LXX - Farewell

2 0 0
                                    


"Anak, nakaimpake ka na ba?" Tanong ni Mama.

"Yes Ma, naayos ko napo ang lahat ng gamit ko." Sagot ko habang inooff ang aking laptop.

"Mabuti naman at maaga pa ang flight mo bukas. Sigurado ka bang hindi kana magpapahatid sa amin sa airport?" Tanong ni Mama na halatang may pag aalala sa kaniyang mukha.

We are all trying to cope. We're all trying to help each other. Isang buwan pa lang ang nakakalipas nang mawala si Papa.

Nakakapanibago ...
Ang tahimik na ng bahay namin na minsan ay puno ng ingay at tawanan.

Bakas sa mukha ni Mama ang lungkot at pagluluksa pero alam kong pinipilit niyang itago iyon sa amin.

Mahal na mahal niya si Papa kaya alam kong hindi madali para sa kaniya ito.

"Ma," Mahinang tawag ko sa kaniya at hinawakan ng mahigpit ang kaniyang mga kamay.

"Ano iyon anak?"

"Puwede ko naman pong i cancel nalang ang flight ko. Kakausapin ko nalang po si Professor Yap na---

"Yan ang huwag mong gagawin anak." Sagot ni Mama

"Pero nag aalala po ako sainyo at sa kambal. Alam kopo na nagluluksa din po kayo sa biglaang pagkawala ni Papa." Maluha luha kong sabi

"Anak makinig ka sa akin ha?"

"Oo inaamin ko na masakit pa rin para sa akin at napakahirap para sa akin na tanggapin ang pagkawala ng Papa mo, pero alam ko anak ma may sarili ka ring pinagdadaanan, Mas mabigat pa sa nangyari sa amin. Alam ko anak kahit hindi mo sabihin ay nakikita kong nahihirapan kang ayusin ang sarili mo.
At alam ko na kung nabubuhay lang ang Papa mo ay mas gugustuhin niyang ituloy mo ang plano mo na mangibang bansa para mahanap mo ang iyong sarili. Para maghilom ka sa mga sugat na hindi ikaw ang may gawa. Alam kong nakangiti ang Papa mong pinapanuod ka ngayon.
Alam kong susuportahan niya ang desisyon mong ito." Mahabang sagot ni Mama habang hinahaplos ang aking pisngi.

"Mama." Naiyak ko sambit

"Lagi mong tandaan na ipinagmamalaki ka namin dahil sa pagmamahal, sa mga tulong mo sa amin mula ngayon at dahil sa mga accomplishments mona sa buhay anak. Kaya ituloy mo ang plano mo. Hihintayin namin ng mga kapatid mo hanggang sa kaya mo nang bumalik dito." Nakangiting sabi ni Mama at mahigpit akong niyakap.

Simula nang mawala si Papa at hanggang sa malaman ko ang relasyon ni Arthur at Aj ay ang pamilya ko at mga kaibigan konang aking naging sandalan.

Isang buwan akong nag deactivate ng aking mga social accounts.
Ang mga pinagkakatiwalaan kong mga tao ang nag mamanage muna ng social media accounts ng business namin ni Vienne.

I need to shut down anything that will make me remember him.
I blocked his phone number and social accounts before I deactivated mine.

I sold my condo unit too.
I bought a condo unit around Dapitan
this time para kung sakali ay may uuwian ako kapag kaya ko nang bumalik dito sa Pilipinas.

The wound is too deep to be healed quickly. Alam kong mahirap pero alam kong darating ang araw na maghihilom ang mga sugat. Na makakaya ko nang harapin lahat.

I accepted Mrs. Yap's offer to me,
To be her trusted Head Pastry Chef and Business partner in New York, USA. Tatlong linggo ko rin itong pinag isipan.

Isa Lang.. Ikaw Ra Man (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon