(THAP'S POV)
Kinagabihan nagtungo na nga kami ni Vlad sa Bar kung saan kami nagkita noon.
Magkasabay na kaming dalawa dahil sa amin na din sya nanggaling. Hindi ko alam kong planado nya un dahil akalain nio may dala tlaga syang damit kaya sa bahay nadin sya nagpalit ng damit.
Pagdating namin sa mismong loob ng Bar ay nakita na namin sila at mukhang kami nalang din ang hinihintay. Nagpaalam na muna ko dahil kanina pa ko na jijingle. Papunta ko ng Cr ng may biglang bumunggo sakin na babae.
.
.
"Sorry, sorry.."paghingi ko ng paumanhin sa kanya.
.
.
Maganda sya at mukhang mayaman. Nang matingin sya sakin ay sinamaan nya ko ng tingin at ang taray ng mukha nya.
.
.
"Are you blind? (Tiningnan nya ko mula ulo hanggang paa.)"
.Aba? Grabe sya ah. Humingi na nga ako ng sorry ee. Kung makatingin naman tong babae na to. Para naman akong lalamunin.
Agad naman na umalis ang babae at ako naman ay nagpunta na ng Cr.
.
.
Pagkatapos kong mag Cr ay bumalik na din ako agad kung nasaan ang mga kasama ko.
Kita ko ang saya ng bawat isa. Inuman at kwentuhan, tawanan at halakhakan ang nagaganap sa oras nato. Medyo nakakailang bote na din ako at medyo tinatamaan nadin ako. Si Tim at Lex naman sila ang pinaka maingay dahil lasing na din ang mga ito pero sa tingin ko naman kaya pa nila dahil tlagang ganyan lang tlaga sila , medyo binawal ko pa sila dahil nga sa sobrang ingay. Si Hunter naman at Bryan ay tahimik lang pero nakiki jamming din sila kahit papano. Si Vlad ay ganun din, tahimik lang tlaga silang tatlo kabaligtaran naman ng mga kaibigan ko.
.
.
"Oyy, maiba naman tayo... kanina pa kami kwento ng kwento dito kayong dalawa tahimik lang." Tanong ni Tim samin ni Vlad Siniko ko pa si Tim para tumigil na ito sa kasasalita subalit hindi naman ako pinansin.
.
.
" Bakit ba? Hahaha. Kamusta naman kayong dalawa, kayo naba?" Nabigla naman ako sa tanong ni Tim. Hindi ako ready sa tanong nayon ah.
.
.
"Tim.. anu ba?" Saway sa kanya ni Lex.
.
.
" Bakit? Wala naman masama sa tanong ko ah. Kanina nakita kita kila Thap, tapos ngayon sabay pa kayong dumating. Anu paba iisipin ko diba. Ako lang ba yung nakakaramdam dito hahah. Pero anuman ang maging sagot nyong dalawa. Walang problema sakin. Masaya ako para sa inyo ok . Hahah Kaya CHEEERRRSSSS!!.". nailing nalang ako na may kasamang ngiti dahil sa sinabi ni Tim. Sabay sabay namin itinaas ang aming mga baso na may lamang beer at nag Cheers kaming lahat.
.
.==
Maya maya habang nagkakatuwaan kami ay may lumapit na isang babae kay Vlad. Namumukhaan ko ang babae na ito, sya yung babaeng nakabangga sakin kanina na mataray. Anu naman kaya ang ginagawa nya dito??
.
.
"Red...." sambit ng babae.
Kilala nya si Vlad? At tinawag pa nya ito sa totoo nyang pangalan. Sino ba sya?
.
.
" Nicole? Why are you here?" Sambit naman ni Vlad. Lumapit ang babae na nagngangalang Nicole kay Vlad at lumapit ito sakin at pinatayo ako dahil katabi ko si Vlad
.
.
.
" Excuse me. Pwede ba don kana umupo sa kabilang chair. Gusto kong makausap si Red." Aba. Inutusan pa ko ng babaeng ito. Kala mo naman binili nya ang upuan nato at ang bar kung makapag utos. Gentleman naman ako kaya tumayo nalang ako pero sa totoo lang hindi nya deserve ang pagiging gentleman ko dahil sa attitude nya. Sa tabi nalang ako ni Bryan naupo medyo nahihiya pa ko kasi hindi ko naman masyadong close si Bryan dahil madalang ko lang syang makabonding hindi kagaya ni Hunter na madalas kasama ni Vlad.
.
.
