(VLAD'S POV.)Kinagabihan, sakto kakauwi ko lang ng Condo ko, dahil may nilakad kami ni Bryan ng mag message sakin ang pinsan ko.
*message
"Insan Makakapunta kaba? Papunta na kasi kami, hintayin ka nalang namin don ah. Ingat ka sa byahe"
Message sakin ng Pinsan ko, niyaya kasi ko mag hangout, tutal wala naman pasok bukas so pwede naman ako ngayon.
Niyaya ko din si Bryan pero di daw sya available kaya ako nalang mag isa ang pupunta.
Nagpaorder nalang muna ko ng foods sa Lobby at dineliver nadin dito.
Pagkatapos kong kumain, agad naman akong naligo at nagbihis nadin ako.
Simple lang ang suot ko
Maong na jacket , black fitted shirt, black fitted pants, at rubber shoes lang.
.
.
Pag baba ko sa condo agad akong nag abang ng taxi, gagamitin ko sana yung motor ko kaso baka wala akong mahanap na parking at baka magkaroon pa ng problema. Di din nagtagal nakasakay na ko ng taxi.
.
.
.
Pero parang wrong timing pa yung pagsakay ko sa taxi dahil ibang route pa yung dinaanan at sobrang traffic pa nakakainis... tsk
.
.
Halos kalahating oras din ang tinagal ng byahe bago ako makarating ng Bar kung saan naroon ang pinsan ko. Hindi ko naman matanggihan dahil kapag ako ang humihingi ng pabor ay hindi naman sya nagdadalawang isip na tulungan ako.
.
Nang makarating ako ng Bar ay agad na nagbayad ako sa taxi driver. Mukhang ayos naman ang lugar nato at puntahan din talaga ng mga gustong mag hangout. Halos sunod sunod nadin ang mga pumapasok gayundin may mga lumalabas. Kaya agad naman akong naglakad papasok dito.Pagpasok ko ng bar ay agad naman akong pinapasok ng Bouncer na nasa entrance door. Dahil nga sa tagal ng byahe, dumiretso muna ko sa Cr dahil kanina pa ko najijingle. Hindi nadin kaya ng pantog ko.
.
.
Pagpasok ko sa Cr mejo nakakatakot nga lang dahil hindi kasi ganoon kaliwanag ang ilaw, buti nalang at may kasama ko nasa isang cubicle..
-----(THAP'S POV.)
Hayys.. sa wakas.. mejo naginhawahan ako at gumaan ang pakiramdam ko..
.
.
Nang makalabas ako ng cubicle ay agad naman akong tumungo sa washing Area para maghugas ng kamay.. may tumabi din sakin na isang lalake at naghugas din ng kamay, may kadiliman din kasi ang Cr dito kaya mejo nakakatakot.Ng ioff ko na ung gripo ay agad naman akong naglakad subalit nabangga ko ung lalaki na katabi ko..
.
"VLAD??/THAP??"
.Halos Sabay pa kami sa pagbanggit ng mga pangalan namin."ANDITO KA?.." tanong sakin ni Vlad.
.
"Obvious ba? Ikaw ano ginagawa mo dito? I mean. Kanina kapa ba dito?".sambit ko sa kanya.
.
"Actually kakadating ko lang, dumiretso lang ako dito kasi kanina pa ko najijingle, ang tagal kasi ng byahe kanina sobrang traffic." Paliwanag nito sakin.
.
"Ganun ba? May kasama kaba?." Tanong ko sa kanya.
.
"Wala nga eh.. actually anjan......." diko na pinatapos yung sasabihin nya,. At hinila ko nalang sya palabas."Ipapakilala kita sa mga kaibigan ko halika na.. sumama ka nalang sakin."
.
"Pero naghihintay yun....".
.
"SSSSSSHHHHHH!. Ok lang yan."
Hindi na nya natapos ang gusto nyang sabihin dahil hinila ko na sya papunta sa mga kaibigan ko. Mejo madami nading tao at halos maiingay na , siguro dahil ung iba may tama na din.
.
Nang makarating kami sa table ay pinakilala ko si Vlad sa mga kaibigan ko..."Guy's si Vlad nga pala, sya yung sinasabi ko sa inyo na nagrescue sakin...".
.
"RED?" Sambit ni Dan.
Mejo di pa sakin nag sisink in ung sinabi ni Dan.
.
"Dan?.. sorry ngayon lang ako nakarating sobrang traffic kasi kanina.." paliwanag nito.
.
"Wait?,, magkakilala kayo Dan?" tanong ko kay Dan.
.
"Yeah ofcourse,, sya ung sinasabi ko sa inyo na ininvite ko, btw guys pinsan ko nga pala si RED Mendez".Pagpapakilala samin ni Dan.. Red Mendez???
.
"Hi nice to meet you guys,".
.
Teka... Si Vlad ? Pinsan ni Dan. Pero bakit Tinawag nya itong Red??...Red Mendez???" Red Mendez?, You thought na Vlad yung name mo?" Tanong ko kay Vlad. Hindi agad ito nakapag salita bagkus tumingin muna ito kay Dan at kumunot pa ang noo nito.
.
.
"Wait? Do you know each Other??and Vlad?? Really, di monaman sinabi sakin insan na seseryosohin mo un name na Vlad HAHAH." Saad ni Dan. Hindi makapag salita si Vlad ng oras nato.
.
.
.
"So hindi Vlad ang pangalan mo? Ang sabi mo samin , Vlad ang name mo.... diba? So ano ung totoo? Niloloko mo ba ko?......Vlad" Mejo napataas na ung boses ko.
.
.
.
Nagtinginan lang silang dalawa ni Dan na parang may pinapahiwatig na kakaiba.
.
.
.
"What's going on guy's? Pinag titinginan na tayo dito. Ahhhm Thap, umupo ka muna.. anu ba problema.?". tanong sakin ni Tim. Pero hindi ako nakinig dito, nanatili padin akong nakatayo. Sa puntong ito si Vlad nalang ang tatanungin ko.
.
.
"Sino kaba talaga? Hah? Bakit ka nya Tinawag na Red.."
Subalit wala padin akong nakukuhang sagot. Huminga muna ko ng malalim, pinakalma ko muna yung sarili ko .Alam ko nakainom ako pero alam ko yung nangyayari at rinig ng dalawa kong tenga na Tinawag na Red Mendez si Vlad...
.
.
.
"Thap," yan lang ang sinabi nya.
.
.
.
"ANOOO!! SINO KABA TALAGA? TINANGGAP KA NAMIN SA PAMILYA NAMIN, TAPOS ANO NAGPAPANGGAP KA LANG ?? NAGSISINUNGALING KA LANG??"
Sa sobrang inis ko halos hindi ko na alam ang lumalabas sa bibig ko, dala nadin ng nakainom ako. Nung narinig ko yung pangalan nya, hindi ko alam ang naramdaman ko.Red Mendez....... yung taong matagal na panahon kong hinintay, umalis ng walang paalam... yung nangakong hinding hindi kami magkakahiwalay.
Subalit hindi nya tinupad ang pangako nyang yon. Kaya sobra ang sakit na naramdaman ko ng umalis sya. Na hanggang ngayon andito padin sa puso ko dahil ang totoo bata palang kami ay naramdaman ko ng mahal ko na sya.. oo tama,, bago palang nya ko iwanan. Totoong napamahal na ko sa kanya.. kaya ganun na lamang ang sakit ng bigla nya kong iwan at hindi na tuluyang nagparamdam.
.
.
.
"Thap, are you okey? Anu ba nangyayari sayo?"tanong sakin ni Tim. Subalit hindi ko na sya sinagot, dahil hindi ko na kaya ang sakit nagpasya nalang akong umalis at iwan sila. Nakakabastos man na layasan sila pero pasensya na, hindi ko lang talaga kaya.
.
.
"Thap? Wait san ka pupunta?" Tanong muli sakin ni Tim.
.
.
Hindi ko na sya sinagot pa at tuluyan na kong lumabas. Hindi ko alintana ang buhos na malakas na ulan, kasabay ng pagpatak ng aking mga luha.
Bakit ganon, ang tagal na ng panahon pero bakit ang sakit padin sa pakiramdam, matagal ko ng kinalimutan ang taong yon pero nung narinig kong muli ang pangalan nya, biglang nanumbalik sakin ang lahat. Hindi ko alam kung kaya ko ba syang makita.
.
.
.
Hindi pa man ako nakalayo ay may biglang tumawag sa pangalan ko."Thap".
------Please dont forget to Comment, Vote and Share.
YOU ARE READING
MY LONG LOST BESTFRIEND : Love & Lies
Teen Fiction"WALANG PERMANENTE SA MUNDO" yan ang paniniwalang ponanghahawakan ni Thap/Phatt ng minsan syang iwanan ng kanyang Childhood Bestfriend na si Vlad/Red na nangakong hindi sila maghihiwalay nito. This is not a typical Story between the two person na n...