X - Unforgettable

2 0 0
                                    

🅲🅷🅰🅿🆃🅴🆁 🆃🅴🅽

Arthur's Pov

Its past 6pm nang matapos ang short live podcast ko na aking sinalihan. Mabilis akong nagdrive patungong BGC Taguig para umattend ng kaarawan ng girlfriend ni Jroa. Siguradong aasarin ako ng mga yun kapag mas na late ako.

Pagpasok ko palang ng Condo unit ay may nakita na akong mga bisita na kakilala ko.
Halos isa isa ko silang kinumusta at binati. Medyo nahihiya pa ako sakanila lalo na't ilang taon palang ako sa music industry pero laging sinasabi sa akin ng manager at producer ko na makihalubilo sakanila at maging palakaibigan.

Napansin kong napaka elegante ng style at design ng Condo unit. Halatang mayaman talaga ang girlfriend ni Jroa. Nabanggit nina Adie sa akin na isang sikat na model si Vienne. Hindi kopa siya ganoon ka close dahil nahihiya nga akong makipag usap. Pero ilang beses na din namin siyang nakakasamang mag coffee at kumain sa labas. Napaka friendly din ni Vienne at mukhang mabait.

Hindi din nawala sa paningin ko ang
2 tier cake na naka display.
Napakamamahalin tignan ng cake na iyon. Napaka elegante ng pagkakagawa.

Maya maya lang ay sinimulan konang hanapin sina Jroa,Zack at Adie.
Hindi nagtagal ay nakita ko silang nasa may balcony area kausap ang dalawang babae na kasama nila. Napansin kong si Vienne ang babaeng naka pulang dress na napapagitnaan nina Zack at Jroa. Nakatalikod naman sa direksyon ko si Adie na katabi ang babaeng naka puting dress..

Sino kaya ang babaeng kasama ni Adie?
Panibagong date nanaman kaya niya? Hindi na talaga nagbago tong bata na to. Natatawa kong sabi sa sarili.

Lalapit na sana ako nang marinig kong seryosong nakikipag usap si Vienne sa babaeng katabi ni Adie kaya tumigil ako sa paglalakad at hinayaan muna silang mag usap.

Isa Lang.. Ikaw Ra Man (BOOK 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon