XLIV - Deeper

0 0 0
                                    

🅕🅞🅡🅣🅨 🅕🅞🅤🅡

Arthur's Pov

"CHEERS!!! CONGRATULATIONS AGAIN ARTHUR FOR THE SUCCESS OF  YOUR MAJOR SOLO CONCERT!"

Masaya kaming nag taas ng aming wine glasses at sabay sabay na nag cheers.

I feel overwhelmed. Nag prepare ang manager,producer at team ko ng victory party para sa akin.
I cane feel their love and appreciation.

Hindi magiging successful ang aking concert kung hindi dahil sakanila.
I really love them.

Napakasaya ng araw na ito.
Lalong lalo na dahil kay Celestine.
Ayaw ko talagang umalis at iwan siyang mag isa sa condo unit kanina but she understands that I have to attend this party.

How I wish she's here with me celebrating with Us.
But I do understand if she wants to keep our relationship in private.
Ayaw niyang magkaroon din ng negative impact ang relasyon namin sa namamayagpag kong career.

I'm much aware of bashers and judgemental people.
Kahit na ako na kilalang singer sa panahon ngayon ay nakaka tanggap pa ng mga negative comments at mga bash sa aking pagkanta.
But I simply ignore negative comments from negative people.
Ayaw kong damdamin ang mga puna at pang babash sa akin dahil alam kong maraming fans at mga supporters na na aappreciate ang aking talento sa pagkanta.

I call my fans BINHI.
And I really love them.
I appreciate their warm support for me. Kaya mas ginagalingan kopa ang pagkanta at pagcompose ng mga bagong kanta para ialay sakanila.

Pagkatapos ng masayang dinner party,kantahan at inuman kasama ang aking team ay kaagad na akong umuwi ng aking condo unit.

Pagkatapos malg shower at magbihis ay kaagad akong humiga sa kama at tinawagan si Celes.

"Hey beautiful." I smiled

"Hi Handsome." She giggled

"Nag dinner kana ba?" I asked

"Yeah. Nag take out ng food si Vienne from Wendys... I ate the chicken and salad... Ikaw ba? mukhang madami kang nainom mahal? nasa bahay kana ba?" She asked looking worried

"Oo mahal medyo marami nainom ko pero nakauwi na ako. kakatapos ko lang maligo. huwag kana mag alala." I answered

"Alam ko naman kasi hindi ka malakas uminom e. Nag drive kaba nang nakainom??" She asked

"No. hinatid ako ng producer ko since ayaw ko ding mag drive ng nakainom" Sagot ko

"Good ... Kaagad kanang uminom ng Aspirin para maiwasan ang hangover mo at magpahinga ka na din." sagot niya

"But I still want to see you.
Napaka ganda mo Mahal." Nakangiti kong sabi at nakita kong pinamulahan ang kaniyang mga pisngi.

"Ako lang to Arthur Nery! Ako lang to ang girlfriend mo." natatawa niyang sabi

"Napakaganda mo naman girlfriend."
natatawa ko na ding sagot

"Ang pogi mo din Chinggo ko." She smiled widely

CHINGGO KO... I REALLY LOVE IT WHEN SHE SAYS IT.

"Mahal?" Biglang tawag niya sa akin

"Yes Mahal?" I asked

"Uuwi na ako after after two days.
Marami kasi kaming mga gagawing pastries and cakes this week." She said

"Ang bilis naman Mahal? Hindi kaba puwedeng mag stay dito sa Manila hanggang next week?" I pleaded

"Gusto ko din sana Chinggo, pero may work din ako at business na mina-manage remember? Mas busy lang ngayon lalo na ipapatayo na namin ni Vienne ang second branch namin dito sa Manila." paliwanag niya

"Kailan naman balik mo dito sa Manila?" I asked

"Maybe after three months? I don't know."

"Ang tagal naman masyado nun Mahal ko. hindi ko kayang hindi ka makasama ng ganoon katagal." I answered

"May video calls naman mahal.
Tiyaka alam ko marami ka ding commitments after your short vacation. May career kang pinapangalagaan okay? magiging busy tayo parehas but I promise I'll update and call you more." She answered

Tama siya. Napag usapan na namin ang tungkol dito kahapon.
May kaniya kaniya kaming commitments at career na kailangang unahin. Kung ako ang masusunod ay mas gugustuhin kong mag stay na siya dito sa Manila para araw araw ko siyang makasama. pero she's also a busy person and a business owner.
She understands my work and how much time and efforts my work ask from me so I should do the same thing.

"Huwag kana magtampo Mahal? Uyyy!" tawag niya sa akin

"Hmm? hindi ako nagtatampo Mahal." sagot ko

"Ang lungkot mo kasi bigla...
hayaan mo babawi ako kapag nakabalik na ako ng Manila.
pagluluto kita ng masasarap na pastries at pagkain. Promise ko saiyo yan." she answered

"Thank you Mahal." I said

"Thank you? para saan?" naka kunot noo niyang tanong

"For understanding me...For choosing me. Alam ko na alam mo na hindi madali na maging girlfriend ko.
Lalo na at marami nga akong commitments, mga events, gigs, recordings na kailangan unahin.
Alam ko na mararamdaman mo sa future na para akong wala nang oras saiyo dahil sa sobrang busy ko." malungkot kong sabi

"Ano kaba Chinggo? Hindi ko hihingiin ang buong atensiyon at oras mo okay? Sapat na sa akin yung ganito. Kahit isa , dalawa o tatlong tawag lang iyan sa isang araw ay hindi magiging problema sa akin.
Besides, Vienne warned me about everything I needed to know..
Tama ka alam ko na hindi madali at puro kilig lang maging karelasyon ang isang katulad mo. pero handa ako at mas hahabaan ko ang pang unawa ko para saiyo. Basta ipangako mo lang na magiging honest at faithful ka lagi sa akin." mahabang paliwanag niya

How can I be so d*mn lucky to have the most understanding and kind girlfriend in the world?
Alam na alam niya kung paano ako pakiligin at pasayahin.
She's really one of a kind.

"I promise na kahit hindi tayo magkasama physically ay magiging honest ako at magiging faithful saiyo.
Hinding hindi ako titingin ng ibang babae kasi saiyo palang wala na silang panama Celestine." I answered confidently

"Sabi mo iyan ha? Nako ipapabugbog kita kay Vienne kapag sinira mo yang pinangako mong iyan." natatawa niyang sabi

"Teka bakit kay Vienne mo naman ako papabugbog?" tanong ko

"Nako! mukha lang babae yun pero napaka bigat ng kamay nun! Kapag sinampal ka nun tagos hanggang kaluluwa mo no!" natatawa niyang sagot

"Ganun ba ? edi dapat pala mas kaibiganin ko si Vienne para hindi ako mabugbog." natatawa kong sagot

"Kung alam mo lang botong boto saiyo yun." sagot niya

"Talaga?" I asked

"Oo naman no! Siya unang nagsabi sa akin na may gusto ka sakin." she giggled

"Nahalata niya pala kaagad. Iba pala mangilatis yung si Vienne. parang si Jroa lang...magaling din sa ganiyang bagay." sagot ko

"Oo naman kaya nga sila nagkasundo e! Compatible talaga ang dalawang iyon." sagot niya

"I disagree. Mas compatible tayong dalawa." sagot ko sabay kindat

"Nagpapa cute ka nanaman Chinggo! Nagpapa miss ka na kaagad e hindi pa ako nakakauwi." sagot niya

"Sadyang cute lang talaga ako.
Parehas tayong cute kaya nga bagay tayo." sagot ko

"Ikaw talaga Chinggo...I miss you already." She said

"I miss you more my Life puzzle." I answered

"Tulog na tayo? kailangan mo na magpahinga at bumawi ng tulog." She said and I simply nodded

"Good night Chinggo ko." She said

"Good night Celestine ko." I smiled

Isa Lang.. Ikaw Ra Man (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon