VI - The Bestie

1 0 0
                                    

🅲🅷🅰🅿🆃🅴🆁 🆂🅸🆇

Celestine's Pov

Its been three days since nakauwi ako dito sa Manila. Ako ang nagluluto sa mga pagkain namin ni Vienne habang nandito ako sa Condo unit niya. Hindi kasi ako sanay na walang ginagawa kaya ako ang nagmamaintain ng cleanliness ng Condo niya while I still manage on checking my business sa Pampanga. Isang beses palang kami nakapasyal ni Vienne since sobrang busy din niya sa mga photoshoots niya. Ngayong araw ko naisipang pumunta ng Mall para bumili ng ireregalo sa kaarawan niya. Ano kaya ang puwede ko pang bilhin sa spoiled bratt na yun? Halos lahat ng branded na damit, bags at acessories nasa walk in cabinet na ata niya. Ang hirap regaluhan ng taong halos kumpleto ang koleksiyon sa ganung mga bagay. 😑 napabuntong hininga nalang ako.

Lumabas na ako at pumunta sa may parking lot ng building. Pinahiram sakin ni Vienne yung dating kotse niya na Lexus Ls 2022 para hindi na ako mahirapang mag book ng taxi papuntang Mall.

Heto lang ulit yung time na makakalabas at makakapasyal ako mag isa. Natutuwang sabi ko sa sarili ko.
Nagdecide ako na magcheck ng mga bagong labas na bags sa Louis Vuitton sa may Ayala mall, Makati Greenbelt 3.

Naghanap ako ng bag na tiyak kong magugustuhan ni Vienne.
Nakita ko ang isang bag na kasama sa bagong koleksyon nila ngayong 2022.

Alam kong wala pa siyang ganitong design nung tignan ko ang walk in closet niya kanina

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Alam kong wala pa siyang ganitong design nung tignan ko ang walk in closet niya kanina. Halos isa isahin ko ang mga bags niya kanina. Kaya sigurado ako wala pa siyang ganitong style ng bag. Masaya kong kinuha ang bag at kaagad na binayaran sa cashier ng LV Store.

Pagkatapos nun ay sunod kong hinanap ang supermarket nila para sa gagawin kong birthday cake ni Vienne.
Bukod sa pag gawa ng coffees at teas ay marunong din akong gumawa at magbake ng pastries. Hilig ko talaga ang magluto at mag bake simula nung magdalaga ako.
Alam kong paborito ni Vienne ang Strawberry cake kaya naisipan kong iyon ang gagawin kong cake para sa birthday niya. Lalakihan ko nalang din ang cake na gagawin ko para mapatikim niya sa mga bisita niya na dadating sa Condo unit niya.

Sobrang nawili ako sa pamimili. Nagdesisyon na din ako na mamili ng lulutuin ko para dinner namin mamaya.

Pasado alas singko ng makauwi ako ng Condo unit ni Vienne. Nakausap ko siya na uuwi siya ng alas siete kaya may dalawang oras pako para makapag luto ng dinner namin.

Naisipan kong magluto ng grilled chicken with Tuscan chicken pasta at Kani Salad. Alam kong paborito din ni Vienne lahat ng iyon.

Pasado ala siete ng gabi ay narinig kona na nagpipindot ng code si Vienne sa may pintuan. Sakto at nakapag set na ako ng table at nakaready na ang dinner namin.

"BESSY I MISSED YOU! Ang dami mo namang niluto." yakap niya sakin pagpasok ng Condo unit niya.

"I missed you too Bessy. Oo niluto ko lahat ng paborito mo. At puwede sayo lahat ng yan lalo na alam ko diet ka." sagot ko

"Ay walang diet diet lalo na kapag ikaw ang nagluto. Thank you bessy ha? Namiss ko talaga ang luto mo. Gosh I'm starving already. Let's eat?" yaya nya sakin

Masaya kameng nagsalo at kumain. Kinuwento niya sakin ang mga nangyari sa trabaho niya at masaya akong nakikinig sakaniya.

"Teka maiba ako ng topic Bessy, ilan pala ang mga expected mong bisita sa birthday mo?". Tanong ko

"hmmm.. Limited lang mga bisita ko Bessy. Wala din kasi sina Daddy and Mommy may inaasikaso pang business sa New york. So nasa 10 lang mga inimbitahan ko Bessy." sagot niya

"Puwede ko idesign tong place mo Bessy since hindi naman ako ganoon ka busy."

"Sus wag na bessy. Nandito ka para magbakasyon.. May magsesetup na ng place ko and ng dining area. You don't have to worry about it."

"Pero okay lang ba if ako na ang mag bake ng birthday cake mo bessy?" nakangiting tanong ko

"OMG! Really? Oo naman bessy alam ko na walang sinabi mga kilalang pastry chefs sayo no. Nako matitikman ko na ulit ang cake na gawa mo." masayang sagot niya

"Grabi sya ohh! Hahaha.
Pero seryoso nga ako na bahala sa birthday cake mo Bessy. Excited nako para sa birthday party mo." sagot ko

"Thank you so much bessy!
By the way required na mag dress sa birthday party ko ha?"

"At kailan pako nag suot ng dress? Alam mo namang more on jeans ako Bessy." reklamo ko

"Ah basta kailangan mong mag dress. Paano kita mahahanapan ng date niyan sa birthday ko kung naka blouse at jeans ka? Kailangan magandang maganda tayo nun."

"Hindi ako sanay na naka fit sa katawan ko yung damit eh. Mas gusto ko yung mga oversized shirts at mga pants. Pero sige na nga isang beses lang naman e at birthday mo naman. Kaya pipilitin ko magpasexy at magpaganda. Pero wag na wag moko isesetup ng date sa birthday mo ha?"

"Hayys! Sige na nga oo na wala ng setup ng date. Basta magpaganda ka din nun para makadami tayo ng pictures sa photobooth. Mag ready ka bukas at bibili tayo ng susuotin sa birthday party ko.
my treat bessy ako ang bahala sayo.!"

"Hindi ko tatanggihan yan bessy. Mag shopping tayo bukas ng magkasama." masayang sagot ko

Hindi makakaila ang closeness naming dalawa ni Vienne.
Magkapatid na ang turingan namin sa isa't isa. Wala kaming tinatagong sikreto sa isa't isa. Napaka suwerte ko dahil may isang Vienne Stacey Del Mundo sa buhay ko na maaasahan at matatakbuhan ko sa mga oras na kailangan ko ng tapat at tunay na kaibigan at kaibigan na nakakasama kong mag celebrate ng small and big success ko at ganoon din ako sakaniya.

Isa Lang.. Ikaw Ra Man (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon