Arthur's Pov
Hindi ko maiwasang hindi kabahan dahil kaming dalawa lang ng Papa ni Celestine ngayon sa may balkonahe nila sa 2nd floor ng bahay nila.
Ang seryoso din nang mga titig niya kanina sa akin kaya mas lalo akong kinakabahan.
Hindi kaya niya ako nagustuhan bilang nobyo ni Celes? Ayaw niya kaya ako dahil hindi ako isang simpleng lalaki lang? Iyan ang mga gumugulo sa isipan ko ngayon.
"Relax ka lang hijo. ramdam na ramdam ko na kinakabahan ka masyado." biglang sabi niya habang naglalagay ng kape sa kaniyang tasa.
"H-hindi naman po masyado." mahina kong sagot
"Gusto mo ba ng kape? o huwag na at baka mas kabahan kapa. maupo ka nalang diyan sa may sofa." sabay turo niya sa sofa na nasa harapan ng kinakaupuan niya.
Nakangiti akong sumunod sa kaniyang sinabi.
Tahimik kong kinuha ang tasa ng kape na inihanda pa rin niya. Pasimpleng humihigop dahil hindi ako makatingin sa direksyon niya."ARTHUR NERY tama ba? iyon ang pangalan mo?" tanong niya
"O-opo... Ako nga po iyon." simple kong sagot
"Gusto ko lang humingi ng dispensa sa mga nasabi ko kanina. Hindi ko naman intensyon na takutin ka kaya huwag ka nang masyadong kabahan diyan." sabi niya
"Okay lang po iyon. Alam ko naman po na gusto niyo lang po makasigurado na malinis ang intensyon ko sa anak ninyong si Celestine.
At ako napo mismo ang nagsasabi po sainyo na malinis po ang intensyon ko sakaniya at Mahal ko po ang anak ninyo." sagot koKailangan kong lakasan ang loob ko.
Kailangan kong makuha ang loob nila para kay Celes..."Alam ko naman iyon Arthur, Nakikita ko sa mga mata mo na malinis nga ang iyong intensyon kay Celestine. Pero bilang Ama niya ay hindi ko maiiwasan na kuwestyunin sa umpisa ang mga hangarin mo sa anak ko.
Alam ko din na alam mo na ang tungkol sa nakaraan niya. Kaya sana maintindihan mo na ayaw ko lang masaktan ulit ang anak ko." mahaba niyang sabi"Alam kopo iyon Tito. Hindi kopo gagawin kay Celestine iyon." sagot ko
"May tiwala ako saiyo Arthur. pero sana habang mas tumatagal ang relasyon ninyo ay hindi magbabago ang nararamdaman mo para sakaniya. Alam ko na iba ang mundo mo bilang isang sikat na Singer. hindi man ako nanggaling sa showbiz o sa industriya tulad ng sainyo pero alam ko na hindi maiiwasan na magkaroon ka ng babaeng kapareha o kaya'y maibalita ka sa ibang babae. Ayaw kong masaktan si Celes pagdating ng panahon." sagot niya
May punto lahat ng sinabi niya.
Sa industriya nga ay hindi maiiwasan lahat ng iyon. Lalo na kungi isa sikat kang singer.
Maraming babaeng didikit at magpaparamdam ng ibang intensyon saiyo. Iba talaga ang mundo ng showbiz. hindi maiiwasan lahat ng iyon."Naiintindihan ko po iyon. Totoo nga po na ganoon po kapag nasa spotlight ka.
Pero bago pa man po kami magkakilala ni Celestine ay wala na po akong interes na magkaroon ng ka relasyon o pumasok sa isang relasyon na walang kasiguruduhan.
Ewan ko po ba pero kaagad pong nahulog ang loob ko kay Celes nung araw na magkasabay kami sa bus. Masyado po akong tinamaan sa anak ninyo Tito." nakangiti kong sagot sakaniya"Hindi kita masisisi sa ganda at bait ba naman ng anak kong iyon. Maraming umakyat ng ligaw dito pero ni isa walang pumasa diyan kay Celes.
Kaya alam ko na iba ka sa lahat ng lalaking nagkaroon ng interes sakaniya. Nakikita ko din sa mga mata niya ang kasiyahan lalo na kapag nakakausap ka niya kahit na hindi kayo palaging nagkakasama." sagot ng Papa ni Celes"Ganoon din po ako sakaniya. Siya lang po ang nakapag papangiti sa akin at nakakapag pasaya sa akin ng ganito. Mahal na mahal kopo siya." seryoso kong sagot sakaniya at saka siya ngumiti
BINABASA MO ANG
Isa Lang.. Ikaw Ra Man (BOOK 1)
RomanceI already have everything I want. The fame,wealth,stability,a wonderful family and trusted friends around me. All I want is to sing, To show everyone what I'm capable of. Love was never on my list... UNTIL I FOUND HER.