🅲🅷🅰🅿🆃🅴🆁 🅴🅻🅴🆅🅴🅽
CELESTINE'S POV
Nasa punto ako ng buhay ko ngayon na mas gusto kopang mag stay sa comfort room ni Vienne kaysa lumabas at makita siya ulit.
Sa dinami dami ba naman ng makakasama at makakatabi ko sa bus nang araw na yun.. Bakit si Arthur Nery pa?
LUPA KAININ MONA AKOOO! NGAYON NA
Sabi ko sa sarili ko.
Nakakahiyaaaa! Naalala ko bigla na
inapproach niya ako nang marinig niya akong sumasabay sa kanta..
SUMASABAY NA PALA AKO SA SARILI NIYANG KANTA! At Naalala kopa na masyado akong nakipagbiruan at naging prangka sakaniya ..FLASHBACK:
"So may girlfriend kanaba?" tanong ko habang nilalantakan ang isang balot ng macapuno.
"Ha? W-wala pa." sagot niya
"Eh bakit wala pa? mukhang maayos at mabait kanaman eh." sagot ko pabalik
"Bakit naman hindi kasama yung guwapo sa description mo?" natatawa niyang tanong
"Eh malay koba kung guwapo ka e hindi mo naman tinatanggal ang face mask mo." pagrarason ko
"May punto ka dun." sagot niya
"Try mo nga tanggalin? para makita ko mukha mo nang mahusgahan ko." prangka kong sabi
"W-wag na baka magulat ka pa diyan." natatawa niyang sagot
"Sus! Siguro panget ka kaya ayaw mong tanggalin." natatawa kong sagot
"Hindi naman ako panget. Sakto lang." natatawa niyang sagot
"E kung guwapo ka,mabait at matino bakit wala ka pading girlfriend?" pangungulit ko
"Hmm..Let's just say I'm still waiting for her." sagot niya
"Her?? baka naman "He" natatawa ko lalong sagot
"Hindi ako bakla." seryoso niyang sagot
"Ayyy.. bakit ka nagagalit oh? seryoso bigla yan?" pangangantiyaw kopa saka bago pa siya mapakamot ng ulo niya.
END OF FLASHBACK
Bakit ba kasi napakadaldal at prangka mo Celestine Faith Garcia!!! Wala kanang mukhang maihaharap sakaniya! Nakakahiya talaga!
I internally screamed at myself."Bessy ano ba ginagawa mo diyan? kanina kapa nasa loob ng comfort room." katok ni Vienne sa pinto ng CR
"Malamang kino comfort ko sarili ko since comfort room ito." I answered
"Napaka sungit naman bigla neto. Ano ba kasi nangyari? bakit biglang nag iba mood mo simula nung magkita kayo ulit ni Arthur?" tanong niya
"Chismosa ka din ano?" sagot ko
"Curious lang ako kase after ko mag blow ng birthday candles e nagkulong kana diyan. Halika na kasi at magkuwento ka na!" Sagot niya ulit
Wala na akong nagawa kundi lumabas ng CR ng kuwarto niya at sinimulan nang magkuwento.
"Sus! Yan lang ba dahilan kung bakit mo pinagtataguan si Arthur?" Tanong niya
"Oo nga sabi e." Sagot ko
"E baka naman nagkiss kayo o baka nag make out kayo sa bus kaya hindi ka makalabas labas sa comfort room ko." prangka niyang sabi
Nakatikim siya ng kurot mula sa akin
"Ouchie! Grabe naman 'to hindi na mabiro." Natatawa niyang sagot
"Mukha ba akong easy to get ha? bakit ko naman gagawin mga iyon? e kahit naman si Arthur Nery pa yan o si Brad Pitt hindi ako magpapahalik sa unang pagkikita o pag uusap.!" naiinis kong sagot
![](https://img.wattpad.com/cover/313486448-288-k51292.jpg)
BINABASA MO ANG
Isa Lang.. Ikaw Ra Man (BOOK 1)
RomanceI already have everything I want. The fame,wealth,stability,a wonderful family and trusted friends around me. All I want is to sing, To show everyone what I'm capable of. Love was never on my list... UNTIL I FOUND HER.