LOVE & LIES EPISODE 7(2/4):

165 6 0
                                    


(THAP'S POV.)

Bakit sa ganito pa... bakit sa ganito pang pagkakataon ko sya makikita...
.
.
.
Yung Vlad na nagligtas sakin, yung Vlad na tinanggap namin sa aming pamilya...
Sya si Red Mendez.... ang matalik kong kaibigan na syang nang iwan sakin at nawala ng mahabang panahon.
.
.
.
Ngayong muli kaming nagkita.. hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko.
Hindi ko alam kung kaya ko ba syang kausapin at harapin pero nandito na to.
Gusto kong malaman lahat..

"Bakit ka umalis....tanong ko sa kanya.
"Bakit mo ko iniwan?...
"Mahabang panahon kong dinadala ang mga katanungan na yan. Na hanggang ngayon wala akong natatanggap na kasagutan.
.
.
.
Ngayon kaharap na kita.. Red..... Bakit?"
Dagdag ko pa dito.

Nakayuko lamang si Vlad, alam kong narinig nya ang bawat salitang lumabas sa aking mga bibig. Hindi naman sya siguro bingi para hindi nya madinig lahat ng yon kaya Naghihintay padin ako ng kasagutan nya.
.
.
Tumingin lamang ito sakin.
.
.
.
"Patawarin mo ko, alam kong nasaktan kita noon dahil sa bigla kong pag alis. Pero eto na yung pagkakataon para maipaliwanag sayo lahat.. " ramdam ko sa bawat salita na kanyang binibitawan ang pagsisisi.
.
.
.
"Masakit para sakin na iwan ka,... oo mga kabataan pa tayo non pero masakit para sakin na lumayo sayo.. wala akong nagawa dahil sila mommy at daddy ang nagdecide na lumipat kami ng bahay."
Kita ko sa kanyang mga mata ang pagsusumamo.
.
.
Medyo garalgal nadin ang kanyang boses dahil sa emosyon na nararamdam nya. Pero hindi ako nagsasalita sa oras nato dahil gusto kong marinig lahat ng mga paliwanag nya sakin.
.
.
.
"Walang oras, araw, buwan at taon na hindi kita iniisip. Noong nagkaroon ako ng pagkakataon na bumalik sa dati naming bahay.. una kong pinuntahan ang ilog kung saan tayo madalas magkita.."
.
.
Totoo batong naririnig ko mula sa kanya? O nagsisinungaling nanaman to. Pero may naalala ko. Na minsan akong bumalik sa ilog ay may nakita akong isang bulaklak subalit lanta na ito dahil siguro sa tagal na ng bulaklak doon.
.
.
"At umaasa na magkikita muli tayo doon. Halos inabot nako ng umaga subalit hindi ka dumating kaya nagpasya akong lisanin na yon at bumalik sa syudad"
Patuloy lamang sya sa kanyang paliwanag.
.
.
.
"Pero hindi padin ako nawalan ng pag asa. Hanggang sa nag highschool ako at ngayon na college na ko hindi ako tumigil na hanapin ka..."diko alam pero luha na yung tumutulo sa mga mata ko.. Diko alam kung galit pa ba tong nararamdaman ko para sa kanya.

"Ngayong natagpuan na kita,...sa di inaasahang pagkakataon. Phatt, yung mga pangako ko noon sinisigurado ko sayo na tutuparin ko na lahat ng iyon."

Masaya nyang tinuran ang huling salita nyang binitawan sakin.

"Kaya please, im sorry.....Phatt. Alam ko malaki ang pagkukulang ko sayo, Gusto kong.... gusto kong bumawi sa lahat. Kaya sana mapatawad moko." Pagsusumamo nya sakin.
.
.
.
.
Matagal na panahon ang nakalipas, madami ng nagbago. Kung ano man yung mga napagdaanan ko, nakalimutan ko na kung anuman yung nangyari noon. Ang gusto ko lang talagang malaman sa kanya kung bakit sya umalis, bakit nya ko iniwan ng hindi man lang nagpaalam sakin. Siguro sa mga sinabi nya nayon, sapat na yon para maliwanagan ako. Kaya din siguro hindi ko na makuhang magalit pa sa kanya.

================

(THAP'S POV)
.....
Sa pagkakataong ito, kasabay ng pagtigil ng aking mga luha ay gayundin ang pagtigil ng malakas na ulan.
Malinaw sakin lahat ng sinabi sakin ni Vlad, ni Red.

Maya maya dumating si Tim kasama si Lex at sila Dan.

"Thap?? Ok ka lang? "Tanong sakin ni Tim

Kita ko sa mukha nila ang pagtataka dahil wala silang idea sa mga nangyayari.
.
.
.
Pero hanggang ngayon gulong gulo padin ang isipan ko kaya naman napagpasyahan kong umuwi na at gusto ko na din magpahinga.
Kaya nag abang nako ng Taxi at sumakay nako dito.
.
.
.
.
Medyo may kalayuan din naman ang aming bahay sa syudad kung saan ang bar na pinuntahan namin. Habang nasa byahe ako hindi ko maiwasan ang matulala at pagmasdan ang mga nadadaanan namin.
Sinabayan pa ng soundtrip ni kuya, diko alam pero napapangiti nalang ako agad.
Sa dinami dami ng kantang maipplay yung kanta pa ng Silent Sanctuary na isa sa mga Favorite Band ko pa naman.
🎶🎶
Di ko maintindihan
Ang nilalaman ng puso
Tuwing magkahawak ang ating kamay
Pinapanalangin lagi tayong magkasama Hinihiling bawat oras kapiling ka.

MY LONG LOST BESTFRIEND : Love & LiesWhere stories live. Discover now