XXVIII - Bessy time

0 0 0
                                    

🅣🅦🅔🅝🅣🅨 🅔🅘🅖🅗🅣

Magkasama kaming nanonood ng isang movie sa netflix ni Vienne habang kumakain ng pizza at fried chicken.

"Hindi pa din ako makapaniwala na pati si Adie may gusto din talaga saiyo. Like wow bessy napakaganda mo." Pang iinis pa din ni Vienne sa akin nang ikinuwento ko sakaniya ang pagkikita namin ni Adie at ang biglaang pag amin niya sa akin kanina.

"Hayyy! Kahit ako bessy hindi makapaniwala. Kasi hindi ko naman nakasama ng matagal si Adie kaya nabigla ako nung umamin siya sa akin." Sagot ko habang nilalantakan ang pizza.

"Akalain mo yun bessy? Sa sobrang ganda mo dalawang lalaki ang may gusto saiyo at take note ha? parehas na sikat na opm singers! Aba'y napaka haba ng hair mo bessy abot hanggang Pampanga." Natatawa niyang sabi

"E hindi ko naman sila masisisi bessy gandang kapampangan ata ito. Oh tumabi ka at naaapakan mo ang hair ko." natatawa kong sabi sakaniya

"Ay sorry naman mahal na prinsesa at naaapakan ko ang napakahaba mong buhok."

"Pero seryoso nga bessy ang hirap din nang nasa ganitong sitwasyon."

"E bakit naman mahirap pa? Hindi ba binasted mona si Paraluman? Edi kay Pagsamo kana niyan magfocus."

"T-teka bakit paraluman at pagsamo naman?" Natatawa kong tanong

"Ganiyan ang tawag nila sa trio na iyan sa social media no. Si Paraluman, Si Pagsamo at si Binibini. Ang cute lang kasi pakinggan."

"Ikaw talaga Bessy. Pero seryoso nga... kung dumating man yung araw na sasabihin ni Arthur sa akin na may pagtingin din siya sa akin anong gagawin ko? I really need your advice." I pleaded

"Alam mo bessy ikaw lang ang makakasagot ng mga katanungan mo..." Sagot niya

"Like what?"

"Kung handa kanaba talagang pumasok sa isang relasyon? Kung hilom naba talaga ang sukat ng nakaraan mo? Kung willing kana bang mag take ng risk?" Paliwanag niya

"Alam mo bessy ilang beses kona tinanong ang sarili ko tungkol diyan.
Naalala kopa nga ang mga sinabi mo sa akin noon na masyado akong natakot magpapasok ng taong gustong magmahal sa akin, na masyado akong natatakot na magtiwala at magmahal ulit.
Pero naisip ko na kailangan kong maging matapang...Na Oras na para kumawala ako sa mga ibinigay na takot at sakit sa akin ng nakaraan ko. Kaya Alam ko sa sarili ko na OO ... Na gusto konang sumubok pumasok ulit sa isang relasyon, na naka move forward na ako sa nakaraan ko kahit na alam kong hindi magiging madali sa akin ang lahat." Mahabang sabi ko at hinawakan ni Vienne ang mga kamay ko.

"I have to warn you bessy na hindi madali ang tatahakin mo okay?
Lalo na kapag naging kayo na ni Arthur at kapag lumabas ang mga balita tungkol sainyo. Hindi lahat ng tao papabor sainyo. Puwede din maapektuhan ang personal mong buhay o ang relasyon ninyo. Susubukin kayo pero huwag kayong susuko." Nakangiti niyang sabi

"Mahal ko si Arthur bessy Tiyaka kilala moko wala akong sinusukuan.
Strong ata ito no."

"Iyan! Ganiyan nga! Thats my bessy."
Nakangiti niyang sabi

"Nakakatawa no? Parang sure na sure na talaga akong aamin din si Arthur na mahal din niya ako. Nako Bessy kapag iyun hindi umamin sa akin na mahal din niya ako e kakain nalang ako ng baking soda!" Natatawa kong sabi

"Oo nga no? Bakit hindi ko naisip iyan?
Napaka shy type pa naman ng taong iyon. Kailangang bombahin pa ng self confidence para maka-amin ng totoong feelings niya para saiyo e. Nakooo! Hayaan mo bakit hindi nalang ikaw ang unang umamin? Mindset ba mindset?

"Te-ka bakit ako ang unang aamin? E ako ang babae? Gusto mo bang batukan ako nina Papa at Mama?"

"Ano kaba! Uso na ngayon iyan no!
Bakit? Lalaki lang ba dapat ang mag first move? E kung mahal mo naman e edi ikaw na unang umamin hindi ba?"

"Ikaw naman bessy siyempre gusto ko pa din ako ang liligawan at hindi ako ang liligaw kaloka ka! Hihintayin ko hanggang sa umamin na siya sa akin."

"O baka naman kapag nanligaw na saiyo si Pagsamo e abutin pa ng isang taon ha? Huwag mo naman sana sobrang patagalin bessy remember? Kailangan nang madiligan niyang petchay mo!" Natatawa niyang sabi

"Hoy! Fresh na fresh ito kahit hindi pa nadidiligan! Ano akala mo sakin Atat na magka jowa ulit dahil gusto ko na magpadilig finally ganun?"

"Ano kaba bessy? Papa abutin mo paba ng ilang taon nanaman bago mo padiligan iyan? Nako bessy! Lahat ng bulaklak kailangan ng dilig at nutrients!" Sabay kindat pa ni Vienne na siyang paghagalpak na ng tawa ko.

"Ikaw talaga bessy! Masyadong curious sa sex life ko. Hayaan mo balitaan kita kapag naisipan konang magpadilig." Sagot ko

"Yesss bessy! Magpapa party ako para lang diyan sa sex life mo kapag meron na!" At nagkatawanan pa kami lalo sa sinabi niya

"Maiba ako bessy ha pero alam naba niyang si Arthur na uuwi kana ng Pampanga bukas ng umaga?" Tanong niya

"Actually bessy hindi ko pa nasasabi sakaniya e. Tinry kong makipag kita kanina para sana magpaaalam ng personal at makapag paliwanag sa pagtakas ko kaninang umaga at pag alis ng walang paalam pero napaka busy niya e. Tiyaka parang nagalit siya sa pag alis ko nang walang paalam. Iba kasi yung pakikipag usap niya kaninang umaga sa cellphone." Paliwanag ko at bigla akong nakaramdam ng lungkot dahil doon

"Hindi naman sa kinakampihan ko si Arthur bessy ha? Pero kahit naman ako magagalit din ako. Imagine? Nagkaka mabutihan na kayo ng loob at Ang saya saya ninyong magkasama tapos biglang eescape ka na walang kahit anong paliwanag at pa-goodbye e magtatampo talaga iyon."

"Oo nga bessy e. Kaya nga naisipan kong padalhan ng gawa kong apple pie kanina. Saka kona tatawagan kapag mas okay na ang mood niya at kapag mas may oras na siya. Maghihintay ako ng tamang oras bessy hanggang sa mas maging light yung mood niya sa akin." I smiled

"Parang girlfriend na girlfriend na datingan natin bessy ha? Nako! Ready na ready kana talagang magjowa!" Sabi niya at hindi ko maiwasang hindi matawa sa sinabi niya

"Bessy nga pala day off ko bukas kaya ihahatid kita ng Pampanga. Ipagmamaneho na kita." Offer ni Vienne sa akin habang nagliligpit kami ng mga pinagkainan namin kaninang dinner.

"Bessy huwag na. Mag cocommute nalang ako baka maabala pa kita. Okay lang sa akin na mag commute ulit pauwi."

"I insist bessy. Para hindi kana masyado maagang bumiyahe at maghintay sa bus terminal at isa pa namimiss konang pumasyal sa atin sa Pampanga ... Namimiss kona sina Mama at Papa mo pati na din sina Cassie at Marga kaya hayaan mokong ihatid ka bukas okay? Pumayag kana please?" She pleaded with her cute puppy eyes again

"Okay! Surrender na ako! Hindi ko nanaman kinakaya pagpapa cute mo bessy." Natatawa ko nalang sagot sakaniya.

Isa Lang.. Ikaw Ra Man (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon