(SOMEONE'S POV.)
"Thaaap.. alam kong anjan ka kaya lumabas kana, wag mo na kong pahirapan HAHAHA... hinding hindi ka makakatakas sakin." sigaw ni Vans.
" Thaaaap, wag mo na kong pahirapan... LUMABAS KANAAAA."sigaw ni Vans.
Gigil na gigil at galit na galit na si Vans dahil hindi padin nya makita si Thap. Sa sobrang galit nya ay nagpaputok ito ng tatlong beses.*bang...bang...bang..
"Thaaap... wag mo na kong galitin.. lumabas kana dyan... hindi na ko natutuwa sayo alam kong nandito ka lang. THAAAAP.."
sigaw ni Vans at patuloy padin sa paghahanap.
.
.
Sa kabilang banda, pawis at kaba ang nararamdaman ni Thap sa oras nayon dahil isang galaw lang nya ay maari syang makita nito at may tyansang patayin sya nito.Subalit makalipas ang ilang sandali nakakuha ng pagkakataon si Thap dahil nakatalikod sa kanya si Vans at pagkakataon na nya ito na gawin ang kanyang balak, kaya naman agad syang lumabas kung saan sya nag tatago at dahan dahang lumalapit kay Vans. Hahampasin na sana nya ito ng kahoy na hawak nya subalit biglang humarap si Vans at agad itinutok sa kanya ang hawak nitong baril.
Biglang huminto ang mundo ni Thap sa pagkakataong ito. Hindi nya alam kung ito na ba ang katapusan nya."Ano gagawin mo hahampasin mo ko? HAHAHA. E kung iputok ko sayo to Hah? H*yop ka pinahirapan mo pa ko. Ibaba mo yan kung ayaw mong sumabog yang bungo mo.... BILIIIIS." sigaw ni Vans kay Thap. Namumutawi ang takot sa mukha ni Thap. Pawis na pawis at halos hindi na sya makagalaw. Dahil oras na pigain ni Vans ang gatilyo ng baril hawak nya tyak katapusan na nya ito..
" IBABA MO SABI.... "sigaw muli nu Vans.
"Oo na... oo na... please maawa ka sakin. Please.." pagmamakaawa ni Thap na halos mangiyak ngiyak na ito sa takot.
Dahan dahan namang inilalapag ni Thap ang hawak nyang kahoy na sana'y pang depensa nya. Nang mailapag ni Thap ang kahoy ay hindi alam ni Vans na kumuha si Thap ng buhangin at dahan dahan itong tumayo na kunyari takot na takot ito. Subalit matalino si Thap handa padin itong lumaban kahit nasa bingit na sya ng kapahamakan."Hahah. Masunurin kadin palang bata, alam mo sayang ka. Kung sumunod ka lang sakin kanina di na sana tayo aabot sa ganito.. gusto lang naman kitang tikman dahil tingin ko sayo babae.( dahan dahang lumalapit si Vans kay Thap.) Ang kinis ng balat mo. (Habang pinapagapang ang baril sa balat ni Thap.)
Hmmmm. Ang bango mo pa. (At inamoy pa ito ang kanyang leeg, kaya napapikit nalang si Thap.
Subalit walang kaalam alam si Vans na kumukuha lang ng tyempo si Thap para magawa nya ang binabalak nito."Please.. Vans wag mong gawin yan." Pagmamakaawa ni Thap.
.
.
"Bakit? Di mo ba nagugustuhan? Hah? Wala kang magagawa dahil hawak ko ang buhay mo. Kaya kung ano ang sasabihin ko gagawin mo. NAIINTINDIHAN MO. HAH.." galit na saad ni Vans at biglang itinutok ang baril sa ulo ni Thap na syang ikinagulat nito. Takot na takot si Thap subalit kailangan nyang maging matapang.
Umatras ng bahagya si Vans at tiningnan mula ulo hanggang paa at mukhang may hindi magandang binabalak ito kay Thap.Subalit ng malingon sa di kalayuan si Vans dahil may kung anong biglang kumaluskos at ng malingon ulit ito kay Thap ay nakakuha ito ng pagkakataon na ibato sa Mukha ni Vans ang hawak nyang buhangin na kinuha nya kanina habang ibinababa ang kahoy at kaya naman napakusot ng mukha si Vans at agad namang hinawakan ni Thap ang kamay ni Vans na may hawak na baril at itinaas nya ito para hindi matutok sa kanya. Tinuhod din ni Thap si Vans ng dalawang beses hanggang sa nabitawan ni Vans ang hawak nitong baril na sya ding ikinabagsak ni Vans kaya naman nagkaroon ulit ng pagkakataon na makatakbo si Thap, subalit agad namang nahawakan ni Vans ang binti ni Thap na syang ikinaluhod nito.
Pilit sinisipa ni Thap ang kamay ni Vans subalit mahigpit ang pagkakahawak nito sa kanya."Hindi ka makakatakas sakin..." sambit ni Vans na pilit tumatayo subalit nahihirapan ito dahil sa natamong sakit sa sikmura dahil sa paglakatuhod ni Thap sa kanya.
