*Ang nakaraan:
(Nakabalik na ng school si Thap, subalit kailangan niyang bumawi sa lahat ng subjects nya. Kaya naman hindi sya nakakasama sa mga lakad ng kanyang kaibigan.
Nang makauwi si Thap ay di inaasahan na magkita sila ni Vlad sa kanilang bahay. Nagkausap silang dalawa subalit hindi natuwa si Thap ng tanungin siya ni Vlad about sa kanyang Papa.)(THROWBACK 2010)
(SOMEONE'S POV)
Simula ng umalis si Red halos hindi na makitaan ng saya ang mukha ni Phatt, halos araw araw nagtutungo ang batang si Phatt sa Ilog at nagbabaka sakali na Babalik pa ang kanyang Kaibigan. Subalit halos taon na ang lumipas nawalan na ng pag asa si Phatt na babalikan pa sya ng kanyang Kaibigan.
Hanggang sa nagkaroon na sya ng Kapatid na lalake si Fred. Simula ng ipinanganak si Fred ay halos wala ng mapadsilan ng kasiyahan si Phatt dahil sa wakas ay bukod sa may kapatid na sya, mayroon nadin syang makakalaro. Si Fred na halos ang nakakalaro nya kaya habang tumatagal ay bumabalik na ang sigla ni Phatt.
Lumipas ang ilang taon habang lumalaki na ang dalawang magkapatid ay mas lalong lumalaki din ang mga gastusin ng kanilang pamilya at dahil sa hirap ng buhay sa Probinsya , at dalawa na sila ni Fred na binubuhay ng kaniyang mga magulang at buntis pa ang kanyang Mama , iyon nga ay si Charles, ay napagdesisyonan ng Papa ni Phatt na makipag sapalaran sa Maynila upang doon maghanap ng trabaho.
Mahirap man para sa kanila na malayo ang kanilang Papa subalit pinaliwanag naman ng maayos ng mga magulang ni Phatt kung bakit kailangan pa lumuwas ng Maynila ng kanyang Papa.
Ilang linggo na ang nakalipas ng makaalis ang Papa ni Phatt. Unti unting umaayos ang buhay nila dahil nakahanap ng magandang trabaho ang Papa nila, nakapag pagawa nadin ito ng bahay subalit malayo na ito sa dati nilang tinutuluyan (ito nga yung kasalukuyan nilang tinitirhan). Lumabas nadin sa sinapupunan ng kanyang Mama si Charles. Malayo man ang kanyang Papa subalit patuloy padin ang pag suporta nito sa kanila. Napakasipag mg kanyang Papa kaya naman lahat ng kailangan nila ay naibibigay nito sa kanila.
Makalipas ang ilang linggo pagkatapos maipanganak si Charles ay may isang pangyayaring hindi inaasahan ng kanilang Pamilya. May dumating na sulat galing sa pinapasukang trabaho ng kanilang Papa. Ayon sa sulat, Natagpuang nakahandusay ang kanilang Papa sa harap ng tinutuluyan nitong bahay. Wala ng buhay at may tama ng baril sa ulo.. Hindi makapaniwala ang kanilang Mama sa sinapit ng kanilang Papa. Ganun din si Phatt dahil nasa wastong gulang nadin naman ito kaya alam nya ang nangyari sa kanyang Papa.
Inuwi ang labi ng kanyang Papa sa kanilang bahay at hanggang sa nailibing na ito. Lubos ang pagdadalamhati ng kanilang pamilya pero wala naman kamalay malay ang dalawang kapatid ni Phatt dahil mga bata pa lamang ito at di pa nila nauunawaan ang sinapit ng kanilang Papa.
Makalipas ang ilang buwan mula ng mailibing ang kanilang Papa patuloy padin silang namumuhay, nakapag hanap ng magandang trabaho ang kanilang Mama kaya naman natutustusan nito ang kanilang pagaaral hanggang sa kasalukuyan. Subalit hindi padin nila nakakamit ang hustisya ng pagkamatay ng kanilang Papa kaya patuloy padin itong iniimbestigahan hanggang ngayon sa kasalukuyan.=End of Throwback=
*****************************************Pasensya napo kayo mga dzaiii, Throwback lang kasi kaya mabilis lang ang episode nyan.
Enjoy po
YOU ARE READING
MY LONG LOST BESTFRIEND : Love & Lies
Teen Fiction"WALANG PERMANENTE SA MUNDO" yan ang paniniwalang ponanghahawakan ni Thap/Phatt ng minsan syang iwanan ng kanyang Childhood Bestfriend na si Vlad/Red na nangakong hindi sila maghihiwalay nito. This is not a typical Story between the two person na n...