"I miss you Red, hindi ko akalain na dito tayo magkikita ulit. Kamusta kana?" Kung makapag tanong naman to kala mong walang mga kasama sa table.
Hindi lang pala maarte to haliparot din (sorry for the word) pano kung makapalupot kay Vlad kala mong pinaglihi sa Ahas.
Kita ko naman sa mukha ni Vlad ang pagtataka at pagkalito. Sino ba kasi tong babaeng to.
.
.
"Okey ka lang?" Tanong sakin ni Bryan. Nagulat pako ng magsalita ito, titig na titig kasi ko sa dalawa, yung mga kasama naman namin walang pakialam mukhang enjoy na enjoy pa sa nakikita.
.
.
"Im okey.. thank you. Ahmf Sino ba yon? Kilala mo ba sya?"tanong ko kay Bryan.
Huminga muna ito bago sumagot sa tanong ko.
.
.
"Si Nicole yan, ex ni Vlad. Ewan ko ba kung bakit andito yan. Matagal na namin hindi nakikita yan." Sagot sakin ni Bryan.
Ex ni Vlad? So nag ka Gf pala sya.. pero sa tingin ko hindi boto si Bryan sa Nicole nato para kay Vlad.
.
.
.
"Bakit sila nagbreak?" Muli kong tanong kay Bryan.
.
.
"Masyadong pursigido yang si Nicole, actually ayaw talaga sa kanya ni Vlad. Sya lang ung pilit na lapit ng lapit. Kung tatanungin mo kung bakit naging sila. Hindi ko din alam basta isang araw nalaman nalang namin na sila na. Ganun kabilis." Paliwanag sakin ni Bryan. Ganun pala. Napaka easy to get naman nitong si Vlad sa kwento kasi ni Bryan mukhang sya pa ung niligawan ni Nicole.
Pero sa pagkakataon na to hindi ako natutuwa sa ginagawa ng Nicole nato kay Vlad. Hindi ko alam pero hindi talaga nakakatuwa.
Masyado kung makadikit kay Vlad. Kulang nalang ipagsanib ang katawan nya kay Vlad.
.
.
" Hey boy, ubos na yung drinks pwede ba kumuha ka nang may mainom kayo hindi yung ako pinag uusapan nio.. Oww. Hey Bryan. Ikaw pala yan." Sambit ng babaeng ito at inutusan pa talaga ko . Naiinis na talaga ko.. Hindi ko alam pero parang nag seselos na ko sa pinag gagagawa ng Nicole nato kay Vlad. Eto namang Vlad nato hindi makapalag. Siguro dala ng kalasingan pero bakit wala man lang syang ginagawa. Hindi ko alam kung nagugustuhan ba nya tong ginagawa sa kanya. Wala man lang kareareaksyon ang pagmumukha nakatingin lang sya dito sa babaeng to. Bakit ganito nararamdaman ko. Hindi naman dapat ako nag seselos pero bakit nasasaktan ako sa nakikita ko.
.
.
.
" Thap? Okey ka lang yung sisig naging giniling na bro." Saad sakin ni Bryan. Hindi napansin na gigil na gigil kong tinatadtad ng kutsara ang pulutan naming sisig.
.
.
.
" Okey lang ako, pasensya na..". Sagot ko kay Bryan at binitawan ko na ang kutsara na hawak ko.
.
.
.
Maya maya nagulat kami lalo na ako sa ginawa ni Nicole. Bigla nyang hinalikan si Vlad sa labi.. as in sa Labi. Talaga? Akala ko ba break na sila? Pero bakit gustong gusto ni Vlad na hinahalikan sya ng babae nato. Hindi ko na gusto tong nakikita ko. Akala ko mag eenjoy ako sa gabing ito. Inaasahan ko na masaya kaming magbobonding na magkakaibigan pero ano tong nakikita ko. Hindi ako natutuwa.
Gusto ko ng umuwi.. naiinis ako.. may parang tumutusok sa puso ko na sa sobrang sakit hindi ko na makakayanan na kimkimin pato pero... pero.... ano nga ba ang dahilan?? Ea wala naman kami ni Vlad? Hindi naman kami? Pero .... Bakit ako nasasaktan? Bakit ganito nararamdaman ko...
YOU ARE READING
MY LONG LOST BESTFRIEND : Love & Lies
Teen Fiction"WALANG PERMANENTE SA MUNDO" yan ang paniniwalang ponanghahawakan ni Thap/Phatt ng minsan syang iwanan ng kanyang Childhood Bestfriend na si Vlad/Red na nangakong hindi sila maghihiwalay nito. This is not a typical Story between the two person na n...