XXVII - Apple of my eye

0 0 0
                                    

🅣🅦🅔🅝🅣🅨 🅢🅔🅥🅔🅝

Arthur's Pov

It's exactly 11pm nang ihatid ako nang producer ko sa tapat ng building ng condo unit ko.

"Remember na may photoshoot ka bukas at may rehearsal tayo ng 1 pm kaya make sure na naka set ang alarms mo." Paalala niya

"Okay I get it. Sige na at papasok na ako." Mahina kong sagot

"Okay ka lang ba?" Biglang nag aalala niyang tanong

"I'm fine masyado lang akong napagod sa rehearsals ng buong araw. Masakit lang ulo ko." Sagot ko

"Uminom ka na kaagad ng gamot mo at kumain ka huwag kang magpapalipas ulit ng gutom." Sagot niya

"Okay thank you. Pasok na ako." Paalam ko sakaniya

Akmang papasok na ako ng elevator ng tawagin ako ni Tanya... Isa sa mga receptionist ng building.

"Good evening Sir Arthur mukhang ginabi nanaman po kayo ha."

"Ah Oo eh. Marami lang ginagawa sa ngayon."

"Nga po pala Sir kaya ko po usekayo tinawag kasi po may mga pinadala nanaman pong regalo ibang fans ninyo kaninang umaga dito." Sagot niya at inabot ang mga ito sa akin

"Ang dami naman ng mga ito. Thank you ha Tanya." Nakangiti kong sagot

"Oo nga po pala Sir Arthur iyong isang box po diyan pinapabigay po ni Miss Celestine ...
Fan niyo din po. Apple pie po iyan. Napakasarap po niyan Sir kainin niyo at magugustuhan po ninyo iyan.. Binigyan niya po kami kanina ng isang box din po ng mga kasamahan ko." Masaya niyang sabi

Si Celes? Galing si Celes dito kanina?

"Talaga ba? Mukhang masarap nga. Thanks again Tanya ...mauuna na ako." Sagot ko

"You're welcome po Sir Arthur." Nakangiti niyang sagot

Pagka akyat ko sa unit ko ay kaagad kong tinignan ang box ng apple pie na ibinigay ni Celes.

Pagka akyat ko sa unit ko ay kaagad kong tinignan ang box ng apple pie na ibinigay ni Celes

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


It looked delicious like all of the desserts and foods she makes. Bigla akong natakam na tikman ito. Kaagad kong nilagay sa microwave oven at mabilis na pinainit muna ito. Ang sabi ni Tanya ay kaninang umaga pa ito pinadala ni Celes.
Now I feel guilty for acting cold towards her through call this morning.
Nagkasabay sabay lahat sa utak ko ang stress at pagod. Tinatanong ko padin sa isip ko kung bakit bigla siyang umalis ng walang paalam kaninang umaga.

Ding!

Matapos mapainit ng apple pie ay kaagad akong kumuha ng isang slice at nilantakan na ito. Its so good! Tamang tama ang tamis at creaminess sa loob ng apple pie. Hindi siya nakakasuyang kainin. Magaling talaga si Celes sa pag gawa ng desserts ... Mas napapahanga niya ako ... Napaka sarap sigurong magkaroon ng girlfriend na marunong mag luto at mag bake ... Hindi ka papabayaang magutom ... Pinagsisisihan ko tuloy na hindi kopa sinabi sakaniya na mahal ko siya ... Bakit nga ba pinalagpas kopa ang chance ko na yun kahapon?

Kaagad kong tinignan ang cellphone ko .. hoping na may mga text messages pa siyang isinend bago ko siya sinungitan sa pag uusap namin sa cellphone kanina.

Hindi ko naiwasang mapangiti nang makita ko ang isang message niya.

"Hi Arthur alam kong busy ka sa hectic na schedule mo kaya naisipang kong ihatid na lang sa building ng condo unit mo yung binake ko na apple pie para saiyo. Pasasalamat ko sa pakikinig mo sa mga kuwento ko at sa pagpapasensya mo sa mga nagawa ko nung nalasing ako. I really appreciate your concern and comfort.
I also wanted to say sorry sa biglaang pag alis ko kaninang umaga.
Honestly nabigla lang talaga ako dahil sa mga kalokohang nagawa ko nung lasing ako at sa mga naikuwento ko saiyo tungkol sa past ko.
Nahihiya akong magpakita saiyo lalo na nakita mo ang ganoong side ng personality ko. Its not something that I must be proud of. Hindi ba napaka wild at ingay ko kapag nalalasing? Hahaha asahan mong hindi na mauulit iyon and please kalimutan mona lahat ng ginawa ko saiyo kahapon hahaha.  Pero super thank you sa pag bibigay ng respeto. I salute you Arthur! SEE YOU NEXT MONTH OKAY? TAKE CARE OF YOURSELF!

Natatawa ako habang binabasa ang mahabang message niya. Kahit sa text message talaga napaka daldal at kulit niya... Pero bakit next month na kami mag kikita ? Sa pagkakaalam ko sa sunday pa balik niya papuntang Pampanga kaya may oras pako para makita siya at maamin na sakaniya na Mahal ko siya at gusto ko siyang ligawan.
Kailangan kong paghandaan iyon.
Alam kong kailan lang kami nagka kilala pero ang bilis na develop ng feelings ko para sakaniya. Kailangan kong umamin sakaniya bago siya umuwi ng Pampanga.

I already miss her. Mas namimiss ko siyang kayakap dito sa kama ko.
I miss her scent
I miss her laugh
i miss her face
I miss all of her

Sana payagan niya akong manligaw.
Dahil gagawin ko ang lahat para mapasagot siya.

Isa Lang.. Ikaw Ra Man (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon