(THROWBACK PART 2)
*kinabukasan*Sumapit na nga ang kaarawan ni Red, maaga syang nagising upang puntahan si Phatt, excited na excited si Red. Pababa palang sya ng hagdan ng masalubong nya ang kanyang Ate Sammy na may dala dalang Maleta, nagtataka ito kaya di sya nag atubili na tanungin nya ang kanyang Ate.
"ATE BAKIT MAY MALETA KANG DALA? SAAN KA PUPUNTA?. ASAN SILA MOMMY AT DADDY?" Sunod sunod na tanong ni Red sa kanyang ate subalit patuloy lang ito sa paglakad palabas ng pinto.
Kaya tuluyan ng bumaba si Red upang sundan ang kanyang ate. Pagkalabas ng bahay ni Red ay nakita nya ang kanyang Mommy at Daddy na may kausap na isang Lalake. Wala syang kamalay malay sa mga nangyayari. Maya maya nilapitan na sya ng kanyang Mommy.
"ANAK, BUTI GISING KANA, ALAM KO EXCITED KA SA BIRTHDAY MO, KAYA MAGPACK KANA NG MGA GAMIT MO DAHIL DOON NATIN ICECELEBRATE ANG BIRTHDAY MO SA BAGO NATING BAHAY. DONT WORRY MAY SURPRISE KAMI NG DADDY MO SAYO NA ALAM KONG MATUTUWA KA.. OKEY? SIGE NA PACK YOUR THINGS NA MY SON."
Hindi alam ni Red kung ano ang mararamdaman nya sa oras nayon. Wala syang idea kung ano ang nangyayari.
Oo excited sya sa birthday nya dahil sa wakas may kaibigan na sya na makakasama nya sa pag celebrate ng birthday nya. Subalit ang lahat ng iyon ay masisira dahil lilipat na sila ng bahay.
Gustong puntahan ni Red si Phatt subalit hindi na sya pinayagang lumayo kahit subukan man nyang tumakas pero di na nya magawa. Nakaupo lamang sya sa isang tabi habang inilalagay ng kanyang Ama ang kanilang gamit sa sasakyan.
"ANAK, RED? HALIKA NA.. MALAYO LAYO PA YUNG BYAHE NATIN. PARA DI TAYO GABIHIN." ani ng kanyang Ina.
Kaya habang papalayo ang sasakyan kung saan sila nakasakay, hindi mapigilan ni Red ang maluha at tanawin ang ilog na kung saan lagi silang nagkikita ni Phatt. Wala na syang nagawa kundi sumunod sa desisyon ng kaniyang mga magulang.
***********************
Nang hapong iyon ay masayang nag lalakad si Phatt patungo sa bahay nila Red. Nang malapit sya sa bahay ay napansin nya na parang walang katao tao, ni anumang ingay ay wala ayang naririnig. Pagdating nya mismo sa harap ng bahay ay nakasarado na ito at ni kahit anong anino ng tao ay wala syang nakikita dito."BATA.. ANU GINAGAWA MO DYAN? WALA NG TAO DYAN UMALIS NA SILA KANINANG UMAGA." Nagulat pa si Phatt ng biglang may lumapit sa kanyang isang lalake na syang care taker ng bahay at sya din ang kausap ng Mommy at Daddy ni Red bago sila umalis.
"LUMIPAT NA SILA NG BAHAY IHO AT HINDI NA BABALIK" dugtong pa nito.
Tulala at maluhaluhang umuwi si Phatt, hindi nya maunawaan kung bakit ganun nalang amg sakit na naramdaman nya ng umalis sila Red. Si Red lang ang bukod tanging bata na nakakausap nya at higit sa lahat si Red ang Bestfriend nya subalit iniwan sya nito at umalis ng walang paalam.
Nang gabing iyon ay hindi na muna umuwi si Phatt, bagkus tumambay muna sya sa paborito nilang tambayan ni Red."NAPAKADAYA MO NAMAN RED,... SABI MO SAKIN AKO YUNG KASAMA MO SA KAARAWAN MO, NANGAKO KA SAKIN NA HINDI MO KO IIWAN, PERO BAKIT KA UMALIS?, BAKIT MO KO INIWAN..." sinabi nito sa kanyang sarili habang bumabato sya ng mga maliliot na bato sa ilog.
Hindi nya maiwasan na maiyak nalang dahil sa hindi malamang dahilan.Magdamag na hindi nakatulog si Phatt kakaisip kay Red , hindi nya maintindihan ang nararamdaman nya ngayon at ganun nalang sya naapektuhan sa pag alis ng kanyang kaibigan.
Ilang araw ang lumipas subalit kita padin sa mukha ni Phatt ang lungkot at pag aalala sa kanyang matalik na kaibigan. Pati ang kanyang mga magulang ay nag aalala nadin sa kanya..
Dahil wala na syang ibang inisip kundi balikan ang mga alaala nilang dalawa ni Red....
**************************
YOU ARE READING
MY LONG LOST BESTFRIEND : Love & Lies
Teen Fiction"WALANG PERMANENTE SA MUNDO" yan ang paniniwalang ponanghahawakan ni Thap/Phatt ng minsan syang iwanan ng kanyang Childhood Bestfriend na si Vlad/Red na nangakong hindi sila maghihiwalay nito. This is not a typical Story between the two person na n...