"Bitawan mo ko h*yop ka, bitawan mo ko.." saad naman ni Thap na pilit tinatanggal ang kamay ni Vans sa kanyang binti.
Hindi tumigil si Thap sa pagsipa matanggal lang ang mahigpit na pagkakahawak ng kamay ni Vans sa kanya. Maya maya ay biglang may dumating na sasakyan sa di kalayuan kaya naman biglang sumigaw si Thap.
"Tulooong... tulooong..
Ugggggh.. bitawan mo ko sabi..." sa gigil ni Thap ay isang malakas na sipa ang kanyang pinakawalan na syang pagkabitaw ng kamay ni Vans sa kanyang binti. Mabilis na tumakbo si Thap papunta kung saan may biglang dumatin na sasakyan na lulan sila Vlad at Bryan kasama ang kaibigan nito na syang driver ng sasakyan.Mabilis din naman tumayo si Vans kahit hirap ito dahil sa sakit ng sikmura pagkakasipa ni Thap. Agad naman nyang hinanap ang baril na hawak nya kanina.
"H*yop ka Thap, sigeee. Tumakbo ka lang.. oras na abutan kita yan na ang huling takbo mong h*yop ka.." saad ni Vans. Agad naman nyang nakita ang baril nya at mabilis din itong tumakbo at sinundan si Thap.
===
(VLAD'S POV.)"Bilisan mo bro, baka maabutan pa natin si Thap.." pagmamadali ko sa driver na kasama namin. Masyado na kong natataranta sa pagkakataong ito.
"Eto na nga malapit na tayo, nadaan nako minsan dito. Wag kang mag aalala makikita din natin yung kaibigan mo."sambit sakin ng driver na kaibigan ni Bryan. Hindi din mapakali si Bryan dahil panay kagat nito sa itaas ng kanyang labi.
Maya maya ay bigla kaming huminto dahil may natanaw kaming isang sasakyan sa di kalayuan. Kaya naman mabilis kaming bumaba ng sasakyang upang tingnan iyon.
"Sigurado ko andito lang yon. Ito lang naman yung bagong gawang daan dito e. Saka sabi nya puro solar light diba. Eto lang din ung may solar light sa lugar nato." Paliwanag ng kasama namin.
Habang naglalakad kami nila Bryan ay may bigla kaming narinig na sigaw.
"Tulooong..... tulooong...."
Kilala ko ang boses na yon. Oo tama. Hindi ako nagkakamali, boses ni Thap yon.
Kaya agad akong tumakbo at hinanap kung san nanggaling ang boses na yon, sumunod di sakin yung dalawa."Thaaaap... asaaan kaaaa., Thaaaap..." sigaw ko dahil nagbabakasakali na madinig nya at matunton namin sya.
Sa di kalayuan na malapit sa sasakyang natanaw namin ay may isang lalake na mabilis na tumatakbo na parang takot na takot at hingal na hingal. Habang papalapit ito samin ay nakilala ko na agad kung sino yon.
"Thap.??"sambit ko sa sarili ko.
Tama si Thap nga yung tumatakbo.. malayo pa man sya subalit kita ko ang takot sa kanyang mga mukha. Pagod na pagod sya habang tumatakbo at patuloy lang ito sa pagtakbo papunta sa kinaroroonan namin.
Siguro natanaw na nya ko. Dahil bigla nitong sinigaw ang pangalan ko.Subalit sa di kalayuan may isang lalake ang mabilis na lumalakad at pasunod ito kay Thap.. at tanaw ko ang baril na kanyang hawak at nakatutok ito kay Thap..
Bigla akong kinilabutan sa nakita ko. Kaya agad akong tumakbo ng mabilis upang salubungin si Thap."Thaaaapp... takbooo..." sigaw ko.
"Vlad, san ka pupunta. "Rinig ko ang sinabing yon ni Bryan subalit kailangan kong makuha agad si Thap. Kaya mabilis ang tumakbo.
Nang makuha ko si Thap ay napayakap ito sakin. Ramdam ko ang mabilis na tibok ng kanyang puso.
Subalit nabigla ako ng may isang malakas na putok ng baril ang umalingaw ngaw sa paligid. Bigla akong napahinto, ganun din si Thap..
Kita ko sa mukha ni Thap ang pagkagulat.. Tanaw ko din ang lalaking humahabol kay Thap na nakatayo lang at parang nabigla din ito sa nangyari.
Dinig ko din ang malakas na Sigaw ni Bryan.
.
.
.
"Vlaaaaad"....to be Continued
YOU ARE READING
MY LONG LOST BESTFRIEND : Love & Lies
Teen Fiction"WALANG PERMANENTE SA MUNDO" yan ang paniniwalang ponanghahawakan ni Thap/Phatt ng minsan syang iwanan ng kanyang Childhood Bestfriend na si Vlad/Red na nangakong hindi sila maghihiwalay nito. This is not a typical Story between the two person na n...