(VLAD POV)
Nang matapos kaming mag dinner nila Thap ay lumabas muna kami para magpahangin aa harap ng kanilang bahay, naiwan sa loob si Tita Rita kasama si Charles at Fred upang asikasuhin ang mga pinagkainan namin, gusto ko sanang tumulong subalit sabi ni Tita bisita daw ako kaya sila nalang.
.
.
.
Mukhang palagay naman na ang loob sakin ni Thap ganun din ang pamilya nya. Hindi na din mainit ang ulo nya sakin dahil nagkwento pa sya ng nagkwento sakin at ganun din ako. Nakukuha nadin naming magbiruan sa isa't isa, pero........
Bakit ganon... parang naramdaman ko na to dati' , ung ganitong senaryo na ang gaan gaan ng loob ko sa twing nakakausap ko sya. Feeling ko matagal na kami nag kakausap, totoo kaya ung kutob ko?.. pero di pa ko sigurado. Malalaman ko din yon. Sana nga..
.
.
.
.
.
Makalipas ang halos isang oras na pagkkwentuhan namin ay napagpasyahan ko ng umuwi, pumasok na muna kami sa loob ng bahay para magpaalam kila Tita Rita. Subalit bago pa man ako lumabas ng bahay ay biglang bumuhos ang malakas na ulan.
.
.
Kinamalas nga naman, bakit ngayon pa? Teka yung motor ko mababasa.... mabilis akong tumakbo palabas upang isilong ang aking motor at buti nalang may maliit na space sa harapan ng bahay nila Thap at doon ko muna pinarada ang motor ko. Tinulungan ako ni Thap na isilong ang motor ko. Pero sa di inaasahan biglang nadulas si Thap buti nalang walang masamang nangyari sa kanya pero nabasa ang kanyang damit."THAP... OK KA LANG?" habang inaalalayan ko sya patayo.
.
.
.
" OO OK LANG AKO, SALAMAT MEDYO MADULAS LANG TALAGA DITO HAHAHA." at nakuha pa talaga nyang tumawa ah.Nang maisilong na namin ang aking Motor ay agad naman naghubad si Thap ng kanyang damit dahil nga nabasa ito.
.
.
.
Biglang nakunot ang noo ko ng matuon ang paningin ko sa balikat ni Thap.(Throwback Memories)
(Someone's POV.)
* "Phatt.... bumababa kana jan ayan na yung malakas na ulan baka madulas kapa jan sa puno......." sigaw ni Red kay Phatt ng umakyat ito sa puno ng Bayabas dahil nasalalak ang tsinelas nito."Eto na malapit ko ng makuha saglit lang..." sambit naman ni Phatt.
"Hayaan mo na yan, magpapabili nalang ako kay Mommy ng bago. Kaya bumama kana." Subalit hindi padin nakikinig si Phatt...
at ng malapit ng maabot ni Phatt ang tsinelas ay bigla nalang nabali ang tinatapakang sanga nito kaya naman nahulog si Phatt at tumama pa ang kanyang balikat sa sanga na naputol.
Mabilis namang tumakbo si Red kung saan nahulog si Phatt, buti nalang hindi ganon kataas ang pinagbagsakan nito.
"Phaaaattt, sinabi ko na sayo bumaba kana ee. Kita mo nangyari sayo, ayan Oh dumudugo yang balikat mo, magagalit nanaman sayo si Mama mo nyan. Ok ka lang ba? Walang nabali sayo hah???.. anoo..." tarantang tanong ni Red."Teka teka... easy ka lang, ok lang ako. Malayo naman yan sa bituka oh... saka matapang ako nu kaba. Kaya wag ka ng magpanic jan." natatawang sambit ni Phatt.
"Halika kana nga sa kubo, gamutin mo na yang sugat mo, aabutan na tayo ng ulan.. ikaw kasi.."..
At nagtungo na nga ang dalawa sa kanilang ginawang kubo sa tabi ng Ilog, ginamot nadin ang sugat ni Phatt , mejo may kalaliman ito dahil sa talim ng sanga na pinagsabitan nito.
*End of Throwback
**********************************
(VLAD'S POV)
"UYY, VLAD? OK KA LANG HAHAHA, NAKO AHH. WAG MO KONG PAGNASAAN DI TAYO TALO HAHAH". Pabirong sabi ni Thap sakin, nabigla pako dahil nakatitig pako kay Thap ng oras naun.
"HAAA? WALA.. WALA.... MAY NAALALA LANG AKO.. AHMM TARA NA SA LOOB NG MAKAPAGPALIT KA,. "
natawa nalang si Thap sa tinuran ko.
.
.
.
Pag balik namin sa loob ng bahay sinalubong agad kami ni Tita Rita.
YOU ARE READING
MY LONG LOST BESTFRIEND : Love & Lies
Teen Fiction"WALANG PERMANENTE SA MUNDO" yan ang paniniwalang ponanghahawakan ni Thap/Phatt ng minsan syang iwanan ng kanyang Childhood Bestfriend na si Vlad/Red na nangakong hindi sila maghihiwalay nito. This is not a typical Story between the two person na n...