LIV - Jealousy

0 0 0
                                    

Arthur's Pov

Hindi ko alam ang magiging reaksyon sa nakita ko.

Magkayakap habang nagtatawanan si Adie at Celes dito sa condo unit niya.

ANO NGA BA ANG GINAGAWA NI ADIE DITO SA CONDO UNIT NG GIRLFRIEND KO?!

My day started perfectly.
Tinawagan ako ng producer ko para sabihin na hindi itinuloy ni Rob ang balak na baliktarin ang kuwento tungkol sa issue naming tatlo involving Celestine. Napanood ko ang buong interview niya na inamin niya na nakainom siya at ipinagtanggol ko lang ang kaibigan ko dahil sa pangbabastos niya. Humingi na rin siya ng tawad sa amin ni Celes... Finally ay malinis na ang pangalan ni Celes at mababawasan na ang mga bashers niya dahil sa involvement niya sa issue na lumabas.

Dahil na rin sa balita na yun ay naisipan kong bisitahin si Celes dahil na rin sa hindi kami madalas nagkasama lately dahil sa pag iwas sa media. Pero miss na miss kona ang girlfriend ko na lagi ko nalang sa video call nakakausap.

Maaga akong nag ayos at nagtungo sa Condo unit niya. Mas mabuti nang maaga ako para maiwasan ko din ang mga medias o mga taong gagawa nanaman ng issue kapag nakita akong nagtutungo sa lugar niya.

Kaagad kong pinindot ang code sa kaniyang pintuan. Pero nawala ang ngiti ko nang marinig kong tumatawa siya at tila may kausap.

Napaaga ata si Vienne bumisita kay Celes?

Susurpresahin ko sana silang dalawa pero natigilan ako sa narinig.

Adie isa! bitiwan mo na ako at yari ka talaga sa akin kapag nakawala ako dito!"

ADIE ... nandito si Adie?

Ayan kananaman napipikon na naman po ang bubuwit.

Mabilis akong nagtungo sa may
dining area at nakita ko ngang nakayakap si Adie kay Celes habang nagtatawanan sila.

They look so happy...

Hindi ko napigilang hindi magalit
sa nakita.
Alam ko na mas naging close silang dalawa lalo na nga't napapadalas ang group date naming magkakaibigan. Pero alam kong wala ako dapat ikaselos kay Adie. dahil noon pa man ay kinlaro na niya na nirerespeto niya ang relasyon namin ni Celes. Nagparaya rin siya nung una palang dahil nakita niyang mas may chance ako kay Celes kaysa sakaniya.

Malaki rin ang tiwala ko kay Celes na hindi niya ako sasaktan lalo na at hindi siya papatol kay Adie.

Pero hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon.
Hindi ko maiwasang hindi magalit.
I don't like the idea of someone else touching my girl. I don't like the idea of seeing her laughing with someone else.

Pag dating kay Celestine..
Nagiging self fish ako.
Sino bang lalaki ang gustong makitang masaya ang mahal nila at napapatawa ng ibang lalaki?

Nanggagalaiti ako sa selos at galit ngayon.

"CELES." seryoso kong tawag sa pangalan niya

Halatang nagulat naman sila nang marinig ang pagtawag ko.

Kaagad na binitiwan ni Adie si Celes.

"Mahal? anong ginagawa mo dito?" mabilis na lumapit si Celes sa akin at niyakap ako.

"Namimiss na kita e. I need to see you." Nakangiti kong sagot sakaniya at mabilis na hinalikan ko siya sa labi at mas hinigpitan ang pagkakayakap niya sa akin.

Nakita ko namang nag iwas ng tingin si Adie sa amin dahil sa ginawa ko.

Thats it. Ma guilty ka sa pag hawak nang babaeng para sa akin lang!

"I missed you too Mahal." nakangiting sagot ni Celes pagkatapos ko siyang halikan.

"Adie? Buti napabisita ka sa girlfriend ko?" tipid na ngiti ko sakaniya

"Uh-m I went for a morning jog and I was around the area kaya naisipan kong dalhan ng almusal si Celes." nakangiti niyang sagot

"Talaga? Napaka thoughtful mo naman at naisipan mong dalhan ng pagkain ang girlfriend ko." sarkastiko kong sabi

"Uhm..Mahal? nandito din siya para ibalita sa akin yung good news...Nagsalita na nga raw si Rob tungkol sa issue at sinabi niya yung totoo. nag sorry na rin siya sa atin. Kaya ko siya nayakap kanina kasi masaya ako sa ibinalita niya kaya uh-m yun yung nadatnan mo kanina." paliwanag ni Celes

I know that Celes is telling the truth.
Never siya nagsinungaling sa akin.
She's like an open book ...makikita mo kaagad sa ekspresyon ng mukha niya at sa mga mata niya kapag masaya,malungkot at natatakot siya.
Alam kong kaagad niyang sinabi ang mga iyon dahil nakita kong magkayakap sila kanina.
She doesn't want me to think negatively on what I saw...

Pero hindi ko maintindihan kung bakit nagseselos pa rin ako at nagagalit lalo na kay Adie.

"Ah Ibinalita na niya saiyo ang tungkol doon? Great." tipid kong sagot

"Oo Mahal ..." sagot ni Celes habang nakatitig sa akin.

"Bro, sige na mauuna na ako. mag pi-prepare pa ako para sa guesting ko mamaya." biglang sabi ni Adie

"Mabuti naman kung ganoon. ihahatid na kita sa labas bro." sagot ko

"Uh-m Celes...Mauuna na ako." paalam niya

"Thank you ulit sa pagkain at sa pag share ng magandang balita Adie." nakangiting sabi ni Celes

Tahimik naman kami ni Adie hanggang sa makalabas ng unit ni Celes.

"Bro." biglang tawag niya sa akin

"Adie."

"About doon sa nakita mo.
Wala lang iyon.
I hope you won't think anything bad about it." sagot niya

"I understand that you are close to Celestine. I can see that she's also comfortable with you.
Pero lalaki ako Adie. Alam ko kapag may pagtingin ang isang lalaki sa isang babae." seryoso at madiin kong sabi sakaniya

"I don't know what you're talking about." sagot niya pabalik

"Akala mo ba hindi ko napapansin ang mga tingin mo sakaniya kapag magkakasama tayong lahat? The way you talk to her, the way you stare at her, the way you worry about her lalo na nung nangyari yung issue doon sa BAR. Hindi ako bulag Adie at mas lalong hindi ako Tanga!" Galit kong sabi sakaniya

"You are overreacting Arthur.
Kilala mo ako. hindi ko ugaling pumatol sa girlfriend ng ibang tao lalo na kung kaibigan ko. Nagparaya ako para saiyo noon kaya bakit ko naman gagawin ang mga sinasabi mo? Wala kabang tiwala sa akin? kay Celes??"

"Kay Celes may tiwala ako...saiyo wala!"

"Masyado kang nagpapadala sa galit at selos mo. Aminado ako na concern ako kay Celes pero bilang kaibigan lang ... At kung may nararamdaman man ako sakaniya hanggang ngayon Its my problem not yours!"

"Edi inamin mo rin?? na gusto mo pa rin siya hanggang ngayon??"

"I still like her but It doesn't mean I'll ruin everything about you two. Nirerespeto ko ang relasyon ninyo at hindi ako gumawa ng ikasisira ninyo! Kasi ayaw kong saktan ka at ayaw kong saktan si Celes. Masaya ako na kaibigan ko siya. Okay na ako doon!
Believe me Art. Hindi ko kayo guguluhin at nirerespeto ko kayo." paliwanag niya

"Kung totoo man lahat ng sinabi mo ay matuto kang dumistansya! The next time na makita kong hawakan mo ang girlfriend ko sinasabi ko saiyo Adie...Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko." banta ko sakaniya

"Trust me...Walang malisya yung pagyakap ko sakaniya kanina. Wala akong balak mangialam sa relasyon ninyo dahil magkakaibigan tayo."

"Sana nga Adie." sagot ko

Napabuntong hinga siya bago tuluyang umalis.

Isa Lang.. Ikaw Ra Man (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon