"WHAT?! SINABI NIYA SAIYO YUN?"
gulat na gulat na tanong sa akin ni Vienne.Nag iinuman kami ngayon dito sa Condo unit niya. Nasa isang meeting siya sa trabaho nang tawagan ko siya. hindi ko naiwasang humikbi habang kausap siya kaya mabilis pa sa eroplano siyang siyang pinuntahan ako at sinundo.
Ikinuwento ko lahat ng pinag awayan namin ni Arthur sakaniya. Maging siya ay hindi makapaniwala sa mga sinabi ni Arthur.
"Ewan ko ba bessy. hindi ko alam saan nanggaling lahat ng accusations niya. dahil lang ba sa nakita niyang nakayakap ako kay Adie at dahil nasa condo unit ko siya ng napaka aga?"
"I have to be honest to you bessy. kahit ikaw naman hindi ba? Kung ikaw bibisitahin mo si Arthur sa condo unit niya pagkatapos magugulat ka kasi may kayakap siyang ibang babae tapos nagtatawanan sila...Hindi ka ba makakaramdam ng selos? ng galit?" tanong niya sakin.
"Hmm...Hindi sumagi sa isip ko iyan.
Magagalit at magseselos siyempre. pero hindi naman ako basta basta mangbibintang lalo na kung hindi ko alam ang paliwanag niya.
Tiyaka kaibigan ko lang si Adie...kaibigan natin lahat hindi ba?" tanong ko sakaniya"Oo bessy kaibigan ang turing mo kay Adie... pero ganoon din ba ang turing niya sa iyo?" tanong niya
"What do you mean?" pagtataka kong tanong
"Hay! Masyado ka pa ding inosente sa mga bagay katulad nito. Hindi mo ba napapansin na mas malambing si Adie saiyo kaysa sa akin? kaysa kay Aj?" tanong niya
"H-ha? hindi naman ah." sagot ko
"Alam mo bessy sa tingin ko may feelings pa rin saiyo yang si Adie." prangkang sagot niya
"What? No way. We talked about that before. I politely rejected him bago ko pa sagutin si Arthur." sagot ko
"Hindi naman ibig sabihin na nireject mo na siya is makakalimutan niya na ang feelings niya para saiyo. I can see it all by the way he stares at you, by the way he speaks to you, tiyaka nakikita mo namang halos tumambay na sa Cakes and Coffees iyan hindi ba? Halos araw araw doon kumakain. Sa tingin mo ba dahil lang iyon sa mga pastries at coffees natin? Siyempre hindi. Iyon ay dahil gusto ka niyang nakikita." sagot ni Vienne habang tinutungga ang isang baso ng soju na may yelo.
"Ha? Hindi ko napapansin lahat ng iyan Kasi kumportable ako kay Adie pero bilang kaibigan lang. No more no less." sagot ko
"I know na never ka mag chicheat
kay Arthur kasi kilalang kilala kita mula ulo hanggang paa hanggang sa mga toe nails at ingrowns mo sa kuko! Pero bessy kailangan mo din intindihin ang partner mo kung hindi siya kumportable sa lahat ng iyon." sagot niyaMay punto nga si Vienne...ngayon ko lang mas nagegets kung saan nanggagaling lahat ng sinabi Arthur. Nagseselos siya sa closeness namin ni Adie.
"Ano ang gagawin mo bessy? Iiwasan ko naba si Adie? huwag ko na ba kausapin?" tanong ko
"Gaga! hindi ko namang sinabing mag cut ties ka kay Adie. ang sabi ko kailangan mong dumistansiya kahit papano. You should talk to Adie about this. Kailangan mong iparating sakaniya na you are faithfully commited with Arthur." sagot niya
"I will." sagot ko
"And you should talk to Arthur soon.
Alam ko mali ang mga sinabi niya saiyo at nasigawan ka niya. Pero alam kong may reason kung bakit siya nagkaganoon...But you're feelings are valid too...kahit naman ako pagbintangan ng ganoon ay magagalit din ako lalo na kung wala akong ginagawang masama.
Magpalamig muna kayo parehas at tiyaka kayo mag usap." sagot ni Vienne"Oo bessy...kailangan ko lang din muna ng panahon para makapag isip isip...kakausapin ko din siya soon." sagot ko at tinungga din ang isang baso ng soju
BINABASA MO ANG
Isa Lang.. Ikaw Ra Man (BOOK 1)
RomanceI already have everything I want. The fame,wealth,stability,a wonderful family and trusted friends around me. All I want is to sing, To show everyone what I'm capable of. Love was never on my list... UNTIL I FOUND HER.