LOVE & LIES EPISODE 5(4/4):

171 7 2
                                    

(VLAD POV)

Sa tuwing maiisip ko yung nangyari kanina, wala natatawa nalang talaga ko. Kasi naman ganun pala sya matakot parang bata. Pero ang cute nya sa ganung sitwasyon.
.
.
.
"PASENSYA KANA SA KUYA KO AH, SADYANG TAKOT LANG TALAGA SYA SA KULOG AT KIDLAT, MULA BATA PALANG GANYAN NA YAN. KAYA NATATAWA NALANG DIN KAMI MINSAN SA KUYA KO."
.
.
.
Paliwanag ni Fred sa akin at natawa nalang din ako sa mga sinabi nya.
.
.
Maya maya bumaba nadin si Charles may dalang puting kumot. Dinalhan nadin ako ni Fred ng Unan, sinabi ko kasi na dito nalang ako sa Sala matulog and nag insist na din ako kaya hinayaan nalang din nila ko.

"KUYA ETO PO YUNG KUMOT SAKA UNAN, PASENSYA NAPO KAYO, PERO SIGURADO PO BA KAYO ? JAN NA KAYO MATUTULOG?. PWEDE NAMAN PO AKO LUMIPAT KAY KUYA TAPOS KAYO NALANG PO NI KUYA FRED ANG TABI SA ISANG KWARTO." sambit ni Charles ng iabot sakin ang unan at kumot.

"OO, AYOS LANG AKO DITO, HINTAYIN KO NALANG DIN NAMAN NA HUMINTO YUNG ULAN TAPOS UUWI NADIN AKO." sagot ko naman.

"EH SIGE PO KUNG YAN PO YUNG GUSTO NINYO.. PANO PO MATULOG NADIN PO KAMI.. GOODNIGHT PO KUYA." dagdag naman ni Fred.
Umakyat nadin sila sa kanilang kwarto. At ako naman inaayos ko ang higaan na tutulugan ko.
Sanay naman akong matulog sa ganito, kaya hindi nako nagdemand pa.
.
.
.
.
.
Almost 10:50pm na di padin ako makatulog at medyo humihina nadin ang ulan pero kahit anong gawin ko hindi talaga sya mawala sa isip ko. May kakaiba akong naramdaman sa yakap nya kanina. Hindi ko maipaliwanag subalit nakaramdanm ako ng pagkamiss sa yakap nya nayon. Nayakap ko na ba sya dati? at yung titig nya sakin yung mata nya parang nakita ko na sya noon.
.
.
Hayss ewan kaya mas kikilalanin kopa sya ng lubos hindi ako titigil. Habang nag iisip ako ng malalim hindi ko namalayan na naidlip na pala ko.
.
.
.
.
Nagising lang ako ng may biglang nagsindi ng ilaw sa kusina kaya bumangon ako. Dahan dahan akong naglakad papunta sa kusina nakabalot pako ng puting kumot dahil malamig. Nakita ko si Thap na kumukuha ng pagkain mukhang nagutom.
.
.
.

"THAP". tawag ko sa kanya.
.
.
.
Dahan dahan pa itong lumingon sa akin na parang nakakita ng multo.
.
.
.
"AY SH*T ANAK NG.... VLAD?".
.
.
magugulatin pala talaga tong si Thap, halos muntik na nyang maibato sakin ang kutsarang hawak nya.

".. DIBA UMUWI KANA? ANU PA GINAGAWA MO DITO? AT SAKA DITO KA TALAGA SA SALA NATULOG? SERYOSO KA TALAGA JAN?" tanong nito sakin.
.
.
.
Pano ko uuwi ea ang lumakas nanaman ang ulan eto tlaga oh.
..
.
.
"NO, IM SORRY NAIDLIP KASI KO KANINA KAYA DIKO NAPANSIN YUNG ORAS, AND NAGISING LANG AKO KASI MAY NARINIG AKO NA MAY NAGHAHALUNGKAT SA KUSINA SO TININGNAN KO KUNG SINO. AND YEAH SANAY AKO MATULOG SA SOFA, KAHIT SAAN". Paliwanag ko kay Thap. Mejo naseryoso ang kanyang mukha sa oras nato.
.
.
.
"GUSTO MO KUMAIN? MAUPO KA DITO KUKUHANAN KITA NG PAGKAIN, SAMAHAN MOKO AND MAY GUSTO LANG AKONG PAG USAPAN." Anyaya sakin ni Thap.
.
.
.
Mukhang mahohotseat ako ng di oras ah. Sinunod ko nalang sya kaya naupo ako sa tapat ng upuan nya. Maya maya nilapag na nya ang pagkain sa harap ko. Nung una tiningnan ko lang ito at saka tumingin kay Thap. Umupo nadin sya at sinimulan ng ulit na kumain. Nababalot ng katahimikan ang paligid bukod tanging mga patak ng ulan lamang ang nadidinig naming dalawa.

"NAPAPANSIN KO NA NAPAPADALAS ANG PAGPUNTA MO DITO? DIBA SAPAT NA YUNG PAGTULONG MO SAKIN NA MADALA KO SA HOSPITAL, IKAW NA YUNG GUMASTOS NG LAHAT LAHAT. PERO BAKIT HANGGANG NGAYON PATULOY PADIN ANG PAGTULONG MO SAKIN. HINDI NAMAN KITA KILALA,BAKIT BIGLA KA NALANG SUMULPOT SA BUHAY NAMIN? SINO KABA TALAGA VLAD?" bigla akong natigil sa pagsubo ng pagkain ng marinig ko sa kanya yon.
.
.
.
Tiningnan ko sya at ganun din sya na nakatingin sakin. Walang ekspresyon na makikita sa kanyang mukha. Hindi ko alam kung ano yung isasagot ko sa kanya kaya nayuko nalang ako.
.
.

"UULITIN KO YUNG TANONG KO, SINO KABA TALAGA?" nakakapressure nato ah.
.
.
.
Tandaan mo Vlad pamamahay nila to kaya umayos ka, yan nalang ang nasabi ko sa sarili ko.
.
.
.
"PASENSYA KANA, KUNG.. BIGLA BIGLA NALANG AKONG SUMULPOT SA BUHAY NYO.. PERO DI KO DIN ALAM KUNG BAKIT." ito nalang ang naging paliwanag ko sa kanya.
.
.
.
Wala din talaga akong maisip pero totoo hindi ko din talaga alam kung ano nagtulak sakin na kilalanin ka Thap. Nagulat pako ng biglang tumayo si Thap dala dala ang kanyang pinagkainan at nagtungo sya sa lababo. Pagkatapos niyang hugasan ang pinggan ay patungo na sya sa kanyang kwarto pero bago paman sya umakyat ng hagdan ay napansin kong huminto ito.

"PAGKATAPOS MO DYAN, PAKILAGAY NALANG SA LABABO YANG PINAGKAINAN MO. BUKAS KO NALANG HUHUGASAN YAN." Seryosong sambit sakin ni Thap.
.
.
.
Tumango nalang ako bilang pag sang ayon.
.
.
"ISA PA, KUHANIN MO NALANG YUNG KUMOT AT UNAN MO DITO SA SALA AT SUMUNOD KA NALANG DITO SA KWARTO PARA MAKATULOG KA NG MAAYOS. DI NA TITIGIL YANG ULAN KAYA BUKAS KANA UMUWI." Nagulat ako sa narinig ko kaya napatingin ako sa kanya pero dumiretso na sya sa kanyang kwarto.
.
.
.
.
Akala ko galit sya sakin. Kaya napabuntong hininga nalang ako at napangiti , agad naman akong tumayo at hinugasan ko na agad ang pinagkainan ko. Nakakahiya kung sa kaniya ko pa pahuhugasan syempre. Kinuha ko na din ang Kumot at Unan na ginamit ko at agad nadin akong sumunod papunta sa kwarto ni Thap.

****************************************
Please dont forget to Comment, Vote, and Share.

MY LONG LOST BESTFRIEND : Love & LiesWhere stories live. Discover now