang kanyang gitara at tumungo ito sa amin,
"KUYA VLAD, TAMA PO? VLAD PO NAME NYO?" tumango nalang si Vlad at ngumiti. Nice sana all may Dimples..
"MARUNONG PO BA KAYO MAG GITARA.?" tanong ng kapatid ko.
"AHHM SLIGHT LANG , MERON DIN KASI KONG GUITAR SA CONDO KO PERO DI KO SYA NAGAGAMIT USUALLY PERO MARUNONG DIN NAMAN AKONG MAGBASA NG MGA NOTES" pabibo din pala tong si Vlad at mukhang magkakasundo kayo ng Kapatid ko.
.
.
.
Habang nag uutuan ang dalawa pagdating sa guitara, nagpaalam muna ko sa kanila para tulungan si Mama sa kusina, nung una ayaw pa ni mama na magpatulong at asikasuhin ko daw yung bisita ko. Pero wala nadin nagawa si Mama dahil mukhang nag eenjoy naman si Vlad kasama ang kapatid ko.
.
.
.
Kaya ng matapos kami magluto ni Mama ay tinawag na namin sila para mag Dinner. Masarap magluto si mama kaya naman healthy kami lagi, at halata naman dahil mukhang napadami ang kain ni Vlad, kumakain bato sa kanila e mukhang ngayon lang bumabawi ng kain."IHO, DAHAN DAHAN LANG SA PAGKAIN MADAMI AKONG NILUTO DI KA MAUUBUSAN." Pabirong sabi ni Mama kaya nagtawanan nalang kami.
"PASENSYA NAPO TITA PERO ANG SARAP PO KASI NG LUTO NINYO, DIPO TALAGA KO KUMAKAIN NG GULAY PERO MUKHANG PAG KAYO PO ANG NAGLUTO KAKAIN AT KAKAIN PO TALAGA KO" nako binola pa si Mama, kaya aliw na aliw sa kanya si Mama ee.
Pero bakit ganon, ngayon lang kami nagkakilala ng lubos pero parang ang tagal na namin kilala ang isa't isa.. at biglang gumagaan ang pakiramdam ko kapag nakakausap ko sya..... Sino kaba Vlad? Sino kaba??
*****************************************
*PROLOGUEIlang linggo na ang nakakalipas halos napapadalas ang pagpunta ni Vlad kila Thap, kaya naman hindi nawawala sa isip ni Thap ang pagtataka. Noong una ayus lang sa kanya dahil baka gusto lang nya icheck ang kalagayan ni Thap. Pero habang tumatagal nagbabago ang lahat, nagtataka na din si Thap sa ikinikilos ni Vlad. Malapit na nga bang malaman ni Thap at Vlad ang koneksyon nila sa isa't isa. O mapipigilan ito dahil sa isang sikretong mabubunyag.
At may isang magbabalik mula sa nakaraan na syang mang gugulo sa pagitan ni Vlad at Thap.
Lahat ng yan Abangan....
YOU ARE READING
MY LONG LOST BESTFRIEND : Love & Lies
Teen Fiction"WALANG PERMANENTE SA MUNDO" yan ang paniniwalang ponanghahawakan ni Thap/Phatt ng minsan syang iwanan ng kanyang Childhood Bestfriend na si Vlad/Red na nangakong hindi sila maghihiwalay nito. This is not a typical Story between the two person na n...