XXIII - GIO

0 0 0
                                    

🅣🅦🅔🅝🅣🅨 🅣🅗🅡🅔🅔

"Alam mo ba siya ang first and last love ko?" She giggled

Tahimik akong nakatingin at nakinig sakaniya.

"I really thought He's the one...
Napaka guwapo niya, napaka talino at napakabuting anak sa mga magulang niya...Alam mo ba inimagine kona ang sarili ko na magkasama kaming magtatayo ng restaurant namin?
Na siya ang magluluto ng mga pagkain para sa appetizers,main course at ako naman sa dessert.
He is a culinary chef by the way. Akalain mo yun magiging kilalang chef ang demonyong yun." Natatawa niyang kuwento at hindi ko din naiwasang hindi matawa sa huling sinabi niya.

"We've been happy for 3 years ...
Magkasama kaming nangarap at pinlano na namin ang future namin nang magkasama. Pero ewan ko ba at ano pumasok sa kokote niya at nagawa akong lokohin..."

"May gusto sakaniya si Audrey... Colleague namin siya... Ewan ko ba sa babaeng iyon alam namang boyfriend ko si Gio e inaakit padin kahit na nakaharap pa ako." Naiinis niyang kuwento

So Gio pala ang pangalan nang mokong na yun.

"Pero alam mo? Hindi ko siya inisip n magiging threat sa relasyon namin ni Gio. Naging sobrang confident ako na ako ang magwawagi at pipiliin sa dulo...

"Huling semester nang malaman kong may relasyon na pala sila ni Audrey at patago silang nagkikita habang may relasyon pa kami.
Pero napakatanga ko kasi madaming nagsasabi sa akin na nakikita silang magkasama at nagchecheck in sa hotels pero nagbulag bulagan at nagbingi bingihan ako sa mga sinasabi nila.
E mahal ko e...alam ko napakatanga ko sa part na yun.." natatawa niyang Kuwento sabay hikbi. Nararamdaman kong nadadala na siya sa emosyon niya kahit na hindi siya nakatingin sa direksyon ko.

"Tahan na Celes... Huwag kana umiyak." Sabi ko at marahang hinawakan ang kamay niya at pinisil pisil. I never comforted a woman before.
at mas lalong Hindi ako sanay na ganito siya kalungkot. nanatili akong tahimik para makinig pa sa mga ikukuwento niya.

"A week before our graduation I confronted him. Hindi kona napigilan kasi sobrang sakit na e.. Inamin na niya lahat sa akin.
Audrey offered him some money para
maka one night stand siya.
Alam ko naman na mahal ang tuition fee namin at may pending payments pa siya para maka graduate ... Pero parehas kaming nag papart time job sa isang restaurant that time eh. Parehas kaming hindi nanggaling sa marangyang pamilya ni Gio pero hindi pumasok sa isip ko na paglalaruan niya ako at lolokohin dahil lang sa kaunting halaga." Humahagulgol niyang sabi

"You don't know what money can do to a person Celes. Karamihan sa panahon natin ngayon gagawin na ang lahat kahit makasakit sila para lang magkaroon ng pera." Paliwanag ko sakaniya

"Nung una pinilit kopa intindihin.
Na baka nagawa niya lang iyon kasi kailangang kailangan niya. Na hindi sila emotionally involved ... Pero pagkatapos nilang mag one night stand nasundan pa ng ilang beses hanggang sa napamahal na daw si Audrey sakaniya...
Ang sakit nung inamin niya lahat sa akin iyon ... Pero ang pinakamasakit sa lahat ay nagbunga pala ang pagtataksil nila sa akin. Audrey got pregnant."

I was speechless ... Napaka hayop naman ng Gio at Audrey na yun. Paano nila nasikmurang gumawa nang ganoong kalaking kasalanan?

"I'm sorry to hear that Celes... You don't deserve any of that." Malungkot na sagot ko sakaniya

"Ayaw niya akong pakawalan that time.
Ako daw ang mas mahal niya kaysa kay Audrey at sa magiging baby nila.
Kaya ako na mismo ang nakipag hiwalay at lumayo sakaniya. Halos mag iisang taon niya din akong ginulo at pilit na sinusuyo. Buti nalang at nauntog na ako. Masaya ako na inalalayan ako ng pamilya ko at ni Vienne nang mga panahon na iyon... Tignan mo ako ngayon hindi ba? Sucessful na magandang dilag na Single and ready to mingle na." Natatawa niyang sagot

Isa Lang.. Ikaw Ra Man (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon