Love & Lies: Episode 9(3/4)

140 2 0
                                    


(THIRD PERSON'S POV.)

*on the phone

"Hello tita,....yes... nagkita na kami ni Red but he lefts me para sundan ung lalaking yon but dont worry tita ako na bahala dito i assure you na hindi na makakalapit pa ung lalaking yon kay Red..... okey tita bye."

* end of call
===

(THAP'S POV.)

Lumabas na kami ng RestRoom ni Bryan at pinuntahan namin ang mga kasama namin, wala nadin don ung babaeng haliparot na yon. Diko alam kung saan na nagpunta, mas okey nga na umuwi na sya para diko na makita.
Tamang tama pagdating namin sa pwesto namin ay nagising nadin ang tatlo.

"Ohh, ano kaya nyo pa? Tumayo na kayo jan, uuwi na tayo. Ang lakas nyong mag aya tapos ang hihina nio pala."sambit ko sa kanila.

"Teka ano ba nangyari? Asan na yung babae dito kanina? Nawala na?"tanong ni Hunter habang nag iinat ng katawan. Kala mo naman hindi lasing.

"Wag mo ng hanapin, umuwi na yon. Oh sya tara na ihatid kana namin sa sasakyan mo, kaya mo bang magdrive?"tanong ni Bryan kay Hunter. Sa tantya ko naman mukhang kaya naman mag drive nito.
Pero yung dalawa kong kasama mukhang hindi. Kaya naisipan ko na ipasabay nalang kay Hunter tutal magkakalapit lang din pala sila ng bahay. Ako lang ang naiba ng lugar sa kanila.

"Hunter, ikaw na bahala sa dalawa na yan ah. Dahan dahan ka lang sa pagddrive okey?."pakisuyo ni Bryan sa kanyang kaibigan. Agad naman na itong umalis para ihatid ang dalawa kong kaibigan.

Naiwan kaming dalawa ni Bryan sa labas ng Bar.

"So pano? Okey kana?"tanong sakin ni Bryan.
Hindi ko alam kung okey na ko.
Hindi ko masabi.
Nasa utak kopa din kasi yung kaganapan kanina. Kung pano magpalitan ng laway yung dalawa.

"Gusto ko na din umuwi, mag aabang nalang ako ng sasakyan, ikaw ? Dika paba uuwi?"tanong ko naman sa kanya.
.
.
"Hmmm. Puntahan ko pa si Vlad. Subukan ko syang kausapin. Hmm pano ihatid na muna kita sa sakayan para makapag pahinga kana din."alok sakin ni Bryan.
.
.
"Hindi na ayus lang ako. Puntahan mo nalang sya. Sige na.."sambit ko sa kanya.

"Sige ganito nalang tawagan ko nalang yung kaibigan ko na grab driver para pick upin ka dito. Okey.. sige wait lang.." kinuha ni Bryan ang Phone nya at tinawagan ang kaibigan nya. Mabilis naman itong makipag usap at mukhang pumayag naman ito.

"In a minute papunta na daw sya, kaya hintayin nalang natin."habang naghihintay kami ay may biglang tumawag kay Bryan.

"Hello? Whos this?,..... sino??. Okey okey wait lang."

" Ahmf Thap, pasok lang ako sa loob sandali may naghahanap daw sakin. Dyan ka lang ah. Babalik ako. Okey"paalam sakin ni Bryan at mabilis na pumasok sa loob ng Bar.

Hindi din nagtagal ay may humintong sasakyan sa harap ko. Mukhang ito na nga ung kaibigan ni Bryan. Ibinaba ng driver ang salamin ng kanyang sasakyan. Hindi ko maaninag ang mukha nya dahil medyo madilim at nakafacemask pa ito.

"Sir kayo po ba si Thap?.. ako na po yung maghahatid sa inyo pauwi.. sakay napo kayo."sambit nito sakin.

"Ah kuya wait lang hintayin lang natin si Bryan pumasok lang sa loob saglit ok lang ba?"paliwanag ko dito.

"Bryan?... ah oo.. pero ang sabi nya wag mo na daw syang hintayin kakatawag lang sir sakin. Kaya sumakay napo kayo para di tayo gabihin."sambit ng lalaki..

Ang sabi sakin ni Bryan hintayin ko daw sya tapos ngayon wag na. Ang gulo kausap non. Haysss pagod nadin naman ako at gusto ko ng magpahinga. Kaya sumakay nalang ako sa sasakyan para makauwi na ko. Di din nagtagal umandar na din ang sasakyan at mabilis na pinatakbo ang kotse.

MY LONG LOST BESTFRIEND : Love & LiesWhere stories live. Discover now