L - Meet AJ

0 0 0
                                    

Arthur's Pov

I feel complete ... It still feel surreal ...
Parang kahapon lang nang makilala ko ang babaeng nagpabago ng pananaw ko sa buhay. Ang babaeng nagsilbing inspirasyon ko para mas pagbutihin ang career ko.

Our relationship is going better and better everyday. Wala na akong ibang mahihiling pa.
Hindi man kami nagkakasama lagi noon ni Celestine ay buo ang tiwala niya sa akin at ganoon din ako sakaniya.

Mas lalo kopang nakilala at nakasama ang pamilya niya. Napakasarap nilang kasama.
Makikita mo ang closeness sa kanilang lahat katulad nang sa pamilya ko.
Alam kong masaya ang aking Ama para sa akin dahil natagpuan kona ang babaeng gusto kong makasama hanggang sa aking pagtanda.

Naging close din lalo si Celes sa aking Ina at nakilala din niya ang aking mga kapatid.
Napaka kalog at masayahin din kasi ni Celes kaya nakuha agad niya ang loob ng aking pamilya.

Everything is perfect.

At mas masaya na ako dahil dito na sa Manila nag iistay si Celestine. Its been 5 months since mag open ang Branch ng Cakes and Coffees dito sa Manila. At nakikita namin na napaka successful nito. Mas nakikilala ang Shop ni Celes at Vienne. Masaya ako para sakanila, Lalo na para sa aking Girfriend na si Celes.
Patuloy niyang naaabot ang mga pangarap niya nang kasama ako.

Pero kahit napaka perfect ng relasyon namin ay kailangan pa rin namin itong gawing pribado.
Gusto ko din ingatan at pangalagaan si Celes.
Dahil hindi lahat ay magugustuhan ang balita kapag lumabas ang tungkol sa relasyon naming dalawa. Kaya mas ineenjoy namin ang mga oras at araw na nagkakasama kaming dalawa.

~~~

Ngayon ay nasa isang Bar kami ni Celes
kasama sina Adie,Zak,Jroa at Vienne.

Pinsan ni Vienne ang may ari ng Bar kaya kampante kami na walang ibang makakapasok sa VIP area ng Bar.

Naisipan naming mag celebrate para sa upcoming album ko at dahil na din sa mas lumalagong estado ng Shop ni Celes at Vienne.

"CHEERS!!!" masayang sabi namin

"Para sa patuloy na success ng Cakes and Coffees!" malakas na sabi ni Vienne

"Cheers para sa nalalapit na release ng bagong album nang nag iisang Arthur Nery!" malakas na sabi naman ni Celes

Proud na proud talaga para sa akin ang girlfriend ko. Masayang sabi ko sa isip ko.

Nagsimula na kaming tumagay at uminom ng Vodka. Mas nagiging malapit si Celes sa mga kaibigan ko lalo na kina Zak at Adie.
Sumasabay si Celes sa mga biro ng dalawa ganoon din si Vienne na napaka ingay na dahil medyo nakainom na.

Kahit ako ay medyo nakainom na din dahil sa sunod sunod na alok ni Zak nang vodka sa akin.

Maya maya lang ay bumukas ang pinto kung saan kami nakaupo at nag iinuman.

"Hi Everyone? Can I join?" Masayang sabi ng babaeng pumasok sa VIP area.

"Uy! AJ! Halika join us!" masayang sabi ni Zak at hinila si Aj para tumabi sakaniya.

"Arthur? hindi mo ba ipapakilala si Celes kay Aj?" biglang sabi ni Zak

"Yeah...Celestine this is Aj and Aj this is Celestine...my girlfriend." nakangiti kong sabi

"Oh my! Finally we meet! Alam mo ba ang daming kinukuwento ni Arthur about you?
Totoo nga ang sinasabi niya na napaka ganda mo." masayang sabi ni Aj kay Celes

"Thank you Aj ... Hindi ba ikaw yung kapareha ni Arthur sa Music Video ng HIGA? and ikaw yung anak ni Mr. Jeric Raval?" nakangiting tanong ni Celes

"Oo ako nga iyon. Nice meeting you Celestine." sagot ni Aj at inoffer ang kamay niya na masayang tinanggap ni Celes.

"Nako Celes nalang Aj, Nice meeting you too...
Ang sexy at ganda mo pala sa personal." sagot ni Celes

"Nako mas maganda ka anu kaba." sagot naman ni Aj

"By the way Celes, I invited Aj to join us kasi siya yung magiging partner ko ulit sa isang music video na kasama doon sa irerelease kong album... Nagustuhan kasi ng mga fans ang chemistry namin doon sa naunang music video." paliwanag ko kay Celes nang tumabi na siya ulit sa akin.

"Really? Nakakatuwa naman. Atleast hindi ba? magkaibigan naman kayo kaya mas kumportable kayong magkatrabaho ulit." sagot ni Celes

"Alam niyo hindi ko nga ineexpect na kukunin akong partner ulit ni Arthur. Kasi ilang taon na din nung ginawa namin yung Music video ng HIGA ... ang galing naman kasi ng kaibigan nating si Arthur e kaya sunod sunod ang mga nirerelease na music videos." dagdag naman ni Aj

"Agree ako saiyo diyan Aj. Cheers tayo? para sa upcoming project and music video ninyo ni Arthur!" Masayang sabi ni Celes at sabay sabay kaming nag cheers.

Nagpatuloy kaming lahat na magkuwentuhan at magkantahan.  Nagiging mas close naman sina Celes at Vienne kay Aj. Halos sila sila nalang din ang nag uusap. Habang kaming mga boys ay nag jajamming lang.

Maya maya lang ay nagkayayaan na silang sumayaw sa Dance floor.

Sabay na sumasayaw si Aj at Vienne na halatang mga nakainom na.

Tuwang tuwa namang nanonood si Jroa at Zak.

Si Adie naman ay busy na nakikipag usap sa isang babaeng kanina pa magpapacute sakaniya.
Hindi na talaga nagbago ang mokong nato.

At kami naman ni Celes ay masayang nag uusap.
Halata ding medyo nakainom na si Celes dahil mas doble ang kadaldalan niya ngayon.
Mukhang kailangan ko na siyang ihatid pauwi ng Condo unit niya.

"Arthur tara sayaw tayo? sabayan natin sina Vienne at Aj?" Pagyaya niya sa akin habang hinihila ako para tumayo

"Mahal I don't dance... Parehong kaliwa ang paa ko." natatawa kong sagot sakaniya

"Nakikita ko naman na kaliwa at kanan yang paa mo. Tara na? Sayaw tayo?" She pleaded

"Sige na Mahal puntahan mona sila. Sumayaw kana kasama sila." sagot ko

"Hmp! Ang KJ mo naman Nery!" nakasimangot na sagot niya

Halatang galit siya dahil tinawag na niya ako sa aking apelyido.

"Mahal naman huwag kana magalit.
hindi lang talaga ako sumasayaw." sagot ko

"Whatever!" sagot niya at pinuntahan na nga sina Aj at Vienne

Dapat talaga hindi ko siya hinahayaang uminom ng sobrang daming alak. Mas kaagad siyang napipikon kapag nakainom.

She started swaying her hips while putting her hands in the air.

Tumugtog ang kantang "DANCING QUEEN by ABBA." at mas lalo pa nilang sinabayan ang kanta.

Hindi ko sukat akalain na marunong din pala siyang sumayaw. She swayed her hips sexily that made me gulp.

She started staring at me while smiling sexily.
Now she's seducing me... Mas nakaka attract pa ang suot niyang black fitted dress na mas nagpapakita ng hubog ng kaniyang katawan ay beywang...

Now I regret  not joining her on the dancefloor.
She's so f*cking hot while dancing right now.
Ano na ang gagawin ko saiyo Celes?

Isa Lang.. Ikaw Ra Man (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon