LV - Argument

0 0 0
                                    

Celestine's Pov

Ang tagal naman ihatid ni Chinggo si Adie sa labas. What's taking him so long?

Hindi ako mapakali habang nakaupo sa may dining area. hinihintay kong makabalik si Arthur. Sana ay huwag niyang masamain ang nakita kanina. dahil wala akong balak na maging unfaithful sakaniya.

Pagkalipas ng sampung minuto ay pumasok na si Arthur... Still wearing that serious expression.

"Mahal? Halika kumain na tayo? alam ko hindi kapa nag aalmusal." nakangiti kong sabi sakaniya

"Busog pa ako.
mauna kanang kumain."
seryoso niyang sagot habang kumukuha ng tubig sa may fridge.

"Chinggo...may problema ba?" hindi ko na matiis na tanong sakaniya

"Wala." tipid na sagot niya

"Look Chinggo, if this is about what you saw a while ago.. ipinaliwanag kona saiyo na walang malisya iyon okay? masyado lang ako natuwa sa ibinalita ni Adie na kaibigan natin okay? Wala talagang ibig sabihin iy--"

"Baka para saiyo wala lang iyon. pero para sakaniya meron! Tiyaka anong gagawin niya dito sa condo unit mo ng napaka aga tapos mag isa kalang?! Bakit ba kasi nagpapapasok ka ng ibang lalaki dito maliban sa akin?" pasigaw na sagot niya

Why is he like this? Never niya akong napag taasan ng boses noon kahit na nagkakatampuhan kami.

"Hindi lang basta bastang lalaki lang si Adie. Kaibigan ko siya, Kaibigan mo siya kaya wala akong nakikitang mali doon. Alam mo din naman na kahit noon pa sa condo unit ni Vienne e binibisita niya kami hindi ba??? Lahat naman pinapaalam ko saiyo! bakit kaba ganiyan???" naiinis kong sagot

"Hindi kapa ba natututo sa mga nangyari?
Hindi basta bastang ordinaryong tao din si Adie. Sikat na singer din siya katulad ko! kaya ano iisipin ng ibang tao kung makita nilang pumapasok dito si Adie?? Hindi pa nawawala yung issue tungkol sa nangyari dadagdagan mopa!" pasigaw niyang sabi

"Edi pati ikaw bawal din pumunta dito? ganoon ba yun?! Why is this suddenly a big deal to you? ano ba nangyayari saiyo Arthur? hindi ka naman ganiyan noon." tanong ko sakaniya

"Puwede akong pumunta dito kasi boyfriend mo ako! Wala naman nagbago sa akin Celes. saiyo may malaking pagbabago!" galit niya sabi niya

"Sakin? Ano nagbago sa akin?" Tanong ko

"Why are you being so insensitive? Hindi mo ba nakikita? Why is it always okay to you na hindi tayo nagkakasama? Bakit parang okay saiyo na ganito lang tayo? Nung lumabas yung issue...Nung sinabi kong kailangan kong ideny na girlfriend kita sa lahat ng tao... Okay lang saiyo? Why? Hindi naba ako importante saiyo?" sunod sunod na tanong niya

"I was trying to be an understanding and patient girlfriend for you Arthur. Lahat ng pagpapasensya,pang iintindi ibinibigay ko. pero akala mo ba Okay lang sa akin lahat ng iyon?
na okay sa akin na itinanggi mo ako? na okay sa akin na ibang babae ang kailangan mong palaging kasama at hindi ako? sa tingin mo ba ikaw lang ang nahihirapan? nahihirapan din ako sa sitwasyon natin! hindi lang ikaw! OO! ako ang nanghingi ng privacy sa relasyon natin. Kasi mas gusto ko na tayo lang.. walang makikialam...pero hindi ko alam na kailangan ko palang Um-oo nalang lagi para umiwas tayo sa ganitong mga away. na kailangan pikit mata kong tanggapin na ibang babae ang lagi mong makakasama sa publiko at hindi ako.
Hindi lang ikaw ang nahihirapan Arthur."

Hindi ko na napigilang maiyak.
Hindi ko din pala maitatago lahat ng ito sakaniya. We were both tired at everything.

"At hindi din madali sa akin lahat ng iyon Celestine, sa tingin mo ba ginusto kong mai- pareha ako sa ibang babae? You think nag eenjoy ako sa lahat ng iyon? Nahihirapan din ako! Lahat din ng efforts ginagawa ko para saiyo...para makasama kita...pero ewan ko ba bakit laging hindi nagtutugma ang oras natin. kung magkasama naman tayo hindi puwedeng matagal tayong magkasama! I'm tired in all of this sh*ts! Napapaisip ako na baka naman kaya ka hindi puwede sa tuwing nag eeffort akong makasama ka ay baka may iba ka nang sinasamahan? baka naman may iba kanang pinag kaka busyhan!"

WHAT DID HE JUST SAY??

"W-hat?! Are you accusing me of cheating?!" Hindi ko makapaniwalang tanong sakaniya.

"Saiyo nanggaling yan Celes. You can't f*cking blame me. You're always busy. Noon you always make time and efforts pero lately nawawalan ka ng gana makipagkita sa akin." sagot niya

"You know the answer to that. hindi ba ikaw mismo nagsabi sa akin na hindi muna tayo puwedeng magkita dahil sa lumabas na issue?!
na kailangan mag ingat tayo? Tiyaka kahit naman busy ako I always make time for you! for us!" paliwanag ko

"You're different.
Pero alam mo? tama nga na i deny kita at ang relasyon natin sa public!
Kung lagi ka din namang mag papapasok ng ibang lalaki dito sa condo unit mo mas mabuti pa ngang ----

Isang malakas na sampal ang iginawad ko sa kanang pisngi niya.
I was fuming with anger...How can he say all of those things to me? Bakit ganiyan siya mag isip tungkol sa akin?

Natigilan siya dahil sa pagsampal ko sakaniya.
I had enough of his nonsense rants and accusations.

Hindi ko napigilang mapaluhod at umiyak sa sama ng kalooban ko.
I sob and cried.

Hindi si Arthur ito...Hindi siya ganito...

"C-celes..." pagtawag niya sa pangalan ko na pakiwari ko'y may pag aalala sa tono ng boses niya.

"Celes...I'm sorry. Nabigla lang ako." sabi niya at akmang lalapitan ako.

"You should leave Arthur Nery." matigas kong sagot sakaniya at natigilan siya sa pag lapit sa akin.

"Celestine...Hayaan mo akong magpaliwanag."

"LEAVE." galit kong sabi at hindi pa rin siya nililingon.

Naramdaman ko ang pagbuntong hininga niya at pag lakad papalayo sa akin. Tiyaka ko narinig na sumara ang pintuan ng unit ko.

Hindi ko na nacontrol ang emosyon ko at umiyak nalang ako ng umiyak.
Ngayon palang kami nag away ng ganito.
Sobrang sama ng loob ko sa lahat ng sinabi niya sa akin. Ganoon ba talaga ang tingin niya sa akin? Akala niya ba ay may iba ako? na ayaw ko siyang nakakasama?

ANO NA BA ANG NANGYAYARI SA ATIN ARTHUR?

Isa Lang.. Ikaw Ra Man (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon