(SOMEONE'S POV.)Nalaman na ni Bryan kung ano ang namamagitan sa dalawa. Nung una hindi matanggap ni Bryan subalit wala nadin naman itong nagawa. Pero hindi padin sya makapaniwala na magkakagusto ang kapatid nya at sa kapwa pa nya at syempre lalo't sa kapatid pa ni Thap.
*throwback
"Ang tagal nio na palang magkakilalang dalawa pero bakit hindi mo agad sinabi sakin, at ikaw naman Thap ni hindi mo man lang sinabi sakin nakakatampo ka." Saad ni Bryan.
"Hindi ko talaga sinabi sayo kasi gusto ko sa kapatid mo manggaling ayokong pangunahan. Noong nalaman ko nga yan hindi din ako makapaniwala kung tutuusin nga alam mo ba mag kaaway pa yang dalawa na yan dahil sa isang babae at ang ending sila pa ang nagka mabutihan hahaha." Ani ni Thap
"Ikaw talaga Ally, diba nagusap na tayo walang mag sisikreto sating dalawa, wala naman problema sakin kung eto yung gusto mo, pero sigurado ba kayong dalawa. Sana mapanindigan nyo yang desisyon nyo na yan." Sambit ni Bryan.
"Makinig kayo sa kanya, mga bata kayo kaya pinaaalalahanan lang namin kayo. Hindi basta basta yang pinasok ninyo. Dapat handa kayo sa anumang mga posibleng mangyari." Dugtong pa ni Thap.
"Sorry talaga Kuya Bryan, Kuya Thap, tatandaan po namin yan." Ani ni Ally.
Naging maayos ang pag uusap ng apat at sa puntong iyon ay sumama nadin ang dalawa na mag meryenda sa Milk Tea Shop.
*end of throwback
====
(VLAD'S POV)*Kinabukasan
Kinaumagahan ay nakalabas na ko ng hospital, si ate at si Bryan na ang sumundo sakin. Gusto ko daw akong sunduin nila Mommy at Daddy pero sinabi ko kay Ate na sila nalang dalawa ni Bryan. Balak pa ni Ate na sa bahay nalang muna nya ako subalit tumanggi ako. Mas okey na dito nalang ako sa condo ko para mas makapag pahinga ako ng maayos. Nag insist nadin naman si Bryan na sya muna mag asikaso sakin. Pero gusto ko sana na nandito din si Thap para mas mabilis ang pagrecover ko.
"So pano, sigurado kaba na ayaw mo sa bahay? Mas maaalagaan ka ng maayos don." Ani ni Ate Sammy habang inaayos ang mga gamit ko sa condo, nasa ibaba pa si Bryan dahil sya ang nagbubuhat ng ibang gamit.
"Im okey ate, hindi naman malala itong naging tama ko, nanjan naman si Bryan. Kung pwede nga lang sana nandito din si Thap." Sambit ko kay Ate. Medyo nalungkot ako sa pagkakataong ito. Kamusta na kaya sya, buhat kahapon wala akong naging balita sa kanya. Pero naalala ko baka magkasama sila ni Bryan kahapon.
Maya maya ay pumasok nadin si Bryan sa loob ng condo ko."Oh sya sige na.. kung hindi na magbabago yung desisyon mo. Wag ka nalang masyadong mag gagawa ah. Para hindi maapektuhan yang sugat mo. Just call me when you need help okey. Ahmmf Bryan ikaw na bahala sa kapatid ko ah. Pag may problema tawagan mo lang ako ah. Sige na... nasa labas na yung sundo ko. Maiwan kona kayo." Paalam ni Ate samin at tuluyan na syang lumabas ng kwarto at naiwan kami ni Bryan.
Abala ngayon si Bryan sa pag aayos ng gamit na dinala namin sa hospital ako naman ay nakaupo lang at hawak ang aking phone, gusto kong tawagan si Thap pero hindi ko alam ang sasabihin ko.
"Bakit di mo kasi subukang tawagan, hindi magkukusa yung cellphone mo." Biglang sambit ni Bryan habang inaayos ang higaan ko.
"Magkasama kayo kahapon diba?" Tanong ko sa kanya na agad naman nyang ikinahinto sa kanyang ginagawa.
"Oo, magkasama kami pero wag kang mag alala ..okey lang sya." Sambit nya at itinuloy lang nya ang kanyang ginagawa.
Napabuntong hininga nalang ako at tumingin sa bintana. Nakakarefresh din dito sa condo ko kahit papano bukod sa tahimik ee maganda din ang ambiance ng environment. Nakakagaan sa pakiramdam.
"Ano gusto mong kainin? Magpapaorder nalang ako." Tanong sakin ni Bryan. Tapos na kasi sya pag aayos at naupo nalang ito sa sofa.
"Ikaw na bahala, hindi pa naman ako nagugutom ee. Gusto ko nalang muna magpahinga." Sagot ko sa kanya.
"Sige, pero oorder na ko para may pagkain ka. Kainin mo nalang pag nagutom ka, uuwi muna ko hah tawagan mo nalang ako kapag may kailangan ka."
Saad ni Bryan. Tinawagan nya agad ang delivery rider para umorder ng pagkain ko. Di din nagtagal ay umalis nadin si Bryan at naiwan nako mag isa sa Condo.
Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. Nagising nalang ako dahil may biglang kumakatok sa pintuan. Tumingin ako sa orasan alas 2 na pala ng hapon.
Agad naman akong nagtungo sa pintuan at sinilip kung sino ang nasa labas.
Yung delivery boy lang pala kaya agad kong binuksan at kinuha ang mga paperbag na naglalaman na pagkain. Masyado namang balot na balot ang lalaking to hindi kaya sya naiinitan."Salamat boy" sambit ko sa kanya.
"Walang anuman." Tugon ng delivery boy.
Well bayad nadin naman yon kaya agad nadin umalis ang delivery boy at sinara ko na din ang pintuan. Pero wait. Parang pamilyar yung boses. Teka nga.....
Binuksan kong muli ang pintuan tanaw ko pa ang lalaking nagdeliver sakin sinubukan ko syang tawagin subalit hindi na ito lumingon bagkus patuloy lang ito sa paglakad at mukhang nagmamadali pa ito. Kaya naman hinayaan ko nalang din at napailing nalang ako at pumasok na sa room ko.
Nilapag ko na ang mga pagkain sa lamesa at binuklat ang mga ito. Nang kukuhanin ko na ang tupper ware sa paper bag may isang papel na nahulog, agad ko naman itong pinulot at binasa ang nakasulat.*Kumain ka ng mabuti ah, ubusin mo tong nasa tupper ware basta alagaan mo yang sarili mo. Mag iingat ka palagi. - Mr.T"
Kahit hindi pako pwedeng mag kikilos ay mabilis akong nagtungo sa pintuan at mabilis na lumabas. Tiningnan ko ang hallway kung nandoon pa yung delivery boy subalit wala nakong makita ni isang tao kaya nagpasya akong habulin sya at ng makarating ako sa lobby ng condominium ay hindi ko na sya naabutan. Nakuha kopang magtanong sa attendant ng Condominium subalit ang sagot lang nila ay umalis na daw yung nagdeliver ng pagkain ko.
Malakas ang pakiramdam ko na si Thap yun. Kaya pala balot na balot yung nagdeliver sakin para hindi ko sya makilala. Pero bakit? Bakit hindi sya nagpakilala sakin. Anu problema nya?. Kaya nagpasya nalang din akong bumalik sa kwarto ko at kinain ko nalang ang dineliver sakin. Ganun pa man bigla nalang akong napapangiti habang kinakain ang pagkaing nasa harap ko. Masyado kang nagpapamiss Thap. Panindigan mo yan..
......to be continued..
===Pasensya napo kayo medyo smooth lang muna ang story natin. Subukan ko muna kayong pakiligin sa ilang chapter then saka ulit tayo papasok sa mas Intense at kaabang abang na kaganapan.
Isa na din sa aabangan ang pagkawala ng isang main character na syang gigimbal sa buhay ng isa sa dalawang bida.
YOU ARE READING
MY LONG LOST BESTFRIEND : Love & Lies
Teen Fiction"WALANG PERMANENTE SA MUNDO" yan ang paniniwalang ponanghahawakan ni Thap/Phatt ng minsan syang iwanan ng kanyang Childhood Bestfriend na si Vlad/Red na nangakong hindi sila maghihiwalay nito. This is not a typical Story between the two person na n...