III - An Unexpected Encounter

2 0 0
                                    

🅲🅷🅰🅿🆃🅴🆁 🆃🅷🆁🅴🅴

Celestine's POV

"Nakapunta kaba sa Aurora Festival kahapon?" Tanong ng lalaking katabi ko na kanina kopa kausap.

Masaya akong nakikipag usap sa lalaking kanina ay may pagkamasungit sa akin.
Nagulat ako ng bigla niya akong kausapin kanina nang marinig niya akong kumakanta.
Wala talaga akong balak na sumagot pero alam ko sa sarili ko na napakadaldal kong tao. Nako Celestine! Hindi mo mapigilan yang bibig mo talaga kahit kailan. Inis na sabi ko sa sarili ko.
Pero there is something
with this person na hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi mag start ng conversation with him.
Lalo na ang boses niya..
It has this effect on me.
His voice is too deep that
I can't resist answering his questions. I just want to hear him talk more and more.

"Sayang nga hindi ako nakapunta e. Sobrang busy ko din kasi sa work and hindi ako nagkaroon ng time bumili ng ticket. Pero yung dalawang kapatid ko nakapunta at sobrang nag enjoy sila lalo na sa pagharana ni Arthur Nery sakanila. Nag enjoy din sila sa mga kanta ng December avenue..even Zeinab Harake is there daw..hayyy! Sayang talaga hindi ako nakapunta." malungkot na sagot ko sa tanong niya.

"Ganun ba? Sorry for asking pero ano ba work mo?" tanong niya

"I have a small business."
Simpleng sagot ko

Ayaw ko idetalye sakaniya ang buong trabaho ko lalo na hindi ko siya lubusang kilala. Ayaw ko din na magmukhang nagyayabang sa harapan niya.

"Small business? Kumusta naman ang small business mo?" Tanong niya

"Okay naman ang small business ko. Pabalik balik padin sa akin ang mga customers and clients ko. Samahan lang talaga ng sipag at tiyaga para mas lumaki pa.
Oo nga pala ikaw ba galing ka ng Aurora festival sa Clark? Curious na tanong ko

"H-ha? O-o galing ako dun. Ininvite ako ng kaibigan ko na manood kaya nagawi ako ng Pampanga." sagot niya

"Oh I see. Buti kapa nakapanood." malungkot na sagot ko

"Hmmmm..Sayang nga at hindi ka nakapanood.
Pero malay mo hindi ba magkaroon ka ng chance na makapanuod at makapakinig sakanila..
Magtiwala kalang. Naniniwala ako na kapag gusto mo ang isang bagay makukuha mo iyon. Basta magtiwala kalang." Sagot niya sakin

Ngumiti ako sa sinagot niya.

~~~
HIS POV

Our Conversation went on and on. Nakita ko nalang ang sarili ko na nakangiti at tumatawa habang magkausap kami.
I never had this kind of conversation with a complete stranger.
Her jolly personality lifts up my mood.
Ibang iba talaga yung energy niya at nahahawa ako sa energy niya na yun.
Hindi talaga ako nagsisisi na nag bus ako pauwi ng Manila. Kasi hindi ko makikilala ang babaeng ito na nagpasaya at nagbigay ng interes sa akin sa buong biyahe ko.

Maya maya lang ay tumigil bus sa isang Gas station.
May mga kasabayan kami sa bus na lumabas at tila gagamit ng comfort room.
Maya maya lang ay may mga pumanhik na may dala dalang tindang mga pagkain.
Nakaramdam ako ng gutom at gusto ko sanang bumili. Pero ayaw ko magtake ng risk na baka may makakilala sa akin.

"Miss pabili ako niyan!" Biglang sabi ng babaeng katabi ko.

Lumapit sakaniya ang matandang babae na may dalang suman at macapuno.

"Uy gusto mo ba? Share tayo?" Tanong niya sakin

Kahit gusto kong kumain at bumili ng pagkaing tinitinda ng matandang babae e hindi ko din naman makakain. hindi ko puwedeng basta basta tanggalin face mask ko. mahirap na baka makilala pa ako.

"H-hindi na. Hindi naman ako gutom thanks for asking." Simple kong sagot

"Okay pero kapag nagutom ka mamaya wag ka manghihingi ah." Pabiro niyang sagot sa akin at hindi ko napigilang hindi matawa.

Paglabas ng matandang babae ay umakyat naman ang batang lalaki na may tindang mga accessories at keychains.

"Boy pabili ako niyan." Tawag ko sa bata at lumapit sa akin.

"Bibili kaba ng accessories?" Curious na tanong ng babaeng katabi ko.

"Bibili ako ng keychain. Gusto mo ba ?"masaya kong tanong sakaniya.

"E kung ikaw magbabayad why not?" Masaya niyang sagot.

"Anong gusto mong design?" Tanong ko sakaniya.

"hmmm.. surprise me. " masaya niyang sagot

Natatawa ako habang pumipili ng keychain na ibibili sakaniya. kinuha ko ang keychain na may Strawberry at lollipop na design.

"Here." sabi ko sabay abot sakaniya

"Strawberry and lollipop? Why?" Curious niyang tanong

"Baka kasi mahilig ka sa sweets since bumili ka ng mga macapuno doon sa ale kanina.'" sagot ko

Pero ang totoo niyan she smells like strawberry and vanilla. Her smell is quite addicting.

"Hmmm..Good guess mahilig nga ako sa matatamis." sagot niya

"Ikaw naman. pampili mo ako ng keychain ko." Hamon ko sakaniya

"Ako? are you challenging me? teka ano ba gusto mong design?" sagot niya.

"Hmmm surprise me." sagot ko pabalik at saka siya tumawa

Mga ilang minuto din siya namili ng keychain pagkatapos niya mamili ay binayaran kona sa bata at hindi na kinuha ang sukli saka ito nagpasalamat.

"So ano ang napili mong design para sa akin?" curious kong tanong

Saka niya pinakita ang napili niyang design.
A guitar and a Music note. nagulat ako kung bakit iyon ang design ng key chain na napili niya.

"Why guitar and a music note?" curious kong tanong

"My instinct tells me that you must be a singer or that you love music.." simpleng sagot niya

"Why?" tanong ko ulit

"Iba kasi yung boses mo. I don't know pero nung unang beses kitang narinig parang narinig ko na yung boses mo before na hindi ko maintindihan. hahaha ang gulo ko no?"
sagot niya

"Sobrang ganda ba ng speaking voice ko na you remember someone else?"

"Instinct nga hindi ba? pero tama ba sinasabe sa akin ng instinct ko." tanong niya

"Hmmm puwede na." natatawa kong sagot

"Hmp! Napakadaya naman neto. wala man lang clue?"

"Secret." simple kong sagot

Naiiling iling nalang siya habang binubuksan ang macapuno na binili niya kanina.
Sabay tanggal sa face mask niya upang kumain.

































And then I was left speechless..










Isa Lang.. Ikaw Ra Man (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon