XXIX - Life Puzzle

1 0 0
                                    

🅣🅦🅔🅝🅣🅨 🅝🅘🅝🅔

"Good job! Smile more for the camera boys!" Utos ng photographer sa amin nina Zack at Adie.

Pasado ala siyete ng umaga ang call time namin sa photoshoot na ito para sa isang magazine cover.

"Arthur umupo ka sa may gitna at hawakan mo yang gitara. Adie and Zack sa may magkabilang gilid kayo ni Arthur. I want to see some serious type of facial expressions in this one boys at Stolen shots din tayo." Utos ulit sa amin ng photographer

Umaga pa lang ay sumabak na kami sa photoshoots. Hindi ko din napansin na nakatulog na ako kaagad pag uwi ko ng unit dahil na din sa sobrang pagod.
Nakaligtaan kong i message back si Celes at magpasalamat sa ginawa niyang apple pie para sa akin. I'll make sure na imemessage kaagad siya pagkatapos ko dito.

"Good job boys! Napaka professional niyo. Pack up na tayo." Masayang sabi ng photographer.

Sabay sabay kaming nagpasalamat nina Zack at Adie at pinaunlakan namin ang ibang mga kasama sa photoshoot na ito na makipag selfie sa amin.
Pagkatapos nun ay dumiretso na kami sa dressing room para mag palit ng damit nina Zack at Adie.

"Brothers! Tapos na photoshoot ninyo?" Biglang sabi ni Jroa na naghihintay sa dressing room.

"Okay naman bro..buti napadalaw ka? Anong atin?" Tanong ko

"Wala naman akong gagawin ngayong araw kaya naisipan kong dalawin kayo dito sa photoshoot ninyo. Heto pala pinagdala ko kayo ng coffees at sandwiches in case hindi pa kayo nag aalmusal." Ngiting sabi ni Jroa

"Nako salamat bro ha. Sakto nagugutom na kami ang aga kasi ng call time dito sa photoshoot." Sagot naman ni Zack

"Salamat Brother!" Sagot ko din kay Jroa

"Welcome mga brother! So kumusta naman ang photoshoot ninyo?" Tanong niya

"Heto bro okay lang naman kahit na hindi pa din ako sanay sa make up na inilalagay nila tuwing may photoshoots tayo at mga events na dinadaluhan." Reklamo ni Zack

"Medyo mapula din yung lipstick na inilagay sa akin nung make up artist kanina. Pero napaka pogi ko naman sa mga pictures na nakuhanan nung photographer." Sagot ko

"Ang confident naman ni Kuya Arthur!" Biro ni Zack

"Bro I like the confidence too.
Medyo nababawasan na pagka shy type natin ha?" Dagdag pa ni Jroa

"Nakakahawa kasi yang confidence niyong tatlo nina Adie. Hindi ba Adie?" Tanong ko at napansin kong halos hindi ako kinikibo ni Adie simula nung dumating siya sa photoshoot na ito.

"Uy Adie?" Sabi ni Zack at tinapik siya sa may balikat.

"Hmm?" Sagot niya

"Okay ka lang ba? Kanina kapa tahimik." Sabi ni Zack

"I'll be fine." Tipid niyang sagot

"May problema ba?" Tanong ko sakaniya at saka humarap sa akin.

"I want to ask you something brother." Seryoso niyang sabi sa akin

"Ano yun bro? Spill it." Bigla akong kinabahan sa itatanong niya. Nasanay kasi akong puro biruan kaming magkakaibigan.

Naghihintay naman sina Jroa at Zack ng itatanong ni Adie habang humihigop sila ng kape nila.

"May gusto kaba kay Celes?"
Direktang tanong niya sa akin na siyang pagkasamid ni Zack at Jroa sa iniinom nilang kape. Maging ako ay natigilan sa itinanong niya.

Isa Lang.. Ikaw Ra Man (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon