2 weeks has passed
And those two weeks made my life feel like a living hell.
Bumaba ang sales ng mga negosyo ko at trending pa rin ang pangalan ko sa internet. Ang malala pa rito ay may mga fans ni Arthur o Aj ang pumupunta sa dalawang branch ng shop ko at pilit akong hinahanap.
Mga fans na obsess sa partnership/loveteam nilang dalawa.Mabuti nalang at pinoprotektahan ako ng mga empleyado ko.
I'm thankful for their loyalty towards me."Bessy! Ano buhay ka pa?" Sigaw ni Vienne habang papasok ng office ko.
"Oo buhay pa naman. nandito ka ba para i make sure?" walang gana kong sagot habang hinihigop ang Matcha tea ko.
"Oo sinisigurado ko lang at hindi kana nagpapakita sakin. Hindi ba sabi ko kapag may problema ka lagi moko tawagan? E ang lala na pala ng mga ginagawa ng fans ni Arthur at Aj saiyo hindi mo pa ako sinasabihan diyan!" pqgsesermon niya
"Vienne hindi naman--
"SEE? YOU NEVER CALLED ME ON MY NAME BEFORE! IBIG SABIHIN APEKTADO KA HINDI MO LANG PINAPAHALATA!!! Hindi mo rin daw sinasagot tawag ng parents mo! Nag aalala na sila saiyo bessy!"
"Bessy please just let me--
"E ano ba kase plano ni Arthur ha? matatapos lang ito once na nag announce na siya na ikaw ang girlfriend at fiancee niya at hindi iyong si AJ!" naiinis na sabi niya
"Hindi naman kasi madali ito para kay Arthur bessy... Iniipit siya ni Sir Kian kaya---
"Bullshit! Dapat intindihin ka rin niya! Hindi yung puro ikaw ang mag aadjust sa mga desisyon niya!
Apektado na nga ang business mo at ang privacy mo tapos ikaw pa ang kailangang maghintay na i aannounce niya na?? Hindi kaba napapag---"OO NA! PAGOD NAKO!!!"
Hindi ko na napigilang hindi sumigaw sa harap niya. This frustration has been eating me from the inside for weeks now.
"Bessy---
"I'm so f*cking tired bessy...
How I wish I can tell him that I'm tired... that I'm at my worst right now." Hindi kona napigilan at kusa nalang akong umiyak. I'm too stressed about everything."Bessy."
"Ni hindi ako makatulog, Ni hindi ako makakain ng maayos. Lahat naapektuhan sa akin... Kahit mga kapatid ko binubully sa school nila dahil ako ang ate nila! Ang ate nila na akala ng iba nanlandi kay Arthur at inaagaw siya kay AJ!"
"Kumalma ka bessy---
"Hindi ko sinasagot ang tawag ng parents ko at mga kapatid ko dahil nahihiya ako! Nahihiya ako kasi kahit sila naapektuhan ng mga lumabas na articles! Lalo na ang Papa ko! Sumasama na ang loob niya sa mga nangyayari at hindi ko alam papano ipapaliwanag kay Arthur ang mga ito.
Pagod na ako bessy. Pagod na pagod na."I cried so hard. I never showed my pain to everyone. I was too scared to show them all my pain.
"Dito lang ako bessy. Hindi kita iiwan.
Iiyak mo lang lahat ng iyan okay?
Kahit hanggang bukas tayo dito okay lang. nandito lang ako para saiyo." She hugged me and let me cry.Knowing Vienne, She hates loud noises. She hates people wasting her time and she hates dramas. but she just sat beside me listening to my rants and cries.
"Thank y-you Bes-sy." Mahinang sabi ko habang nangingig pa rin ang boses dahil sa pag iyak.
"Shhhh! Bestfriend kita kaya dapat lang na present ako sa ganitong mga sitwasyon. Mahal na mahal kita at higit pa sa kapatid ang turing ko saiyo bessy." Sagot ni Vienne habang pinupunasan ang mga luha ko.
BINABASA MO ANG
Isa Lang.. Ikaw Ra Man (BOOK 1)
عاطفيةI already have everything I want. The fame,wealth,stability,a wonderful family and trusted friends around me. All I want is to sing, To show everyone what I'm capable of. Love was never on my list... UNTIL I FOUND HER.