"Celestine anak! bumangon kana diyan at sabay sabay na tayo mag almusal!"
Malakas na sabi ni Mama sa akin habang nasa may pintuan ng kuwarto ko.
"Ma anong oras na po ba? Tinanghali po ba ako ng gising? Hala! may deliveries pa ako mamaya!" Mabilis akong bumangon at nag hilamos sa may lababo ng aking banyo.
"Kumalma ka anak. alas otso pa lang ng umaga." sagot ni Mama
"Ma! gising napo ba si Ate????" Masayang tanong ni Cassie na sinundan naman ni Marga.
"Oo gising na ako bakit? anong meron?" naka kunot noo kong tanong sakanila
"Ah-eh. kakain na kasi ate. hindi ka lang ba magsusuklay o mag pu-polbo muna?" tanong ni Cassie
"E mag aalmusal lang naman bakit pa ako mag susuklay at mag pu-polbo?" tanong ko
"Ang haggard kasi ng mukha mo ate mukha kang pagod." natatawang sabi ni Marga
"Kakagising ko lang mukha na akong haggard agad? ano ba kasing meron at tatlo pa kayong nanggising sa akin." nagtataka kong tanong sakanila
"Dadaanan kasi kami ng Tita Catalina mo mamaya anak. hindi ba't ngayon yung araw na mamamasyal kami doon?" sabi ni Mama
"Ay oo nga pala no Ma? nakalimutan ko po sorry. nandiyan napo ba sila?" tanong ko
"Wala pa naman anak pero nagpahanda na ako ng almusal natin. kumain muna tayo at baka biglang dumating na ng Tita mo." sagot ni Mama
"Sige po Ma sunod napo ako." nakangiti kong sagot at lumabas na sila ng kuwarto ko.
Naisipan kong magsuklay at magtooth brush bago lumabas ng kuwarto.
Si Tita Catalina lang naman pala dadating hindi ko naman kailangan mag liptint o magkilay pa. Hindi na din ako nagpalit ng suot. Naka pantulog pa din ako na puting Tshirt na may teddy bear na design sa gitna at pranella na pajama na teddy bear din ng design.Naghihikab pa ako't nag uunat ng mga kamay habang pababa sa hagdanan.
Sobrang inaantok pa ako dahil anong oras na din kami natapos mag usap ni Arthur kanina. Hindi ko pa pala natawagan ang boyfriend ko! gising na kaya siya?
naisipan kong batiin nalang muna siya ng "Good Morning Chinggo ko. ❤️"
napakalawak ng ngiti ko habang sinesend ang text message na iyon sakaniya."Ma anu pong ipinaluto ninyong almu---"
Napa awang ang bibig ko't napakurap kurap sa nakita ko. Hindi na din ako naka galaw sa aking kinatatayuan.
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon.Nakita ko sina Vienne at JRoa na nakaupo kasalo ang aking mga magulang at mga kambal na kapatid. masaya silang nagkukuwentuhan at nagsasalo salo. Napatigil sila nang mapansin na pababa na ako ng hagdan.
"Bessy? Jroa? anong ginagawa niyo dito?"
Hindi ko makapaniwalang tanong sakanila."Bessy! Akala ko naman tulog ka pa din!
Na surprise kaba at nandito kame?" malawak ang ngiti niyang tanong sa akin."Sana'y nagpasabi naman kayo! Kaya naman pala atat na atat yang kambal na tawagin ako sa kuwarto kanina. mabuti pala't napadalaw kayo ni Jroa?" tanong ko
"Hindi ba at ipinangako ko kina Tita at Tito na ipapakilala ko si Jroa sakanila sa personal kapag hindi kami busy parehas? So heto na yun! sorry bessy hindi kita nasabihan agad. huwag kana magalit." sagot niya
"Bakit naman ako magagalit e welcome na welcome kayo dito anu ba? Tara na kumain na tayo at ang daming ipinaluto ni Mama." sabi ko sakaniya at akmang uupo na.
BINABASA MO ANG
Isa Lang.. Ikaw Ra Man (BOOK 1)
RomanceI already have everything I want. The fame,wealth,stability,a wonderful family and trusted friends around me. All I want is to sing, To show everyone what I'm capable of. Love was never on my list... UNTIL I FOUND HER.