Love & Lies: Episode 9(4/4)

141 4 0
                                    

(VLAD'S POV.)

Nababahala ako sa kung anong pweding mangyari kay Thap. Bakit ba nangyayari to? Kasalanan ko to lahat.

"Ano, nacontact mo na ba si Thap?" Tanong ko kay Bryan.

"Hindi eh, hindi ko na sya macontact, sinusubukan kong tawagan ulit pero wala talaga."sagot naman nito.

Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may mangyaring masama kay Thap. Sana mali ang kutob ko, hindi na kami mapalagay sa pagkakataong ito.

"Ano na gagawin natin? Hindi naman natin alam kung saan sya sumakay, kung sino kumuha sa kanya?" Saad ni Bryan na hindi din mapakali.

"Bakit kasi iniwan mo syang mag isa dito hah.?"sambit ko kay Bryan.

" Teka nga, bakit ako sinisisi mo hah? Hindi naman mangyayari to kung hindi dahil dyan sa kag*guhan mo.. At sa harap pa talaga ni Thap hah... Vlad? Sana alam mo na may nasaktan sa ginawa mong yon." natigilan ako sa sinabi ni Bryan.

"Ano ibig mong sabihin?"tanong ko.

"Napakamanhid mo Vlad... Mahal ka ni Thap..... Gusto ka nya. Matagal na." sambit ni Bryan.
Tama ba yung narinig ko... Gusto ako ni Thap? Mahal nya ko... akala ko ako lang ang nakakaramdam non.. Hindi ako makapaniwala na mahal nya din ako..
Gusto kong matuwa sa nalaman ko pero... sa oras nato... kailangan kong mahanap si Thap. Kailangan ko syang makita..

Nasaan ka Thap? Nasan ka?.

===

(THAP'S POV.)

Hindi ko alam kung ano gagawin ko.. akala ko matagal ng nawala si Vans.. natatakot ako dahil alam ko kung ano ang kayang nyang gawin.. baliw na sya.. nagawa nya kong ipahamak noon alam kong kayang kaya nya ulit gawin ngayon..

"Please.. Vans.. tigilan mo na to, pakawalan mo na ko please. Gusto ko ng umuwi.. pakawalan mona ko.. anu ba naging kasalanan ko sayo hah?" pagmamakaawa ko kay Vans na ngayon ay hawak hawak padin nya ko sa buhok at nakatutok padin ang hawak nyang kutsilyo sa aking leeg at nakaupo sa backseat ng kanyang sasakyan.

"Nang dahil sayo naging komplikado ang buhay ko.. Nang dahil sayo, iniwan nako ng lahat. Matagal akong nagtiis, pagala-gala, wala akong mapuntahan."
Paliwanag sakin nito.

"Pero bakit kailangang umabot sa ganito. Bakit ako? Bakit ako ang sinisisi mo sa nangyayari sayo hah? Sisihin mo yang sarili mo dahil ang sama mo. Ikaw ang sumisira sa buhay mo." Sambit ko dito
.
.
"Tumigil kana.... ititikom mo yang bibig mo oh gigilitan kita ng buhay. Naiintindihan mo?" Galit na sabi ni Vans.
subalit hindi padin nya inaalis ang kutsilyo sa aking leeg.
Binuksan ni Vans ang pintuan sa pamamagitan ng kanyang kaliwang kamay... nakakita ko ng tyempo para depensehan ang aking sarili. Hinawakan ko ang kanyang  kamay na may hawak na kutsilyo sa pamamagitan ng dalawa kong kamay at inilayo ko ito sa aking leeg at nakakuha ko ng pagkakataon pata masipa si Vans dahilan para tumilapon ito sa labas. Agad ko naman binuksan ang nasa kabilang pinto at agad agad na tumakbo. Hindi ko na ninais na balikan ang gamit ko dahil baka mahuli nanaman ako ni Vans.
====

(SOMEONE'S POV.)

Mabilis na tumakbo si Thap papalayo kay Vans, nagkaroon sya ng pagkakataon na makatakas dito subalit hindi nya alam kung saan na sya pupunta at magtatago.
.
.
Nang makabangon si Vans mula sa pagkakasipa sa kanya ni Thap ay hindi sya makapaniwala na natakasan sya nito. Kaya naman mas lalong nanaig ang galit nya dahil sa nangyari.
Agad syang pumasok sa loob ng sasakyan at binuksan ang maliit na cabinet nito.. agad nyang kinuha ang kanyang baril at mabilis na lumabas ng kanyang sasakyan at agarang hinabol si Thap.

MY LONG LOST BESTFRIEND : Love & LiesWhere stories live. Discover now